Naglalakad kami ni Claire pa puntang room ng may marinig akong naguusap na mga studyante.
"Alam nyo na ba yung balita bessy? Na buntis daw si Samantha at ang tatay ay si Lawrence" sabi nung isang girl.
"Oh talaga? Shocks si Lawrence papatulan ang isang tulad nya hahaha. wala pa nga sa talampakan ni Bianca yan e hahaha yak" sabi naman nung pangalawang girl.
Naginit na ang ulo ko at lalapitan ko na sana sila ng hilain ni Claire ang kamay ko.
"Bessy wag mo na patulan yan. Mga walang pinagaralan ang mga ganyang tao"
"Excuse me! Kami pa talaga ang walang pinag aralan ah? Para sabihin ko sayo at sa besty mong maharot, wag mo kaming igaya sa inyo! Mga mahaha--- ahhh! Bitiwan--- mo ako---! Ahhh!"
Hindi pa nya natatapos ang sasabihin nya ay nilapitan ko na siya at hinablot ang dalawa nilang buhok at pinag untog.
"Tumigil na nga kayo Sam tama na!" Pagaawat ni Lance na biglang dumating.
"Aw bitiwan mo akong malandi--- ahhh---! Ka!"
"Sam tumigil na kayo ano ba!" Pagaawat ni Lance na sigaw ng sigaw.
"Ouch!" Sigaw ko.
Nabitawan ko ang mga buhok nila at bigla na lang akong nahilo at parang tutumba.
Parang may tumamang matigas sa tiyan ko. Dahan dahan kong ibinaba ang tingin ko sa Tiyan ko habang nanginginig ang kamay ko at nakita Kong nagdudugo ang legs ko.
"B-bessy... B-bessy yung baby mo!"
"S-sam" nanginginig na sabi ni Lance.
"B-baby k-ko... B-baby k-ko... Baby ko!!!" Sigaw ko.
"Tara na dalhin na natin siya sa hospital! Claire dalian mo tulungan mo ako!" Sigaw ni Lance na natataranta.
"A-ah b-baby ko!!" Nanginginig Kong sabi habang nasigaw.
Nakasakay na siguro kami dahil naalog alog ang ulo ko. Naririnig kong umiiyak si Lance. Awang awa ako sa kanya. Dahil Hindi nya alam ang pinag gagawa ko. Tapos iniiyakan nya ako ng ganyan? Hindi nya deserve maloko ng isang tulad kong walang ginawa kundi lokohin siya.
"P-patawarin mo ako lance..." Tanging bulong ko lang pero alam Kong narinig nya ako.
"Baby wag... Wag kang susuko parang awa mo na kahit para sakin lang. Wag please mahal na mahal kita" sabi nya habang naiyak.
Parang dinudurog ang puso ko sa bawat katagang sinasabi nya. Nakokonsensya na ako sa ginawa ko. Takot na takot akong malaman nya to dahil siguradong kamumuhian nya ang isang tulad ko.
LANCE POV
"Doc kamusta ho asawa ko?"
"Maayos na ang lagay nya. Tumama lang ang tiyan nya sa matigas na bagay. Kung malakas ang pagkaka tama nya ay siguradong laglag ang bata. Pero wag na ho kayong magalala. Wala naman hong nangyari at nasa maayos na ho ang lagay nila ng misis nyo"
Halos mangiyak ngiyak ako sa kaba na Hindi ko alam kung anong nangyari kay Sam. Salamat panginoon iniligtas nyo ho ang mag ina ko.
Paalis ako ng hospital at nagpaalam ako kila mama na sila muna ang pumalit sa akin sa hospital at tinawagan ko na din ang mga magulang ni Sam.
Pauwi na ako pero dumaan muna ako ng simbahan ng may biglang humarang sa akin na matanda at hinawakan ang kaliwa kong kamay.
"Huwag mo ng ituloy ang ibinabalak mo hijo, niloloko ka lang ng asawa mo!"
"P-po?"
"Nasa panganib ang desisyon mo hijo, wag mo ng ituloy iyan dahil pagsisisihan mo lang iyan bandang huli!"
