Naglalakad ako pa punta sa bahay nila mark. Mukhang walang tao nasan kaya yon? Ang pag kaka alam ko day off nya ngayon dahil sabado ngayon. Kinatok ko ang pintuan nila pero walang nasagot at sinubukan Kong buksan iyon at biglang bumukas. Bat bukas ang pintuan nila? E parang wala namang tao.
Umakyat ako at may nakita akong bukas na pintuan sa kwarto ni mark. Bago pa man ako maka pasok may nakita akong damit na pula at Amoy babae. Kinabahan ako at dahan dahan akong pumasok sa pintuan nang makita Kong may kahalikan si mark na babae. Sandali akong napatigil habang nakatitig ako Kay mark. Wala na akong masabi, gusto Kong mag salita pero Hindi ko magawa, gusto kong sampalin si mark at ang babae, pero Hindi ako makagalaw Hanggang sa tumulo na ng tuluyan ang luha ko at napatigil si mark at ang Babae sa ginagawa nila. Napansin ako ng babae pero si mark Hindi dahil nakapatong sya sa babae."Ghad" gulat ng ani nitong hinayupak na malandi tong babaeng to.
"S-smantha" gulat din na sabi ni mark na Hindi maka paniwalang naka tayo ako sa tapat nila.
Papalapit sya sa akin pero Hindi pa man sya nakakalapit ay agad ko syang sinampal.
"Kulang pa yan sa lahat ng ginawa mo sakeng hayop ka. Kulang pa ba mark? Sabi mo saken sobra sobra na ako para sayo tapos ganto maaabutan ko? Kaya pala araw araw kang walang paramdam saken dahil sa haliparot na babaeng kalampungan mo? Mark pwede mo naman akong ikaw e papakawalan naman kita pero etong ginagawa mo saken, na pinapakita mong mahal moko kahit Hindi naman talaga! Mark nag kulang ba ako? Halos kahit busy ako tinetext pa rin kita pero ikaw ni isa walang reply saken! Bat mo ka pa nakipag balikan saken kung mag hahanap ka din naman pala ng iba! Alam mo sa totoo lang eto sasabihin mo sayo, WALA KANG KWENTANG BOYFRIEND!" Sigaw ko sa sobrang galit ko sa kanya.
Paalis na ako habang ang luha ko ay patuloy na tumutulo kahit pinipigilan ko ng wag nang umiyak. Sobrang sakit, sobra. Hindi pa ba sapat lahat ng pag hihirap ko at pag sisinungaling ko sa mga magulang ko para lang hindi kame maghiwalay at pag takpan ko sya sa mga ginagawa nya? Ang dami Kong tanong sa sarili ko kase Hindi ko maintindihan kung baket nasasaktan ako ng ganto. Deserve ko ba to? Sobrang sakit lahat naman binigay ko pero bat nasasaktan pa din ako ng ganto?
Pa punta akong bar malapit dito sa bahay nila mark dito lang kasi yung may malapit na bar kaya dito na lang ako dumeretso. Umorder ako ng alak na sigurado akong malalasing talaga ako dahil gusto ko lang maramdaman yung feeling na makalimutan ko lang saglit yung sakit na nararamdaman ko."Miss nakaka ilan na po kayo Hindi pa po ba kayo uuwi?" Tanong ng lalaki na ng galing sa likudan ko
"Costumer ako dito ayaw mo bang kumita kayo?" Ani ko ng pagalit na halong naiirita
"A-ah eh maam mag sasarado na po kasi kame Hindi pa ho ba kayo tapos dyan?"
"Sinabi n-nang"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil biglang may humila sakin patalikod at paalis kami sa bar habang hawak hawak nya ng mahigpit yung kamay ko. Pilit Kong iminulat ang aking mata para makita kung sino yung nahila sa akin. Hanggang kelan kaya ako titigilan ng lalaking to sa kaka sunod sakin? Pwede ba wag na muna akong pake elaman? Ngayon na nga lang tong pag kakataon na makalimutan ko yung sakit na nararamdaman ko pero ang dami pa ding napigil saken para makalimutan ko to.
"Anak ng tipaklong bitiwan mo nga ako!" Pag pipiglas ko dahil ang posisyon namin ay yung ulo ko nasa balikat nya
"Hindi ka nakaka intindi ng tagalog? SINABI NG MAG SASARADO NA ANG BAR AT UMALIS KANA!"
"Pwede ba wag mo nga akong paki elaman! Wala kang pake oka-"
Hindi pa ako nakaka tapos ng sasabihin ko ay agad nyang tinakpan ang bibig ko para Hindi ko na matapos ang sasabihin ko.
