Nakaupo kami sa bubong habang nakain ng snacks. Tuwing gabi kasi natambay talaga ako dito. First time Kong may makatabi na tumambay dito at si lance yon.
"Lance thankyou ah"
"Hmm para saan?"
"Salamat kasi lagi kang nandyan kahit lagi kitang tinataboy"
Habang nagsasalita ako alam Kong nakatitig lang si lance sakin.
"Andito lang ako lagi sa tabi mo Sam. Hindi ako magsasawang ipagtanggol ka sa mga umaapi sayo. Sorry kung dahil sakin napapaaway ka at napapalapit ka sa gulo. Tandaan mo hinding Hindi ako susuko Sam mahal na mahal kita"
"A-anong i-ibig mong sabihin lance?"
"Pwedeng bang manligaw?"
*shook*
"H-ha?"
"Sabi ko Kung pwede ba kitang maging girlfriend?"
"B-bat a-ako?"
"Kasi mahal kita"
Fvck enebe! Lance stop shit ayoko na namumula na ako nararamdaman ko ng tumataas na yung dugo sa pisngi ko huehue.
Naramdaman ko namang unti unti ng dumadampi ang mga malalambit nyang labi sa labi ko at ang mga kamay nya ay dumadaan na sa bewang ko hanggang sa hawakan nya na ang mukha ko at inilapit pa nya ng sobra ang mukha ko para mahalikan nya pa ako ng todo.
"Baby iloveyousomuch"
"Iloveyoutoo" bulong ko at biglang napatigil naman ang matamis na paghalik sa akin ni Lance at kitang kita ko ang pagka gulat nya sa sinabi ko.
"W-what? I-iloveyoutoo?"
"W-wala! M-matulog na tayo sabi ko!"
"W-wait lang. Ano muna yung sabi mo? I-iloveyoutoo?"
"H-ha d-di ah"
"Asus narinig ko iloveyoutoo e" sabi nya "kinilig kaya ako don" dagdag nya habang pabulong nyang sinasabi pero narinig ko.
"Tsk matulog kana nga!"
"Goodnight baby"
"Nyt"
"Hmm Sam pwede favor?"
"What?"
"Pwede yung buhok ko himas himasin mo ng kamay mo? Hindi kasi ako makatulog e" Sabi nya "please?" Dagdag nya.
Unti unti Kong inilagay yung kamay ko sa ulo nya. Naalala ko si mark bigla. Kasi hilig nya din to. Lagi ko syang ginaganto kapag nagpapaantok sya. Aish bat ba inaalala ko pa yon? Tsk.
"Hmmmm"
"Hoy Lance wag ka ngang gumanyan!"
"Why baby?"
"Basta" sabi ko "mamaya may makarinig sayo sabihin anong ginagawa natin" bulong ko.
"Ha?"
"Wala!"
"Hmmmm"
"Ano ba sinabi ng---"
Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla nya akong halikan. Fvck Hindi ko kaya to. Bat ba lagi na lang ganto si lance? Aish lagi nya na lang ako pinapakilig. Oo mahal ko na sya. Pero parang Hindi pa ako handa na sagutin sya. Nabigla ako. Akala ko lahat ng yon kasinungalin lang. Pero natauhan ako at narealize ko na mahal nya nga talaga ako.
"Mahal na mahal kita baby---"
Nagsalita agad ako pagka tapos nya magsalita dahil gusto Kong ipaalam sa kanya na Hindi pa ako handa. Ang bilis kasi ng pangyayari.
"A-ah lance matulog na tayo"
"Ayaw mo ba sakin Sam?" Seryosong tanong nya. Hindi agad ako nakapag salita.
Hindi ko ayaw sayo lance. Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. Kung paano kita ipagtanggol ng ganun ganun na lang kay mark at dalhin ka dito kahit Hindi pa kita boyfriend. Hindi lang talaga ako ready. Ayoko na kasing masaktan. Natatakot na ako.
"A-ano M-matulog na tayo---"
"Sagutin mo muna yung tanong ko. Ayaw mo ba sakin Sam?" Sabi nya at tinitigan nya ako at napaka seryoso ng mukha nya.
"A-ano k-kasi---"
"Answer me!"
Napalakas yung sigaw nya sakin. Pagka tapos nya ako sigawan napatigil na lang sya dahil nakita nya ang mga mata ko na paluha na. Nagulat ako sa sigaw nya dahil alam Kong rinig nila mama at papa yon at ng mga kapatid ko. Lumakas ang tibok ng puso ko.
Nang makita Kong unti unti ng tumutulo yung luha nya ay parang may tumutusok na karayom sa puso ko. Na parang kumikirot habang patuloy na tinutusok. Bat ang sakit. Ang sakit sakit na makita syang umiiyak sa harapan ko.
"S-sorry. S-sorry Sam. S-sorry" sabi nya habang patuloy na humihikbi.
Hindi ko alam kung natutuwa ba ako o naaawa kasi ang cute nya umiyak. Parang batang inagawan ng lollipop. Aakmang hahalikan nya na ako ng magsalita ako bigla para Hindi nya maituloy ang sasabihin nya.
"Hindi sa ayaw ko lance! Natatakot ako na baka maloko nanaman ako ngayon! Natatakot ako na baka masaktan nanaman ako ngayon! Natatakot ako na baka puro Biro lang lahat ng to! Natatakot ako na baka---"
"No Sam! No! Seryoso ako mahal na mahal kita! Sana paniwalaan mo naman ako kahit minsan! Kahit yung pagmamahal ko lang! Dahil lang Kay mark kaya ka nagkaganyan? Nasaktan ka lang tinulad mo na lahat? Pano naman akong seryoso sayo? Ano wala lang? Ganun ganun na lang!"
"Wag mokong sigawan wala kang karapa---"
Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nyang hinila ang baba ko paraan para dumampi ang labi ko sa labi nya. Nararamdaman kong parang naiyak si lance. Bat ba ganto yung dumating sa buhay ko? Unexpected. Gulat na gulat ako sa mga pangyayari. Diko akalain na mararanasan at mararamdaman ko yung mga nagaganap sa mga palabas na napapanood ko.
Bat pa ako? Bat pa si Sam na nananahimik na yung buhay at ayaw ng gulong ganto! Tsaka kakakilala lang namin ni Lance tapos mahal nya na agad ako? Tsk yun yung tinatanong ko sa sarili ko e!
Wala sa bilis o tagal ang pagmamahal dahil bigla mo na lang itong mararamdaman.
Wala sa bilis o tagal ang pagmamahal dahil bigla mo na lang itong mararamdaman.
Wala sa bilis o tagal ang pagmamahal dahil bigla mo na lang itong mararamdaman.
Shit what the anong nangyayari sakin! Mahal ko si lance pero Hindi ibig sabihin non e sasagutin ko na sya. Gusto nya na maging daddy. Pano pag naging kami na? Syempre Hindi na yon mapipigilan kaya ayaw ko.
Sam, mag tiwala ka lang.
Sam, magtiwala ka lang.
Sam, magtiwala ka lang.
Aish ano ba! Nadedemonyo na ako!
Sa tuwing naalala ko yung mga katagang sinasabi sakin ni lance nawawala na ako sa katinuan. Naiisip ko na lang bigla na sagutin na kaya sya? Pero no no no! No! Hindi pwede.HINDI MO AKO MAKUKUHA NG MADALI LAWRENCE LANCE VILLANUEVA.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...