SHAR'S POV
"I would drink that if you would sing perv."
Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Donny. Naiinis na nga ako na ganyan ang tawag nya sakin tapos papakantahin nya pa ako?
Ha? Ano namang kakantahin ko?
"Bakit naman po ako kakanta sir?" tanong ko.
"Gusto ko lang. Bahala ka, ikaw din, hindi ko iinumin yan." sabi ni Donny.
Hay nako talaga tong lalaking to.
"Sige na! Kakanta na ako." sabi ko na lang.
Huminga muna ako ng malalim bago ako kumanta. Naisip kong kantahin ang paborito kong kanta.
I won't let these little things slip out of my mouth
But if I do, it's you, oh it's you, they add up to
I'm in love with you and all these little thingsPagdilat ko ay nakita kong nakatingin lang sakin si Donny.
"May talent ka din naman pala perv." sabi nya lang.
Alam kong namula ako kaya inabot ko na lang sa kanya ang gamot.
"Okay na sir! Inumin mo na po to." sabi ko na.
Ininom nya na yun kaya lumabas na ako.
Pabalik na ako sa kusina nang makita ko si Mam Maricel na mukhang papaalis na.
"Sharlene, kamusta naman ang trabaho mo dito?"
Nginitian ko si Mam Maricel sa tanong nya.
Kung alam nyo lang po Mam ang ugali ng anak nyo.
"Aah okay naman po." sabi ko na lang.
"That's great. Is my son giving you are hard time?" tanong nya pa.
Sobrang hirap po talaga!
"Okay lang naman mam. I can handle naman po." sabi ko na lang.
"Salamat talaga Sharlene for being here. You are making this easier." sabi nya na nagpangiti sakin.
"Wala po yun mam." sabi ko na lang.
"Sige Sharlene, if you need anything, just let me know. Aalis na ako." sabi nya lang at umalis na sya.
Pagpunta ko sa kusina ay nakita ko si Manang.
"Hi Manang, ano po ang lulutuin nyo?" tanong ko.
"Adobong manok. Alam mo bang paborito ito ni Sir Donny?" sabi ni Manang.
Ha? Nakain ng ganito si Donny? Pero parang puro gulay lang daw ang pwede sa kanya.
"Pwede po ba sa kanya yan?" tanong ko.
"Oo naman. Sigurado ako na magugustuhan nya ito." sabi ni Manang.
Napangiti ako. Sa palagay ko ay mahal din ni Manang ang Donny na yun dahil matagal na din sya sa pamilya na to.
Pagkatapos lutuin ni Manang yun ay sinabihan nya ako na dalhin na yun kay Donny.
"Sabihin mo sa kanya na kainin agad yan habang mainit pa." bilin pa ni Manang at umakyat na ako.
Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto ni Donny at nakita ko syang busy sa paglalaro sa computer nya.
"Sir, nilutuan ka ni Manang ng adobo. Kumain ka na po." sabi ko.
Hindi sya nagsalita at sumenyas lang na iwanan ko na lang daw yun.
"Sir, sabi ni manang, mas mabuti na kainin mo to habang mainit pa. Para mas masarap daw." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?