"Baby kailangan mo ng gumising aalis tayo" pangungulit ni Lance habang ipinahaharap ako sa kanya.
"Hmmm mamaya na inaantok pa ako"
"Baby anong oras na si manong naghihintay sa labas"
"Mamaya na inaantok pa ak--- ahhh! Oo na eto na tatayo na!" Sigaw ko dahil kinikiliti nya yung kili kili ko. "San ba kasi pupunta?" Sigaw ko.
"Secret basta mag bihis kana" sagot nya habang natawa.
Tinarayan ko lang sya pero tumawa lang sya pag ka irap ko.
Padabog kong kinuha ang tuwalya ko at padabog din akong bumaba ngunit ng makita ko si tita Kaye at tito Wendell at cholo na nakain. Shit nakakahiya ang gulo ng buhok ko at ang ingay ko pa bumaba. Shit Sam ano bang ginagawa mo nakakahiya ka!
"Goodmorning hija tara sumabay kana samin kumain"
"G-goodmorning din po. A-ah s-sige ho m-mamaya na lang ho ako salamat po" sabi ko at nginitian lang nila ako.
Dali dali akong tumakbo patungo sa cr. Shit Sam nakakahiya ka huhu.
"Ahhh!" Sigaw ko dahil nadulas ako sa cr pagka pasok ko at bumagsak ang pwetan ko. "Pagka malas malas nga naman oh kahit kailan talaga!" Dagdag ko.
"Sam anong nangyayari" sigaw ni tita Kaye na narinig ko.
"A-ah w-wala h-ho tita Kaye"
"BABY ANONG NANGYAYARI SA--- AHHH!! MOMMY! MOMMY SI SAM! AHHH!!" Sigaw ni Lance.
"Anak anong nangyaya--- Sam anong ginagawa mo bat naka upo ka dyan?"
"A-ah nadulas ho ako"
"Jusko Lance akala ko naman kung ano maka sigaw ka"
"Mommy tara na dalhin na natin si Sam sa hospital!!" Sigaw ni Lance habang binubuhat ako mula sa pagkaka bagsak ko.
"Dalhin mo sya sa kwarto papahilot muna natin si Sam"
"Hindi nga mommy manganganak na sya dalhin na natin sya sa hospi---"
"Lawrence hindi pa pwede dalhin si Samantha sa hospital dahil nadulas lang sya" pagputol ni tito Wendell.
Napatigil si Lance saglit at biglang nanlaki ang mata nya ng makita nyang may dugo sa legs ko. Miski ako nagulat din dahil wala naman akong napansin kanina na may dugo.
"M-ma p-pa m-may d-dugo. D-dugo, d-dugo!!" Sigaw ni lance.
Nang ako na mismo ang maka kita ay nanlaki din ang mata ko.
"Ahhhhh!" Sigaw ko ng makita ko ang dugo at tuluyan na akong walang nakita.
LAWRENCE POV
"Ma tara na dalian na natin manganganak na si Sam!!" Sigaw ko.
"Anak huminahon ka malapit na tayo"
Tumingin ako muli kay Sam. Naiiyak na lang ako habang tinititigan sya. Napaka ganda nya. Kaya kahit tulog sya kinakausap ko sya na ako lang ang nagsasalita.
"Sam, kumapit ka lang ah? Kayanin mo para sa baby natin. Mahal na mahal kita at ang anak natin. Kahit na ayaw mo sakin at lagi mo akong pinagtatabuyan. Mahal na mahal pa din kita" tuluyan ng bumagsak ang luha ko.
"Doc manganganak na yung asawa ko paki asikaso naman ho" sabi ko pagka pasok na pagka pasok namin sa hospital.
"Ah sige ho paki lagay na lang ho dyan si misis"
Halos mag kakalahating oras na kaming naghihintay. Hindi pa din nila kami inaasikaso. Miski yung katabi namin dito halos parang mamamatay na naghihingalo na hindi nila pinapansin at dinadaanan lang nila.
