Shar's POV
Pagpasok ko sa kwarto ni Donny ay nakita kong mahimbing pa syang natutulog.
Lumapit ako sa kama nya at nilapag muna ang gamot.
Para talaga syang anghel. Sobrang gwapo. Ano kaya ang ugali nya bago sya maging ganito? Panigurado, ang daming babaeng may gusto sa kanya.
Tiningnan ko ang mga pictures ni Donny na nasa may night stand.
Ang ganda ng ngiti nya sa mga pictures na to, parang ang saya- saya.
Gusto kong maibalik sa mukha nya ang mga ganitong ngiti.
Natauhan ako nang tumunog na naman ang relo ko, indication na kailangan nang uminom ni Donny ng gamot.
"Good morning Donny!"
Dahan- dahan nyang idinilat ang mga mata nya at nakita kong napakunot ang noo nya nang makita ako.
Bumangon na sya habang nagkukusot ng mata.
Nilapitan sya para ibigay ang gamot.
"Kamusta tulog Donny? Ito na po ang gamot mo oh." sabi ko.
Nakatingin pa rin sya sakin na parang nagtataka.
"Donny?? What happened to 'sir'"? tanong nya.
Nginitian ko lang sya.
"Kailangan pa ba? E diba magkaibigan na tayo? Pwede mo na din akong tawaging Shar kung gusto mo." sabi ko.
Tiningnan nya lang ako at nginitian ko lang sya.
"Inumin mo na yan." sabi ko at napailing na lang sya na binalingan ang gamot.
Habang nainom sya ng gamot ay napatingin ako sa malaking flat screen TV sa kwarto nya.
"Nagagamit mo ba yang TV mo? Ang ganda aah." sabi ko.
"No. Wala naman akong gustong panoorin." sabi nya lang.
"Oooh. Kung ako may ganyang TV sa kwarto lagi akong magmomovie marathon." nakangiti kong sabi sa kanya.
Pinakita nya sakin na nainom nya na ang gamot.
Gusto ko pang magkaroon ng reason para mag stay dito sa kwarto nya para makapag usap kami.
That way, i'll know kung anong magpapasaya sa kanya.
"Alam ko na! Mag movie marathon na lang tayo tutal wala akong magawa." sabi ko sa kanya.
Alam kong FC pero ito lang ang naisip ko para mapasaya si Donny. Hindi ko yun magagawa kung lagi nya akong siusungitan at lagi syang mag- isa sa kwarto nya.
Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya gagawin ko to, bahala na kung ano pa ang isipin nya.
Hindi ko na hinintay na makasagot pa sya at nag browse na ako ng movie.
"Ano bang gusto mong panoorin? Horror? Comedy? Action?" tanong ko.
"Kahit ano. Ikaw naman ang may gustong manood." cold na sabi nya habang naka focus sa cellphone.
Oh, kung ganun okay lang sa kanya na manood nga kami dito! Yes! Gumana ang plano ko.
"Palagay ko kailangan kong ipanood sayo ang mga favorite kong movies!" sabi ko at hinanap na ang una kong favorite.
Get Smart!
Natatandaan ko pa kung gano kalakas ang tawa ko nung una ko tong napanood. Haha
Pinlay ko na ang movie at naupo na sa upuan.
Si Donny naman ay nasa kama nya pa rin at busy sa paggamit ng cellphone nya.
"Donny! Nagi - start na o!" sabi ko pero hindi nya naman ako pinansin.
Nang magsimula na ang movie ay nakalimutan ko na si Donny dahil sobrang nag- enjoy ako. Tawa ako ng tawa ng malakas sa madaming part.
Natigilan lang ako sa pagtawa nang makita kong nakatayo na si Donny sa tabi ng upuan.
"Ang lakas mong tumawa, hindi naman nakakatawa e." sabi nya na naka poker face lang.
"Nakakatawa kaya! Hahaahah. Upo ka na kasi dito o, panoorin mo." sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa palabas.
Nag- eenjoy lang ako sa panonood nang marinig ko ang isang kakaibang sound na ginawa ni Donny.
Tsaka ko lang din napansin na umupo na pala sa sya sa sofa.
Nang lingunin ko sya ay nakita kong nagpipigil sya nga tawa. Nang mapadako ang tingin nya sakin ay sumeryoso na naman sya.
Madaming beses pa nangyari yun habang nanonood kami.
"Nako Donny, wag mo nang pigilan ang tawa mo. Baka sa iba lumabas yan." sabi ko at natawa.
Alam kong naintindihan nya ang sinabi ko at napakunot ang noo nya.
"Gross." sabi nya lang at nanood na.
Nasa kalagitnaan na ng movie nang may maalala ako."Ay! Mas masaya ang manood kapag may popcorn. Kuha lang ako aah." sabi ko at agad na lumabas.
Natutuwa ako na hindi nagsungit si Donny sakin ngayon. Weird man pero masaya na ako.
Pag- akyat ko ay napahinto ako nang makita ko si Mam Maricel sa may pinto ng kwarto ni Donny.
Napalingon sya sakin at nakita kong may luha sya.
Magsasalita sana ako nang sumenyas nya na wag akong magsalita. Nagulat ako nang marinig ko ang tawa ni Donny sa kwarto. Mukhang hindi nya pinause ang movie!
"Thank you Sharlene. I haven't heard him laugh for a long time." sabi ni Mam at hinawakan ang kamay ko.
"Wala po yun. Masaya po ako na ..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita si Donny.
"Hey! Where's the popcorn?" tanong ni Donny.
"Wait lang po." sabi ko ay bumaling kay Mam, "pasok na po ako mam."
Tumango lang sya.
Pagpasok ko ay nakakunot na naman ang noo ni Donny.
"Ang tagal mo. Nabobore na ako dito." sabi nya.
Sus! E ang lakas nga ng tawa mo nung nasa labas ako.
Nilagay ko ang pop corn sa gitna namin at pinagpatuloy ang panonood.
Hindi ko na lang nililingon si Donny para hindi na sya mahiya na tumawa.
Nakatutok lang ang mga mata ko sa palabas at kukuha sana ako ng popcorn nang mahawakan ko ang kamay ni Donny na kukuha din dapat.
Napalingon ako sa kanya at ganun din sya sakin.
Nang magtama ang mga mata namin ay may kakaiba akong naramdaman kaya umiwas agad ako ng tingin.
Kailangan kong burahin sa isip ko to.
Nang matapos ang Get Smart ay nag- isip ako ng sunod na papanoorin.
"Wala ka bang suggestion na movie Donny?" tanong ko.
Umiling lang sya.
"Hay nako! Sige, ako na nga ulit. Ito yung isa ko pang favorite na movie." sabi ko at sinearch na yun.
50 First Dates!
"Alam mo ba, this is one of the best movies of Adam Sandler! Mag- eenjoy ka promise!" sabi ko at pl-in-ay na yun.
Minsan ay nililingon ko si Donny at natutuwa ako dahil nakikita ko na nag- eenjoy sya sa pinapanood namin.
Pakiramdam ko, ayaw nya lang ipakita yun dahil sa ayaw nyang mag- iba ang 'masungit' nyang image. Masyado naman kasing pa- tough ang lalaki na to.
Akala mo ba makakabawas sa coolness nya kung inamin nya na nag- eenjoy sya sa panonood.
~~~~~
04/12/18
May nagi - start na nga ba sa dalawang ito? Haha. Abangan...
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfikceKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?