27th chapter

13 2 0
                                    

Pa punta na ako kala mama. Nag paalam muna ako kay Lance na pupunta ako ng bahay para kamustahin sila mama kahit kasama ko naman sila kahapon. Kahit ang totoo naman ay iaabot ko ang pera na binigay sakin ni tita Kaye.

*tok* *tok* *tok*

"Ma" sigaw ko.

"Wait lang ate" sigaw ni Diane.

"Nasan si mama?" Tanong ko.

"Nasa loob po ate. Bat hindi ka po natulog dito? Tsaka bakit wala na po yung mga gamit mo sa kwarto? Aalis kana ba dito?" Sunod sunod na tanong ni Diane habang malungkot ang mukha.

"A-ah ano k-kasi---" Hindi ko ma ituloy ang sasabihin ko at dahan dahan ko syang iniupo sa sofa. "Manganganak na kasi si ate at mag tatrabaho na muna ako para sa inyo para maipadala at para may pang gastos kayo dito sa bahay"

"E diba po bawal gumalaw galaw ang buntis? Bakit ka po mag tatrabaho?"

"Pag ka panganak ko Diane, mag tatrabaho na agad ako para sa inyo" sabi ko at natigilan si Diane sa sinabi ko at parang nalungkot siya.

"A-ah ano nasan na si mama?"

"Anak kanina ka pa ba dyan" sulpot na sabi ni mama.

"Ngayon ngayon lang naman po"

"May kukunin ka pa ba dito sa bahay? Napa daan ka ata"

"A-ah ma w-wala na ho. May iaabot lang ho sana ako." Sabi ko at iniabot ang papel na may lamang pera.

"Para saan ito anak?" Tanong ni mama at binuksan nya. "A-anak napaka laki naman nito. Tsaka saan galing ito?" Pagtataka ni mama.

"Basta ho ma. Gastusin nyo na yan sa pang araw araw at mga kailangan dito sa bahay. Ipa ayos nyo na ang bahay ma sira na yung mga tiles natin. Tsaka mag grocery kana ma tignan mo wala ng laman yung ref natin. Tsaka tig---"

Napatigil ako dahil nakita kong unti unti ng bumabagsak ang luha ni mama.

"Ma, bat naiyak ho kayo?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga luha nya.

"Hindi mo naman kailangang bigyan kami ng gantong kalaking pera anak" sabi ni mama.

"Magpapadala ho uli ako ma wag kayong magalala. Mahal na mahal ko kayo" sabi ko at tuluyan na ngang bumagsak din ang luha ko.

Grabe. Ganito pala ang yakap ng isang ina na kahit napaka laki na ng nagawa mo ay nakukuha pa ding yakapin ka sa kabila ng lahat. Ang pagkaka alam ko kasi ay sa oras na malaman nila na buntis ako. Itatakwil nila ako, Hindi na nila ako ituturing na anak, papalayasin nila ako. Yun pala hindi. Isang malaking pagkakamali ang naisip ko. Tanggap pa din nila ako kahit na sumuway ako sa utos nila.

"Ah ma, uwi na ho ako ang paalam ko ho kasi sandali lang ako. Wag na ho kayong umiyak. Tatawagan ko ho kayo araw araw. Magiingat kayo ah? Tawagan nyo lang ako kapag may kailangan o problema kayo. Mahal na mahal ko kayo ma"

"Ingat ka anak. Mahal na mahal ka din namin"

Paalis na ako ng bahay. Teka, dadaanan ko muna pala si Claire. Alam kong nagtatampo na sakin yon dahil hindi ko na sya nakaka musta.

*tok* *tok* *tok*

"Claire" tawag ko.

"Sandali lang eto na pababa n--- ahhh! Bessy imissyousomuch huhu" bunga sakin ni Claire at niyakap ako kaagad.

"Kamusta na Claire?" Nahihiya kong tanong.

"Okay lang naman bessy. Ikaw, kayo ni lance kamusta na?"

"A-ah o-okay lang din naman" nauutal kong sabi.

"Oy bessy nagtatampo ako sayo!" Sabi nya habang yung mukha nya ay inagawan ng lollipop hahaha.

"B-baket b-bessy?"