"Doc paki asikaso na---"
"Wait lang ho sir may inaasikaso pa ho kasi kami"
May konting pasensya pa naman ako kaya hina hayaan ko sila kaso yung katabi ko dito hindi ko kayang makita na naghihingalo at umiiyak na ang mga kasama nya.
Mahigit mag iisang oras na kaming naghihintay. Tinignan ko uli yung katabi namin na naghihingalo. Namumutla na at parang dugo na ang lalabas sa luha ng mga kasama nya. Hanggang sa napuno nako at tuluyan na akong nawalan ng pasensya sa kanila.
"Nurse paki asikaso naman ho itong pasyente"
"mamaya na ho sir may inaasikaso pa ho kasi si---"
"TANGINA KANINA PA KAMI NANGHIHINTAY DITO HALOS MAG IISANG ORAS AT KALAHATING ORAS NA KAMI NAG HIHINTAY!! KUNG KELAN MALAPIT NG MAMATAY YUNG PASYENTE DUN NYO LANG AASIKASUHIN! MGA WALA KAYONG KWENTA!!" sigaw ko at halos napunta samin lahat ng atensyon ng tao.
Pagka tapos ko silang sigawan ay agad nilang inasikaso si Sam at yung katabi namin. Ayokong mambastos kaso kanina pa ako naghahanap ng magaasikaso sa mga pasyente kaso wala silang paki. Puro sila wait, sandali, may inaasikaso pa sila ganyan ganto. Paano kung mamamatay na yung pasyente wait pa din?
Halos magkakalahating oras na din kami ni mommy at daddy naghihintay dito kung anong resulta sa baby namin at kay Sam.
Lumabas na si doc at dali dali ko syang nilapitan at tinanong kaagad.
"Doc kamusta ho ang lagay ng misis at baby namin?"
"Wag ho kayong magalala sir. Ayos naman ho ang lagay nila at hindi pa ho manganganak si misis dahil maselan ang pagbubuntis ng iyong asawa kaya dinugo sya kanina"
Hay salamat sa diyos. Agad akong naiyak sa magandang balita ni doc. Akala ko kung ano ng nangyari sa asawa ko. Akala ko malalaglag ang bata akala ko mamamatay si Sa---. Hindi! Hindi mangyayari yon! Mabubuhay kami ng masaya at maganda ang takbo ng buhay. Hindi sila nawawala.
"Sam" Sigaw ko pagka pasok na pagka pasok ko. "Sam okay ka lang ba? Anong masakit sayo? Gusto mo bang kumain? Nagugutom ka ba bibil---"
"Okay lang ako Lance wag kang magalala. Magpa hinga kana alam kong pagod ka" putol nya.
Sandali akong napatigil dahil isang sabi nya lang ng mga katagang iyon ay nawala na lahat ng pagaalala at pagod ko. Ewan ko ba pero nawala ang inis ko kanina nasilayan ko lang ang kayang mukha.
"Hindi ako pagod. Bat mapapagod ako e ikaw yung lakas ko" sagot ko sabay kindat sa kanya.
"Sus nambola pa. Kumain kana ba?"
Shit ramdam kong namumula ang mukha ko dahil kinikilig ako. Tumalikod ako para hindi nya mapansing namumula ako.
"Kinikilig ka no---?"
"H-ha h-hindi ah!" Pagtatanggi ko.
"Sus halika na nga dito kumain na tayo" sabi nya sabay hila sa kamay ko.
Hindi ko na kaya shit kinikilig na talaga ako. Ewan ko ba pero first time ko ata to.
"H-ha s-sige u-una ka na" nauutal kong sagot.
"Asus halika na nga dito" sabi nya at hinila pa ako lalo at bigla nyang hinila ang baba ko para magka halikan kami.
:<
*shook*
Pagkahalik nya sakin ay nanlaki ang mga mata ko. Nabigla ako sa ginawa nya dahil first time nya atang gawin yon.
YOU ARE READING
Unexpected
RomanceAko si Samantha Georgina Alcantara, pero madalas akong tawaging Sam. Panganay ako sa lahat naming magkakapatid at ako lang ang inaasahan ng lahat dahil minamadali na nila ang aking pagaaral upang ako ay makapag trabaho na at patapusin ang pagaaral n...