Hello po!! Pasensya na po masyadong wala na akong na uupdate dito sa story ko :( sa mabilis pong vote at comment mapapadali ang aking pag update para malaman ko na naguhustuhan ninyo. Lovelots mwaa.
Hindi ako maka paniwala na ipinakilala ako ni Lance sa buong angkan nya. Ang sarap lang sa pakiramdam na ipinagmamalaki ka ng taong mahal mo sa mga kamag anak nya.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nakita kong natawag si Claire, ano nanaman kaya ang kailangan ng babaitang ito?
Sinenyasan ko naman si Lance at sila tita at ang mga kamag anak nya na saglit lang at may natawag.
"Hep hep wala ng madaming satsat sagutin mo na sya bukas na bukas din"
Bigla ko namang naalala ang deal namin ni Claire. Fuck nawala sa isip ko yung deal namin kaya hindi ko pa nagagawa.
"H-hello, Claire n-napatawag ka?" Nauutal kong sabi.
"Hi bessy! Kamusta na? 5 days mo ng sinagot si lance. Anong pakiramdam ng may new boyfriend---? oops husband pala hahaha" sabi nya at humagalpak ang kakatawa.
Shit sabi ko na nga ba ito ang bunga sa akin ng pag tawag nito e. Huhu anong sasabihin ko pakshet wrong timing ka Claire hindi pa ako handa sabihin sa kanya yung deal natin huhu.
"A-ah m-masaya n-naman" nauutal kong sabi at ngumingiti ng peke habang kausap sya sa cellphone.
"Ah sige, nangangamusta lang hehe ingat ka lagi bessy, imissyou" sabi nya at magsasalita pa sana ako ng patayin nya na ang tawag.
"Shit pano ba ito ano ng gagawin ko?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad at pabalik balik sa kinatatayuan ko kanina.
"May problema ba baby?" Sulpot ni Lance sa akin. Anak ng tokwa nagulat ako, mas lalo tuloy akong kinabahan shit huhu. Paano na ito? Hindi ko pa nagagawa yung deal namin ano ng gagawin ko huhu.
"A-ah w-wala. T-tara balik na tayo" sabi ko at hinila na ang kanyang kamay at umalis na.
Nakita naman namin na sumasayaw sila tita at tito at ang iba pang kamag anak ni Lance.
"Tara" sabi ni Lance at bigla akong hinila at pumunta sa gitna nila tita na nasayaw. Inilagay naman ni Lance ang dalawa kong kamag sa batok nya at hinawakan ako sa bewang.
Bigla akong napaisip at nanlaki ang mata. Kung kaya ngayon ko na sabihin sa kanya na kami na. Tama! Tamang tama ang timing ni Claire na tumawag kusang ngumiti ang mga labi ko. Sakto nasayaw pa kami ni Lance parang sa teleserye sa tv lang ampeg ang gagawin ko ah hahaha. Okay na yan keri na.
"Hmm okay ka lang baby?" Tanong ni Lance habang tinitignan ako ng mabuti.
"Uhh yeah" sabi ko. "Tayo na ba Lance?" Shit anak ng tokwa ka Sam ang bilis mo mag tanong wala man lang ibang tanong para hindi nabibigla si Lance. Shete talaga kahit kailan palpak!
"B-bat mo naman n-natanong?" Nauutal nyang sabi at umiwas ng tingin sa akin. Nahiya si mokong.
"Wala lang tinatanong ko lang" bored kong sabi para hindi nya mahalata na may sasabihin ako.
"Uhh okay" matipid nyang sabi. FUCK?! Ako na nga tong nagtatanong sya pa tong pakipot. Aba mahal ang lambing ko! Kaya balakajan.
Mga 5minutes na kaming walang imik ni Lance. Wala bang balak magsalita ang isang to? Ako nanaman ang magsasalita. Nahihiya na ko huhu.
"Ah Sam---"
"Lance ka---"
Shit Sam wrong timing ka nanaman. Sabay kaming nagsalita at bigla na lang akong tumigil at yumuko.
"Ah sig---"
"Sige ik---"
Naknang tokwa naman oh sabay nanaman kami. Tumawa naman kami at tinuro ko sya at sinabing...
"Ika---" ika anim na utos ganern. Naknang tokwa ang bilis talaga magsalita nito ni Lance. Ang bilis, kaya nga hindi nya na ako napakawalan pa kasi mabilis nya akong tinago para hindi na muling makita pa ni Mark. De charot corny hahaha nababaliw nako.
"Sige ikaw na mauna" bigla nyang sabi. Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil naunahan nya na ako.
"A-ahm g-gusto ko lang sabihin na... T-tayo na" shit nakakahiya huhu sana hindi sya tumawa at sumigaw na nakakatawa ako.
"Really?" Sabi nya at nanlaki ang mata at tumalon talon at sumigaw na "YES! YES KAMI NA NI SAMANTHA GEORGINA ALCANTARA! WHOO KAMI NA!" sigaw nya at nagsisitalon.
Hindi ko in-expect na sisigaw sya ng ganyan at sasabihing kami na sa harap ng mga magulang nya. Akala ko tatawanan nya lang ako at sasabihin nyang matagal ng tayo ganyan ganto. Pero... Hindi pala. Hinihintay nya pa din pala yung sagot ko sa panliligaw nya.
"Iloveyou Lance" tanginang ayan lang ang lumabas sa bibig ko.
"Mahal din kita baby, mahal na mahal" sabi nya at hinalikan ako sa noo.
Tinignan ko ang relo ko. Saktong 9:00 pm na, naaalala ko yung sinabi sakin ni mommy na tuwing saktong 9:00 pm daw laging mag wiwish ng isang beses at magbibilang ng 9 stars at 9 na gabi.
Sandali akong pumikit at nag wish. Winish ko na sana ang saya na nararanasan namin ni Lance ay hindi na muling mawala pa. Dumilat ako at nakita kong nakatitig pa din sa akin si Lance at naka ngiti.
"Huwag kang mag alala pang habang buhay na ang saya natin" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Wtf? Bakit nya nalaman ang iniisip ko? May tainga ba to si Lance sa utak ko?
"H-ha? P-paano mo nalaman ang iniisip ko?" Nauutal kong sabi.
"Alam ko na kasi yan. Noon pa man ay ginagawa mo na yan. Naririnig pa ng kitang mag wish at ayan lagi ang winiwish mo" sabi nya habang abot tainga ang ngiti. Wtf? Useless lang pala yung wish ko sa mokong na to e alam nya naman pala. Takte na yan badtrip oh!
"A-ah okay" matipid kong sabi.
Agad akong kumalas sa pagkaka hawak sa batok nya at pumuntang cr ng maramdaman kong sinundan nya ako. Isasarado ko na sana ang pintuan ng cr ng biglang sumulpot si Lance at biglang dumampi ang labi ko sa labi nya at isinarado ang pintuan. Punong puno na ng mura ang nasa isip ko. Fuck.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...