"Bitiwan mo nga ako!" Pag pipiglas ko pero patuloy pa din syang nag lalakad
Nagising ako ng may makita akong panyo na puti sa noo ko inikot ko ang tingin ko sa paligid at nakita kong nakapatong sa kamay ko ang ulo ng mokong na to. Lang ya hanggang kelan kaya ako titigilan ng hayop na to? Tsaka baket parang alam nya lahat ng galaw ko? Naka ilang beses na syang pag liligtas saken kahit ang init ng dugo ko sa kanya at naiinis pa ako imbis na mag pasalamat ay Hindi ko magawang mag pasalamat sa kanya. Sino ba kasi tong mokong na to? At bakit lagi nya akong nililigtas at andyan sya palagi sa tabi ko sa oras na pasuko na ako. Napatingin sya sa akin at minulat na ang mata nya.
"Kanina ka pa ba gising?"
"H-hindi kakagising ko lang. A-alis na a-ako s-salamat" nauutal utal Kong sabi dahil nahihiya ako
"Hindi ka ba kakain?"
"Ah eh Hindi na"
"Kumain kana muna bago ka umalis" pag pipigil nya sa akin
Patungo na kami ng kusina at uupo na sana ako kaso pinigilan nya ako.
"Hep hep hep mag luto kana at ako lang ang uupo dito naiintindihan mo?"
Ang tigas ng mukha ng mokong na to kung tamad sya mas tamad ako!
"Ang tibay ng mukha mo e no bahala ka ikaw ang mag luto!" Tumayo na ako paalis na sana ako ng harangin nya ang pinto. Aish hindi talaga ako titigilan Neto e gusto nanaman atang maka tikim ng sapak.
"Umalis ka dyan dadaan ako!"
"Tandaan mo andito ka sa pamamahay ko kaya kung Hindi ka susunod pwes walang uuwi"
Patungo na ako ng kusina. Ang tibay ng mukha ng mokong na to kapag ako nainis mabubugbog ko na to. Nilagay ko na sa lamesa ang pagkain dahil ayoko ng pabalik balik kaya pinag sabay sabay ko nang dalahin at muntikan na mahulog ang isa agad na lumapit tong si mokong at sinalo ang muntikan ng mahulog na pagkain.
"Mag ingat ka din kase"
"Ang tibay ng mukha mo e no edi sana tinutulungan moko diba?" Naiinis Kong sabi at inilagay sa Kamay nya ang pagkain Kong dala. At at at bigla nya akong hinalikan bago pa ako maka tatikod.
Tumalikod na sya at naiwan akong tulala dito na naka nganga na Hindi maka paniwala sa ginawa nya. Sh*t ano bang problema netong lalakeng to? Naramdaman Kong uminit naman ang dibdib ko at namula ito. Fvck bat kinikilig ako dito sa hayop na to? Iw never.
"Ay salamat" sabi nya
Pareho kaming naka upo at bigla syang nag salita.
"Ano wala kang balak iligpit ang pinag kainina?"
Ano?! Medyo nabibingi ata ako. Ako na nga nag handa ng pinag kainin ako pa din mag liligpit?
"Aba masyado kana atang nasisiyahan"
"Hindi naman ako mahirap kausap. Walang uuwi" bigla syang ngumiti at bigla nya din naman iyong inalis at tinarayan ako. Yung totoo? Lalaki ba talaga to?
"Ganto na lang paunahan tayong tumakbo mula sa kusina hanggang sa sala. Kung sino ang mahuli ay ayon ang mag liligpit ng pinag kainan at mag huhugas ng plato ano?"
Pumayag ako at nag Simula na kami.
"1 2 3 gooo!" Sigaw nya
Nauuna ako sa kanya at nang bigla nya akong itisod ng ngitian ko sya ng ngiting asar. Nauuna na sya sa akin aish napaka daya netong mokong na to! Nauna sya at bigla akong nadulas at tumama ang ulo ko sa medyo malambot na sofa. Aish ang sakit. Humanda to sakin tong mokong na to susugurin kita!
"Oh pano ba yan baby ako ang nauna kaya ikaw ang mag huhugas ng Plato" sabi nya habang hinihingal hingal pa
Paika ika ang lakad ko patungo sa kusina. Sobrang sakit ng ulo ko at paa. Matapos lang ako dito ay agad na akong uuwi nang hindi nakikita ng mokong na to.
"Humanda ka saking hayop ka" bulong ko habang sinasabon ang plato.
Pagka tapos ko mag hugas ng plato ay dahan dahan akong nag lakad pa balik kung nasaan andon ang bag ko. Nakita ko syang tulog kaya dahan dahan Kong kinuha ang bag ko. Palabas na ako wooh naka Alis din sa bahay na to!
"Ay salamat makaka Alis na din ako sa pamamahay na to"
Palayo na ako sa bahay ng mokong na to kaya naka ngiti ako. Sisiguraduhin Kong Hindi na ako babalik dito dahil Hindi naman ako katulong para utus-utusan ng Hindi ko kilala.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...