Shar's POV
"Donny! Anong nangyari sayo?"
Ayan ang tanong ko pagkapasok ko sa kwarto nya.
Kasama ko kasi ang kaibigan kong si Andrei nang magtext si Donny kaya nagmadali ako na umuwi.
"Hindi ko alam Shar, ang sama ng pakiramdam ko." sabi ni Donny habang nakatalukbong ng kumot ang katawan.
Dinama ko ang noo nya, hindi naman sya mainit.
"Nahihirapan ka bang huminga?" tanong ko.
"Hindi naman." sagot nya.
"Hmm. Bakit ka kaya nagkaka ganyan? Teka, tatawagin ko si Mam." sabi at aalis na sana nang pigilan nya ko.
"Wag! Wag mong sabihin kay mama." sabi ni Donny.
Napakunot ang noo ko.
"Bakit naman? Baka mamaya, atakihin ka na naman." sabi ko na lang.
Pasaway kasi talaga tong lalaking to.
"Basta. Ayaw ko lang naman na mag- alala si mama. Basta, samahan mo na lang ako dito." sabi ni Donny.
Nagtataka man ay pumayag na ako. Baka mamaya ay mas lumala ang pakiramdam nya.
Naupo na lang ako sa dulo ng kama nya.
"Kamusta ang lakad mo?" napalingon ako nang magtanong sya bigla.
"Okay naman. Masaya naman." sabi ko nang nakayuko.
Huling pagkikita na namin ni Andrei yun bago sya pumunta sa US. Who knows kung gano katagal ulit kami magkikita.
"May nangyari ba?" tanong ni Donny.
"Wala. Wag mo nang pansinin yun." sabi ko na lang at nilapitan sya, "Ano naman ang ginawa mo maghapon?" tanong ko.
"Nag- swimming." maikling sagot nya.
"Nag-swimming ka??" gulat na tanong ko.
Tumango lang sya.
Wow! Mukhang gumagana na ang ginagawa ko para kay Donny kasi bumalik sya sa isang bagay na gusto nyang gawin.
Ang sunod kong target ay magawa syang mamuhay na ulit ng normal. Lumabas, makipag- kaibigan, mag- aral.
"Baka kaya sumama ang pakiramdam mo?" sabi ko.
"Hindi. Masaya nga e. Tsaka, okay na ako ngayon." sabi ni Donny.
Napakunot ang noo ko. Nagmamadali akong umuwi tas okay na sya ngayon?
"Alam mo bang nagmamadali akong umuwi tapos okay ka naman pala? Kasama ko pa naman yung kaibigan ko at madami..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang nagdabog si Donny.
Gusto ko pang makausap ng matagal si Andrei kasi nga baka huli na naming pagkikita.
"Bakit ba? Nag- eenjoy ka kasama yung Andrei na yun? Kaya nakalimutan mo na ako dito?" parang nagtatampo na sabi ni Donny.
Napakunot ang noo ko. Hindi ko sya maintindihan. Day off ko naman kaya umalis ako.
"Ano bang sinasabi mo? Isang araw lang naman ako umalis." sabi ko na nagtataka pa rin.
"Ah basta! Lumabas ka nga, matutulog na ako." sabi ni Donny at nagtalukbong na ng kumot.
Parang bata talaga ang lalaking to. Hindi ko sya maintindihan.
Lumabas na lang ako ng kwarto nya.
Papunta na sana ako sa kwarto ko nang makita ko si Mam na parang nagmamadali paalis.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?