"S-sino ho ba kayo? B-bitawan nyo ho ako Hindi ko ho alam ang sinasabi ninyo" pagpipiglas ko sa kamay ko na hawak niya.
"Hijo makinig ka sa akin! Totoo---"
"Bitawan nyo ho ako!" Sigaw ko. Nabigla ako dahil ayaw nyang bitawan ang kamay ko. "P-pasensya na ho pero Hindi ko ako naniniwala sa sinasabi ninyo. Mahal ho ako ng asawa ko at bubuo pa kami ng mga masasayang alaala"
Umalis na lang ako dahil baka ma bwisit lang ako sa matanda at masabihan ko pa sya ng hindi magandang salita.
"Yaya andito pa ba sila mama?" Tanong ko kay yaya.
"Ay wala ho sir umalis na ho pupunta daw ho ng hospital" sabi nya at tinanguan ko na lang at umakyat na.
Paakyat na ako ng makita ko ang kwarto ni mama na naka bukas. Ewan ko pero bigla na lang akong pumasok doon. Para bang bigla akong kinabahan pagka pasok na pagka pasok ko.
May nakita akong naka litaw na papel. Ano kaya iyon? Nilapitan ko at may nakita akong naka sulat na 10 thousand pesos para saan ito?
Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko at may nakita akong pirma dito ng dalawang tao.
"SAMANTHA GEORGINA ALCANTARA"
"KAYE VILLANUEVA"
"WENDELL VILLANUEVA"
Bakit may pirma silang tatlo dito? Para saan ba ito? Babasahin ko na sana ang papel kung para saan iyon ng biglang may magsalita.
"Sir may tawag ho kayo"
"Ay kalabaw! S-sige ho susunod na ho ako" nagulat ako at nabitawan ko ang papel. Wala na din kasing oras kaya Hindi ko na pinulot iyon. Baka kasulatan lang iyon na bawal na umatras si Sam sa asawa nyang gwapo hahaha.
"Sino ho sila?" Tanong ko sa telepono.
"Anak si mommy mo ito. Nasan kana ba? Andyan kana ba sa bahay? Paki check nga ang kwarto ko parang Hindi ko nasarado"
"A-ah na lock ko na po ma" sagot ko. "Ano po yu--- toot toot toot"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naputol ang line namin.
"Anong nangyari? Hindi pa ba nakakapag bayad?" Tanong ko kay yaya.
"Ah sir check ko ho yung---"
"Hindi sige wag na aalis na din naman ako. Paki bantayan na lang yung bahay" pagpuputol ko.
Paalis na ako nang may biglang humarang nanaman sa akin. Aish sino nanaman ba ito? May naka takip sa mukha nya kaya Hindi ko sya makilala.
"Pwede ba umalis ka sa dadaanan ko? Nagmamadali ak---"
"Hindi mo na ba ako nakikilala? Ilang months pa lang ang nakaka lipas limot mo na kaagad ako?" Tanong niya.
Teka sino ba ito? Hindi ko nga ito kilala e. Tapos kung makapag asta akala mo may pinag samahan kami.
"Teka sino ka ba? Pwede ba umalis kana sa dadaanan ko nagmamadali ako yung misis ko manganganak na!"
Sandali syang natigilan at parang naiyak siya.
"M-may a-asawa kana?" Nauutal nyang sabi.
"Oo kaya umalis kana dyan sa dadaanan ko!"
Inalis nya na ang naka takip sa mukha nya at nakita kong naiyak sya.
"B-bianca? A-anong g-ginagawa mo d-dito?" Nauutal kong sabi dahil Hindi ko alam na si bianca pala yung nasa harapan ko.
"Ako nga Lawrence, tama ba yung narinig ko? M-may asawa kana?" Tanong nya sa akin habang siya ay naiyak. "Kung Hindi mo kayang sagutin yung tanong ko tawagan mo na lang ako" sabi nya at iniabot ang papel sa akin at umalis na siya.
YOU ARE READING
Unexpected
عاطفيةAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...