Chapter 19. Bait.

385 25 0
                                    

Shar's POV

"Beshiiiie!!!"

Nagulat ako nang marinig ko ang sigaw na yun pagkalabas ko ng airport. At nakita ko ang masayang- masaya na si Miles na natakbo palapit sakin.

"Beshie!!!" sigaw ko at sinalubong sya tsaka niyakap.

"Na- miss na kita beshie! Ang tagal nating hindi nagkita!" sabi nya with matching fake tears.

"Ano ka ba beshie! Na-miss din kita no! So, kamusta na? Anong balita sayo?" tanong ko.

"Okay naman dito no! Pero hindi yun ang pag- uusapan natin! Kamusta kana ba? Tsaka bakit ka ba biglang napauwi?" balik nyang tanong sakin.

Napangiti ako. Hindi na ako makapaghintay na ikwento sa kanya si Donny.

Si Donny!! Nalungkot ako nang maalala ko sya. Iniwan ko sya ng hindi man lang ako nakapagpaalam. Nagising na kaya sya? Sana okay lang sya.

"Aah. Sa bahay na tayo magkwentuhan beshi. Pero napauwi ako dahil nabalitaan ko ang nangyari kay papa." sabi ko.

"Ha? Anong nangyari?" tanong nya.

Hindi nya alam? Pano naman mangyayari yun?

Sasagot na sana ako nang may magsalita sa tabi ni Miles.

"Sharlene! Anak!"

Napatingin ako at nakita ko si mama at palapit sakin. Niyakap ako ni mama.

"Hindi mo alam kung gano ako nag- alala sayo anak." sabi ni mama.

"Sorry ma." sabi ko.

Miss na miss ko na din sya. Hindi ko naman ginusto na pati si mama at masaktan sa pag- alis ko pero wala akong magagawa.

"Kamusta na si papa?" tanong ko.

Ayun lang naman ang dahilan kaya ako umuwi. Dahil may sakit sya.

"Umuwi na tayo at sa bahay na mag- usap." sabi ni mama at naglakad na kami papunta sa sasakyan.

Napagitnaan ako nina mama at Miles pero walang nagsasalita samin. Mamaya na ako magkukwento kapag kaming dalawa na lang ang magkasama.

Pagdating sa bahay ay sinalubong ako ng masayang pagbati ng mga nagtatrabaho para samin.

Pagpasok sa bahay ay nakita ko ang kapatid kong si Clark.

"Ateee!" sigaw nya at niyakap ako.

"Clarky! Ang laki na ng tinangkad mo! Miss na miss na kita." sabi ko.

Sya ang pinaka namiss ko dito sa bahay.

"May balak ka pa palang umuwi Sharlene?"

Kinabahan ako nang marinig ko ang boses na yun.

"Papa!"

Nakita kong pababa sya ng hagdan.

Akala ko ba mag sakit sya?

"Kung hindi pa sasabihin sayo na meron akong sakit, wala ka pang balak na bumalik dito?" tanong ni papa.

Kung ganun, hindi totoo? Niloko lang nila ako?!

Napakunot ang noo ko.

"Anak, sorry kung nagsinungaling ako. I really wanted to see you." sabi ni mama.

Nakaramdam ako ng galit.

Iniwan ko si Donny na hanggang ngayon ay walang malay pero hindi naman totoo na may sakit si papa?!

"Kung ano mang kalokohan ang ginagawa nyo, ayaw ko na. Aalis na ako." sabi ko at kukuhanin na sana ang bag ko nang pigilan ako ni papa.

"You think we will let you leave again?! Pumunta kana sa kwarto mo! Hinding- hindi ka pwedeng makalabas ng bahay." sabi ni papa na halata ding galit na.

Finding My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon