Donny's POV
"So gano na katagal nagtatrabaho dito si Shar?"
Napalingon ako nang magtanong ni Turs. Napakunot ang noo ko.
"Almost 2 months na din." sagot ko.
"Oooh. And what about her family? Nag- aaral pa ba sya?" tanong ni Turs.
Hmmm. Napaisip ako. Never ko pang natanong kay Shar ang mga bagay na yun.
"Wait. Why are you interested on her?" tanong ko.
Medyo natawa si Turs.
"I don't know, maybe because I like her?" sabi nya.
"Whaaat?!" sabi ko na napatuwid sa pagkakaupo.
"Easy bro. I just said that I like her." pag- uulit ni Turs.
Lalong napakunot ang noo ko.
Pano naman nangyari yun? Kakakita nya lang kay Shar kahapon. Ni hindi nya pa nga alam ang last name ni Shar.
"Kaya nga gusto na kitang tanungin ngayon, do you like her?" tanong nya.
"Bakit?" sabi ko dahil lalo akong nabigla sa tanong nya.
"Because, if you like her, hindi na ako papasok sa kwento. Pero if not, then I will try. Malay mo, may pag- asa ako." sabi naman ni Turs.
Pano nya nagagawa yan? Ang confident nyang masabi ang ganyang bagay.
Pero teka, pano ko naman sasagutin ang tanong nya? Ni hindi ko nga alam sa sarili ko kung gusto ko nga si Shar.
Hindi pa ako nagkakagusto sa kahit kanino kaya wala akong idea kung pano ko malalaman.
"I don't know." sagot ko na lang.
"What do you mean?" tanong ni Turs.
"You know bro, I haven't liked anyone. The only thing Im sure of right now is that, Shar is very important to me. Ayaw ko syang makikitang malungkot, ayaw ko syang masaktan." sabi ko.
Nagulat ako nang bigla na lang tumawa si Turs. Nagtataka ko syang tiningnan.
"Perfect. I can help you with that." sabi ni Turs.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Basta. You'll know soon. For now, hanggang hindi ka pa sure sa nararamdaman mo. Ako na muna ang bahala." sabi lang ni Turs at lumabas na.
Hindi ko talaga sya maintindihan minsan. Kahit magkaibigan kami, ilang taon kaming hindi nagkita at malaki na talaga ang pinagbago nya.
Nang hindi bumalik si Turs ay nagpasya ako na bumaba na. Ano kaya ang ginagawa nya.
Hindi ko sya nakita sa sala at kusina kaya nagpasya akong magpunta sa garden at nagulat ako sa nakita ko.
Nandun si Turs at Shar.
Nakaupo si Turs sa upuan habang gamit ang isang towel, pinapatuyo ni Shar ang buhok ni Turs.
Ni minsan, hindi pa nagawa ni Shar yan para sakin.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ano ba tong kakaibgang nararamdaman ko. Parang kumikirot ang puso ko.
Nakatayo lang ako dun habang tinitignan sila.
Nang matapos na ang ginagawa ni Shar sa buhok ni Turs ay tumayo na sya.
"Pretty." tawag ni Turs at huminto si Shar.
Nilapitan ni Turs si Shar at ginulo ang buhok.
Mas lalo akong nasasaktan at hindi ako makagalaw sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?