Shar's POV
Tok tok tok.
Mahinang pagkatok ko sa pinto nya.
Ayaw nya kasi sa lahat ay malakas yung pagkatok.
Napabuntong hininga ako nang hindi sumagot si Donny..
Kumatok ulit ako.
"Donny. Oras na para uminom ka ng gamot." Mahina na sabi ko.
Hindi pa rin sya nagsalita.
Kakatok na sana ulit ako nang makarinig ako ng bumagsak na baso sa kwarto nya.
"Donny?! Donny buksan mo tong pinto!" Sigaw ko sabay nang malakas na pagkatok sa pinto.
Sobrang kinakabahan na ako lalo nang marinig pa ako ng bagsakan ng mga gamit sa kwarto nya.
"Donny! Ano bang nangyayari sayo? Buksan mo naman tong pinto!" Sigaw ko na halos maluha na.
"Heeelp!" Narinig kong mahinang sigaw ni Donny.
Wala sa sarili na sinipa ko na ang pinto at bahala na kung masira ko yun.
Nabuksan ko naman ang pinto at nakita ko si Donny na nakahiga sa sahig habang hawak ang dibdib. Parang nahihirapan syang huminga.
Agad akong tumakbo palapit sa kanya.
"Donny! Ano bang nangyari?! Kailangan na kitang madala sa ospital!" Natataranta na sabi ko.
"No." Sagot nya sakin.
Naluha na ako nang makita kung pano sya mahirapan na huminga.
"Shar. Sorry...sorry sa...lahat." sabi nya habang nakahawak pa rin sa dibdib.
"Ano ka ba! Umayos ka nga. Tumawag na ako ng doktor. Umayos ka nga!" Sabi ko.
"Im sorry kung lagi kitang iniinis. Sorry kung makulit ako." Sabi ni Donny na putol- putol pa rin dahil nga hirap syang huminga.
Napaluha na ako nang mawalan sya ng malay.
"Doooonny!!" Sigaw ko at napaiyak na.
Walang sabi- sabing binuhat ko na sya at palabas na sana nang pinto ng kwarto nya nang dumilat sya.
"Shaaar." Mahinang sabi nya.
"Ano yun? Ano?" Naiiyak pa rin na tanong ko.
Nagulat ako nang bigla syang bumaba sa pagkakabuhat ko at tumayo.
Pero akala ko ba inaatake sya... akala ko....
"April fools!! Hahahaha binibiro lang kita! HAHAHAHA you should have seen your face! Hahahaha" natatawang sabi nya.
Joke?! Joke lang yun?!
"Pero i got to give it to you! Nasira mo ang pinto ko at nabuhat mo pa ako. Hahaha but now, ayusin mo na yang mga kalat ko! Hahahaha" Sabi nya at lumabas na ng kwarto nya.
Joke lang talaga yun sa kanya? Nag- alala ako! Akala ko kung ano na ang nangyari.
"DONNNNNNNNY!" Nanggigigil na sigaw ko nang makalabas na sya.
Pasaway talaga!
~~~~~
Hi everyone! Hope you'll like my SharDon story! Thanks! 😊
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?