Donny's POV
"Good morning."
Hindi pa man ako dumidilat ay napangiti na ako dahil sa narinig kong pagbati sakin.
"Good morning." sagot ko kay Shar.
Ngumiti lang sya at pinakita sakin ang hawak ng gamot.
"Bangon ka muna Donny." sabi ni Shar.
Gusto kong maglambing sa kanya kaya hindi agad ako bumangon.
"Maya- maya na." sabi ko at nagtalukbong ng kumot.
Narinig kong napabutong- hininga si Shar.
"Wag ka nang makulit please." sabi ni Shar at hinawakan ang kamay ko.
Hindi ko alam kung bakit ako kinikilig. Hindi napigilan ang mapangiti at umupo na ako.
Habang umiinom ng gamot at nakatingin lang sakin si Shar.
"May problema ba?" tanong ko.
Ngumiti lang sya.
"Wala. Naalala ko lang yung mga tao na nagsabi sakin dati na walang magkakagusto sakin kahit kailan. Kung makikita ka lang nila ngayon, sigurado akong maiinggit sila." sabi ni Shar.
Napangiti ako at hinawakan ang kamay ni Shar.
"Ako ang hindi makapaniwala na magkakagusto ka sakin Shar." sabi ko at tinitigan lang sya.
Nagulat ako nang pisilin nya ang pisngi ko.
"Nako Donny, wag mo nga akong titigan ng ganyan." sabi nya.
Lalo ko lang syang tinitigan at natuwa ako nang makitang nagba blush sya.
Ang cute- cute nya talaga.
"Tama na nga yan, bumaba kana para makakain ka na." sabi ni Shar at lalayo na sana sya nang hawakan ko ulit ang kamay nya pero this time, napalakas ata yun kaya nahila ko si Shar.
Napahiga na si Shar sa tabi ko at dahil dun ay nagawa kong matitigan sya.
Bigla ko tuloy naalala ang unang pagkakataon naming nagkita ni Shar.
"Naalala mo ba na ganito din ang una nating pagkikita?" tanong ko.
"Oo. Yung napagkamalan kitang Kidnapper." natatawang sabi ni Shar habang nakatitig din sakin.
"Napaka gwapong kidnapper." sabi ko naman.
Hinampas ako ni Shar sa balikat habang natawa.
Napatigil ako sa pagtawa ng mapadako ang tingin ko sa mga labi ni Shar.
She have these pinkish and small lips. Parang may humihila sakin na lumapit sa kanya.
"Anong problema?" tanong ni Shar.
Just one....
"What's going on here?!"
Nakita ko ang pagkagulat ni Shar nang marinig ang boses na yun galing sa may pinto.
Nakita namin si Turs na nakatayo dun habang nakalagay ang mga kamay sa bewang.
"Ilang araw lang akong nawala, ganyan na kayo?" seryosong sabi ni Turs.
Nakita kong nakayuko lang si Shar at parang nahihiya.
Imbis na sumagot ay nilagpasan na ni Shar si Turs at lumabas na.
Tumawa naman si Turs pagkatapos nun at pumasok sa kwarto ko.
"Wow bro! Ang bilis mo!" natatawang sabi ni Turs.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?