Nagising ako ng naka sando at cycling na lang. Fvck anong nangyari? Humanda to sakin tong mokong na to. Grhh nakakainis.
"Hi baby goodmorning"
"Ay kalabaw!"
"Tara na sa baba kain na tayo" pagyaya nya sa akin.
"Anong nangyari mokong ka ha?!"
"Kukwento ko sayo mamaya baby hahaha kumain na muna tayo"
"Kumain ka magisa mo!"
Pa punta na sana ako ng cr dahil magbibihis na ako at aalis na ako sa bahay na to ng bigla nya akong hawakan sa braso.
"Baby please bago ka umalis kumain na muna tayo" sabi nya habang yung mata nya ay nag pupuppy eyes pa. Pabebe jusko
Bat pag sya na yung nagsasalita o nagmamakaawa Hindi na ako maka palag? Aish sino ba talaga to? Ang laki lagi ng problema saken.
Tapos na kami kumain nakapag pa hinga na din ako ng konti at nag bihis na ako aalis na lang ako.
"Pwede kana mag hugas ng plato"
"Aba ang kapal din talaga ng mukha mo e no!" Sabi ko "bat di ikaw yung mag hugas ng plato!"
"Oh edi walang uuwi"
Aish ang kapal talaga ng mukha netong mokong na to! ginagawa nya Kong katulong nya! Ano ako katulong para maging sunud-sunudan dito? Mukha ba Kong katulong!!
"Susunod ka din naman pala e"
"Tsk tamad mo!"
Unti unti syang lumapit sa akin habang nasa lababo ako at bigla nyang hinawakan ang bewang ko at hinigit ito. Fvck.
"Iloveyou baby"
"Yak! Tigilan mo nga ko alisin mo yang kamay mo! Psh"
Tapos na ako mag hugas ng plato aalis na sana ako kaso dinala ako ng mga paa ko patungo da kwarto nya. Dahan dahan akong umakyat at binuksan ang pinto. Nakita ko naman syang naka headset at naka higa ang ulo nya sa higaan nya habang ang pwetan nya naman ay nasa sahig.
*shook*
Shit ngayon ko lang na realize na naka boxer lang sya. Kailangan ko ng umalis.
*dug*
Fvck nasanggi ko pa yung cabinet nya. Aray ang sakit ng paa ko. Sh*t ang malas naman oh!
"Pwede mo naman sabihing mag round 2 tayo baby e. Hindi yung nagiingay ka pa dyan para lang mapansin ko hahaha"
"You wish!"
Aish nakakainis! Kasalanan ko bang masanggi yung cabinet na yon?! Nasanggi lang gusto na agad ng round two?! Yak kadiri sya grhh!
Papasok na ako ng school ng biglang mag salita si nanay.
"Anak San ka natulog?"
"A-ah m-ma"
"Hmm?"
"A-ah kila Claire po ma"
"Hi Bessy!"
"Ay kalabaw ka! Ano ba Claire lagi mo na lang akong ginugulat!"
"Anak Claire sa inyo ba natulog si Samantha?"
Sh*t no baka malaman ni nanay na nagsisinungaling aking ako! Tumingin naman sakin di Claire na parang naguguluhan. Nilakihan ko sya ng mata at tinanguan para sabihin umoo sya. Lagot huhuhu.
"A-ah o-po tita sa amin po natulog si Sam"
Hay salamat. Lagot talaga ako kapag nalaman ni mama na sa mokong ako natulog tsk.
"A-ah ma alis na po kami. Babye po"
"B-bye po tita"
"Osige ingat kayo"
Nang maka labas na kami ni Claire ng pintuan ay agad nya akong hinila. Patay.
"Sam San kaba natulog? Pag nalaman to ni tita at Tito siguradong lagot ka! Balita ko nag cutting ka daw at dinala ka ni lance sa bahay nila?! Totoo ba?!
