Shar's POV
"Pinahiya mo ako sa mga kaibigan ko Sharlene! Hindi ka na natuto!" galit na galit na sabi ni papa.
Hindi na ako sumagot. Ang nasa isip ko na lang ay paano ako makakatakas mula sa kanya.
"Hinding- hindi kana makakaalis, sa gagawin ko, tingnan natin kung gano katigas yang ulo mo." sabi ni papa at padabog na lumabas.
Hindi ko alam kung ano pa ang pwede nyang gawin pero alam kong hindi pa sya kuntento. Kinulong nya na ako dito.
Napahiya sya sa harap ng madaming tao. Pero hindi ko na kasi talaga napigilan ang sarili ko. Nang makita kong umiiyak si Donny ay sinagot ko na si papa.
Napalingon ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok. Nang makita ko si mama na pumasok ay medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Anak." sabi ni mama at nilapitan ako para yakapin.
Dahil dun ay bumuhos na ang pinipigil kong luha.
Halo- halo ang nararamdaman ko ngayon at kailangan ko talaga ng yakap nya.
"Anak, pasensya kana kung wala akong magawa. Ang papa mo pa rin ang masusunod." sabi ni mama.
I know what my father is capable of kaya kahit si mama ay takot sa kanya.
"Paano mo ba nagagawang magtiis sa kagaya nya? Umalis na tayo ma." sabi ko sa kanya.
"Anak, paano naman si Clark? Isipin mo kung paano ang buhay ng kapatid mo." sabi ni mama.
Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi ito ang panahon para umiyak ako.
Nang lumabas na si mama ay nagsimula na akong ikutin ang kwarto at tingnan kung paano ako makakatakas.
Naalala ko ang puno na katabi ng kwarto ko kung saan ko nakita si Donny. Kahit medyo malayo yun, ayun na lang ang option ko.
Bahala na. Basta, gagawin ko ang lahat para makatakas dito.
Donny's POV
"Whaaat?!"
Napatayo ako nang marinig ang sinabi ni Miles.
"That's true Donny. Nakapag decide na si tito na ikakasal na sina Marco and Shar in two days." sabi ni Miles.
Napakunot ang noo ko at nagsimulang maglakad.
"San ka pupunta?" tanong nya.
"I have to get Shar now! Ikakasal na ang girlfriend ko sa ibang lalaki and Im here doing nothing!" naiinis na sabi ko.
Hindi na ako nagpapigil kay Miles pero napalingon ako nang sumigaw sya.
"Tanga ka ba ha Donny?!" galit na sabi nya.
Napakunot ang noo ko. Ngayon ko lang kasi sya narinig magsalita ng ganito. She was very sweet to me. Dahil dun ay napahinto ako.
"Anong gagawin mo pagdating mo dun?? Sasabihin mo kay tito na ikaw ang boyfriend ni Shar? Lalagpas ka sa mga nakabantay sa kanya?? Hindi mo ba naisip na kapag ginawa mo yun, lalo lang syang maiinis at baka ipakasal na sina Marco at Shar right away? Baka pauwiin ka pa nun sa Manila! Hindi mo ba naiisip yun?!" galit na sabi nya.
Napatahimik ako. Nasasaktan ako dahil alam kong tama sya.
"Kaya please lang, makinig ka sakin kasi may plano na ako. Hindi ko naman gugustuhin na makasal ang bestfriend ko sa lalaking hindi nya mahal." medyo mahinahon nang sabi ni Miles.
Pinakalma ko ang sarili ko at naupo na muna.
"I will visit Shar today. Kailangan ko syang makausap. Stay here, just stay here." sabi ni Miles.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?