"E kasi naman e ang tagal tagal nyo ikasal ni Lance! Tapos ang tagal tagal ng binyag ni baby ninang ako ah! Hihi"

Jusko akala ko naman kung ano ang kinatatampuhan nito. Mas excited pa ata to maging nanay sa akin e. Palit na lang kaya kami? Hindi pa nga napapanganak binyag agad? Aish baliw talaga tong bessy ko.

"Hindi pa nga napapanganak Claire wag ka ngang ano dyan! Mas excited kapa sakin"

"To naman nagbibiro lang e! Pero seryoso talaga huhu mag pakasal na kayo pleaseee naka handa na yung susuotin ko sa kasal at binyag oh"

"Jusmio marimar ako nga wala pa tas ikaw meron na? Ikaw ata ang ikakasal bessy"

"Nga pala, Napa dalaw ka ata"

"A-ah ano gusto ko sanang mag chill naman tayo"

"Yun lang naman pala e. Gora!" Sabi nya at parehas kaming ngumiti.

Best partner talaga tong si Claire kahit kailan kaya mahal na mahal ko to e. Hinahanda nya na yung psp at sya na din ang nag ayos. Habang hina handa nya yung gagamitin namin ay tinanong ko sya.

"Nasan sila Tito at tita Claire?"

"Ah ano si daddy pumasok sa trabaho may meeting daw sila kaya ako lang mag isa dito" sabi ko.
"Duhh Sam baka nakakalimutan mo si mommy nasa states? Ayan ah lagot ka kay mommy sumbong kita hindi mo na sya naaalala" pangangasar ni Claire at tumawa kaming pareho.

"Oo nga pala" bulong ko sa sarili ko.

"Teka Sam" sabi nya at ngumiti ng parang nakaka loko sa akin.

"Bakit?" Sagot ko.

"Kayo na ba ni Lance? Yieee sagot!"

"H-ha? T-tara na nga mag laro na tayo!"

"Sagutin mo muna yung tanong ko!

"Bahala ka nga dy--- ahhh! Claire ano ba ahhh!"

"Ano hindi ka sasagot?"

"H-hindi pa ahhh! bitiwan mo na ako!" Sigaw ko dahil kinikiliti nya ako.

"Buti naman hindi pa! Hahaha. Okay sige ganto kapag nanalo ako sasagutin mo si Lawrence okay? Deal?"

"Teka. Bat ang hirap naman ayaw k---"

"Wag kanang kumontra basta ayon yung utos ko" pag putol nya sa akin habang tinatakpan ang bunganga ko.

"Pano kapag natalo ka?" Sandali kaming napatigil dahil nag isip pa ako ng iuutos ko din sa mokong na to. "Kapag nanalo ako babalikan mo si Angelo deal?"

"Bat an---"

"Wag kana ding kumontra para patas!" Pag putol ko dahil magsasalita pa sana sya.

"Uy hala barilin mo yon Claire aish wala na patay na tuloy ako!" Sigaw ko at hinampas ang sahig at kumuha ng popcorn.

"Ay sorry aish hindi pa rin ako malakas hahaha" sabi nya. "Uy dito Sam wag ka dyan baka mabaril ka!" Sigaw nya.

*boom*

"Aray" matipid kong sabi dahil nabaril ako.

"Wahhhhh talo ka nanaman sakin pano ba yan sasagutin mo na si Lawrence hahaha"

"Claire wala namang ganyanan bat ka---"

"Hep hep wala ng madaming satsat sagutin mo na sya bukas na bukas din"

"BUKAS?!" Sigaw ko. Shit nagulat ako. Bakit bukas? Parang andali naman non. Bat bukas huhu no!

"Yap bukas na bukas sasagutin mo na sya" sabi nya. "Kapag ayan hindi mo ginawa f.o malala tayo tamo!" Dagdag nya.

Aish bat kasi bukas? Grabe naman huhu. Pagka tingin ko sa bintana ay gabi na pala. Ang bilis naman ng oras.

"Ah Claire uwi na ako okay lang ba?" Nahihiya kong sabi.

"Oo naman osya magiingat ka ah? Ako na magaayos nito wag kang magalala. Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako ah? Mahal na mahal kita bessy mwa thankyou sa araw na to"

"Ingat ka din Claire. Maraming salamat din paki kamusta na lang ako kila tito at tita"

"Babye" sigaw ni Claire habang nakaway sa pintuan.


UnexpectedWhere stories live. Discover now