Fvck bat alam ni Claire to?! May naka kita ba samin? Nooo huhuhu.
"A-ah Claire"
"Ano sabihin mo!"
"Oo!"
"Oh my Bessy anong ginawa sayo ng mokong na yan ah?! Pinagsamantalahan kaba nya? Ano!"
"Claire shut up baka may makarinig sayo! Walang nangyari okay? Aish"
"Sus nako Sam ako pa lolokohin mo kilala ko yan si lance!"
Wala naman talagang nangyari diba? Ano bang nangyari? Aish nababaliw nako. Nawalan ba ako ng Malay?
"Uy Sam balita namin magaling ka daw ah" sabi nung nasa likod ko habang naglalakad ako.
"Pre, may problema ka ba?"
Nagulat ako ng magsalita tong mokong na to. Nahihiya na ako. Ano ba kasing nangyare? Bat ginaganto nila ko huhuhu naiiyak na ako!
"Ok ka lang Sam?"
"Ok? Hindi ako ok! Ano ba talagang nangyare Lawrence Hindi kona maintindihan yung sinasabi nila!"
"A-ah Sam magusap tayo ng mahinahon wag sigawan wag dito please--"
"Bat Hindi na lang dito baket ayaw mong malaman ng mga tao yung mga ginawa mong katarantaduhan ha?!"
"H-hindi S-sam please"
"Ano!!!!"
"OO MAY NANGYARI SATEN!"
Hindi ko namalayang bumagsak na ang luha ko sa mga simpleng salitang sinabi ni lance. sandali akong napatigil. Parang yung mga tao na naka tingin samin ay parang biglang nag laho sa paningin ko.
"H-ha? Ano!! Sabihin mo sakin nagbibiro ka lang lance sabihin mo sakin!!!"sabi ko habang hinahampas sya sa dibdib nya.
"S-sam sorry"
"S-sorry?! Mababawi ba ng sorry mo yung ginawa mo?! E Hindi nga kita kilala tapos ngayon lang tayo nagkita tapos kung maka react ka e parang kala mo close tayo! Napaka kapal ng mukha mo lance!"
"S-sam papanagutan ko naman kung buntis ka---"
Hindi pa sya natatapos sa sasabihin nya ay sinampal ko na sya. Kahit kelan hinding hindi sya magiging ama at hinding Hindi ako magiging ina!
Tatalikuran ko na sya habang nagsasalita sya at tinatawag nya ako. Hindi ko kayang makita yung pagmumukha nya hayop sya! Aish ano ba kasing nangyari kagabi!
"Bessy ang lalim nanaman ng iniisip mo. Sige ka kawawa naman yung baby dyan sa Tiyan mo---"
"Pwede ba tigilan mo nga ko Claire!"
Napalakas ata yung sabi ko kaya napunta samin ang atensyon ng buong klase. Pano ba naman kasi wala ako sa mood makipag lokohan! Tsk.
"Are you listening alcantara and Manatad?"
"S-sorry ma'am" sabay naming sabi.
"C-claire.... S-sorry" Hindi kona napigilan pa at tumulo na ang luha ko.
Hindi kona kaya at tuluyan na akong umalis sa room at nag paalam na aalis na muna. Naramdaman ko namang sumunod si Claire at nag paalam din sya.
"Sam sorry"
Napalingon ako kung saan nagsalita si Claire.
Pa punta kaming cafeteria habang yung luha ko ay patuloy na tumutulo.
OO MAY NANGYARI SATIN!
OO MAY NANGYARI SATIN!
OO MAY NANGYARI SATIN!
"Ahhhhhh!!!"
Hindi ko namalayan na sumigaw ako. Ano bang nangyayari sakin! Aish nabuburyo nako sa kaka isip dito!
"Bessy ok ka lang? Pagaalalala ni Claire sakin. "Sa tingin ko kailangan mo ng umuwi"
"Hindi Claire. Kaya ko pa"
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...