Donny's POV
Nagising ako nang mas maaga kaysa usual kong gising dahil nakakaramdam ako ng excitement.
Aaminin ko na excited akong makita si Shar ngayon.
Nang oras na para uminom nang gamot ay inabangan ko nang bumukas ang pinto ko.
Ang laking disappointment ko nang makita ko kung sino ang pumasok.
"Mom?" tanong ko.
Bakit sya? Nasan si Shar?
"Hi Son. I will be the one to assist you today." sabi ni mama at inabot na sakin ang gamot.
"Where's Shar?" tanong ko.
"Pinagpahinga ko muna sya. She will be on day off today. Umalis na sya." sabi naman ni mama.
Ha? Kung ganun, wala si Shar ngayon? At hindi man lang sya nagsabi sakin na mawawala sya?
Nalungkot ako. Akala ko ba magkaibigan na kami, bakit naman hindi nya sinabi sakin na wala pala sya ngayon.
Pagkainom ko ng gamot at nahiga na lang ako. Ang usual kong ginagawa bago dumating si Shar.
Sinubukan kong maglaro ng video game para hindi na malungkot pero naalala ko pa rin sya.
Hays. Gusto kong malaman kung nasan sya, anong ginagawa nya?
Hmmm. Kung nandito si Shar, ano kaya ang ginagawa namin?
Paikot- ikot ako sa kwarto para maghanap ng pagkaka abalahan para mawala sya sa isip ko.
Nagpunta ako sa balcony at pinagmasdan ang pool. Namimiss ko na talaga na lumangoy.
Pero ano nga ba ang pumipigil sakin? Tama!
Pumunta na ako sa banyo para magpalit ng trunks ko at nagpunta na sa garden.
Nang nilublob ko na ang mga paa ko sa pool ay nakaramdam ako ng excitement.
Oo, nakapag swimming ako nung sinagip ko si Shar pero iba kasi yun. Wala ako sa focus nung mga panahon na yun.
Nang tuluyan na akong makalublob sa tubig ay kakaibang saya ang naramdaman ko.
Hindi ko alam na ganito ko na ka-miss gawin to.
Hindi ko na alam kung gano katagal na akong nalangoy pero nawala na ang oras sa isip ko. Masaya sa pakiramdam na nagagawa ko na ito ulit.
Napahinto lang ako nang makita ko si mama na nakatayo sa may gilid ng pool.
Parang naluluha sya.
Alam kong masaya sya dahil lumabas na ako, dahil nagswimming na ulit ako.
Si mama ang isa sa pinaka apektado sa nangyari sakin. Dahil natuklasan ko na malapit nang matapos ang buhay ko, nawalan na ako ng gana mabuhay at alam kong nalungkot si mama dahil dun.
Madami na akong sakit na nadulot kay mama.
Nilapitan ko sya.
"Son, I know how much you miss this pero 3 hours ka nang nakababad. That's not good for you. Please, bukas naman." sabi ni mama.
Sumunod na lang ako at umahon na.
Naligo na ako at nagbihis. Tapos ay nagpahinga na ako sa kwarto.
Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at nagising lang nang tumunog ang cellphone ko.
Tiningnan ko yun habang nagkukusot ng mata at nakita kong may unregistered number na tumatawag.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?