"Wala na akong hihilingin pa dahil sobra sobra ka na" sabi ko habang nginingitian sya.
Nginitian nya lang ako. "Let's swim" pagyaya nya sa akin. Agad naman akong nag bihis at tumakbo na papuntang dalampasigan.
"Halika punta tayo don" pagyaya nya saakin at tinuro ang dulo ng dalampasigan.
"Ayaw ko dito lang ako" sabi ko at umiling.
"Ayaw mo ah" sabi nya at tumakbo papalapit sa akin at hinila ako kahit na pumipiglas ako.
"Lance ayaw ko nga dito na--- ahhhh!" Sigaw ko dahil kinikiliti nya ako para maka sama ako sa kanya.
Habang hinihila nya ako ay muntik na akong matisod buti na lang ay agad nyang nahawakan ang kamay ko kaya ang posisyon namin ngayon ay parang yung sinasayaw ka ng lalaki. Naka balanse kami tapos ang kanang kamay nya ay naka hawak sa kaliwa kong kamay.
"Wow" sabi ko habang natawa.
"Iloveyou baby" sabi nya at nginunguso ang labi nya sa labi ko.
"I-iloveyoutoo" nauutal kong sabi.
Masaya kaming nagtatakbuhan ni Lance sa dalampasigan na akala mo ay hindi ako buntis dahil ang bilis ko tumakbo para hindi nya ako mahuli. May papalapit samin na tatlong babae nanaman. Aish eto nanaman ba? Masyado pa kong pagod kakatakbo at hiningal pa ako. Naka tingin sila sa junior ni Lance ng bigla ko itong tinignan ng patago. Ang bababoy kababaeng tao ay ayun pa talaga ang tinignan.
"Hi junior" sabi nilang tatlo sabay turo sa junior ni Lance.
Aba talagang aakto pa silang hahawakan nila ah? Subukan lang nila at malilintikan sila sa akin. Akin lang ang junior ni Lance! Lahat ng iyon ay akin lang! Akin lang!
Hahawakan na sana nila ng tapikin ko ang kamay nung babaeng maitim na medyo matangkad.
"Oops, kapag mayroon ng nagmamayari nito *sabay takip sa junior ni Lance* wag ng kuhain pa okay? Humanap ka ng sarili mong junior. Alis chu chu" sabi ko habang pina paalis sila na parang aso at tumawa ako ng nakakaloko.
"3 points sa misis ko whoo!" Sigaw ni Lance habang dinidilaan ang mga babae na inaasar sila.
"Ulol! Tabi nga dyan nawalan na ko ng gana mag swimming" bored kong sabi.
"Edi paganahin natin" sabi nya sabay kagat ng labi tapos taas baba ng kilay nya.
Aish Lawrence naman wag naman ganyan nakaka panghina. Hindi porket sinabi ko iyon cacareer-in mo na! Napaka bastos talaga nitong mokong na to.
"Tsk sinabi ko lang yon para malaman nila na---"
Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla syang nag salita. "Pagmamayari mo na to?" Dugtong nya sabay ngumiti ng nakaka loko.
"Tss, hindi ah! Tumigil ka nga dyan!"
"Asus ang sabihin mo nagustuhan mo din yung gina---"
"Sinabi ng tumigil ka nga!" Sigaw ko at sinamaan sya ng tingin.
Papalapit sya sa akin ng tumalikod ako at pinaupo nya ako at niyakap nya ako sa likod at siniksik nya ang baba nya sa balikat ko at mas hinigpitan pa ang yakap sa tiyan ko.
"Wag kang magalala baby, kahit na madami pang mas maganda dyan sayo, mas maganda ka pa din sa kanila. At kahit na madami pang lumandi dyan saakin hindi ako magpapalandi dahil mas mahal kita sa kanila" seryoso nyang sabi at mas lalong siniksik ang baba nya sa leeg ko.
Iba talaga ang epekto ng isang to. Nagwawala nanaman ang mga paru paro sa tiyan ko sa kilig. Gusto ko din syang yakapin kaso nahihiya ako. Gusto ko din sabihin na mahal na mahal ko din sya. Gusto ko din iparamdam sa kanya mahal ko sya. Gusto ko din ipakita sa kanya na mahalaga sya saakin. Gusto ko din ipadama sa kanya kung gaano sya kaimportante sa akin. Kaso kontrata lang ang lahat ng ito. Ginagawa ko lang ito para sa pamilya ko. Napaka sama kong tao kung tutuusin. Dapat hindi ko na ito ginagawa dahil mahal naman namin ang isa't isa. Kaso mas mahal ko ang mga magulang ko at mga kapatid ko. Patawad, patawad Lance.
"Sus kaya pala kahapon pinanood mo lang akong nakikipag away don imbis na tulungan mo ko!" Pagpipiglas ko sa pagkaka yakap nya.
"E kasi natatawa ako e hahaha. Kahit na buntis ang misis ko ay ang lakas lakas pa din. Nagselos ka do---"
Pinutol ko na agad ang sasabihin nya at nagsalita na. "H-hindi ako nagseselos don!" Pag sisinungaling ko.
Oo na nagseselos na ako don! Sino ba kasing hindi magseselos diba? Nilalandi ba naman yung pinaka mamahal ko tapos ako tutunga lang? Tsk di pwede kaya inaway ko! Di sila uubra sakin.
"Asus tara na nga kumain na tayo" sabi nya at hinila ang kamay ko.
Uuwi na din kasi kami mamaya maya dahil 2 days lang kami dito.
"Oh hija nandyan na pala kayo. Nakahain na ang pagkain tara na" pagyaya ni tita saamin. Ang daming pagkain akala mo birthday ng pinaka mamahal nilang anak. May bisita ba? Bakit ang daming pagkain.
Nagbihis na ako at lumabas na ng kwarto. Pagka labas ko ang daming tao. Anong meron? Party? Bakit ang daming tao. Bigla naman akong hinila ni Lance at biglang ipinaharap ako sa babaeng parang may edad na.
"Mommy asawa ko po" sabi nya sabay akbay sa akin at ngiti.
0•0
Shit ang lakas talaga ng epekto nito sa akin. Nagwawala ang mga paru paro sa tiyan ko at naramdaman ko namang namula ang mga pisngi at dibdib at tainga ko. Bat ganto pag kinikilig ako ang daming namumula. Ewan ko ba bigla na lang ako kinilig sa sinabi ni Lance. Shet ang sarap sa ears.
"A-ah g-goodevening po" nauutal kong sabi.
"Hmm sya pala iyon? *sabay taas ng kilay at mula tingin ulo hanggang paa* Maganda naman pala. Tara na at kumain na tayo" sabi nya at fliny away ang buhok nya at tumalikod na. Mukhang mataray ang isang to jusko po.
"Tita tito, asawa ko po" sabi nya uli at ipinalapit ako sa kanyang tito at tita.
"Ang ganda naman ng asawa mo, goodevening hija" sabi nung tita nya.
"Goodevening din po" nahihiya kong sabi.
Papalapit kami sa mga bata. Siguro mga pamangkin nya ito. Ang cucute at ang tataba.
"Mga bata, tita nyo *sabay turo saakin* good evening tita" sabi nya sa mga bata at sinenyasan na bumati sa akin.
"Good evening tita" sabay sabay na sigaw ng mga bata at nginitian ko sila.
"Ohsya tara na at kumain na tayo" sabi nya at pumunta na sa lamesa.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...