Chapter 7. Smile.

440 21 0
                                    

Shar's POV

Napanganga ako nang successful na naman makakuha si Donny ng block nang hindi yun natutumba.

Nginitian nya lang ako na parang nagyayabang. 

Pano nya ba nagagawa yun?! 

Naglalaro kasi kami ng Jengga ngayon at naka ilang round na kami pero palagi akong natatalo. 

Ang galing naman kasi si Donny e, hindi talaga sya natatalo.

Nang matumba na naman yun pagkatira ko ay nainis na ako. 

"Ayaw ko na nga. Pinapaboran ka naman ng mga yan e." sabi ko 

"Ang sabihin mo, hindi ka magaling." sabi nya na lang.

Napalingon ako sa labas. 3 pm pa lang pero hindi na maaraw sa labas, cloudy kasi at mahangin pero hindi naman yung tipo na parang uulan.

Yung perfect na panahon lang para mag picnic. Nung nasa bahay pa ako at ganito ang panahon, sa labas kaming lahat nakain. Maglalatag kami ng mat sa damuhan at kakain gamit ang dahon ng saging. 

"Hoy, gusto mo pa bang maglaro?" napalingon ako bigla kay Donny. 

"Labas tayo?" tanong ko. 

Napakunot ang noo nya. 

"Anong labas?" nagtatakang tanong nya.

"Dyan lang, sa may garden. Ang ganda ng panahon o, parang ang sarap lumabas." sabi ko pa at hinila si Donny palabas ng balcony. 

 Huminga ako ng malalim at napapikit. 

"Tara? Labas tayo, dun lang sa may garden." sabi ko. 

Bago pa man sya makasagot ay hinila ko na sya palabas at hindi na sya nakatanggi. 

Nang makarating kami dun ay parang nanibago si Donny. 

Tumingin sya sa paligid. 

"O diba? Ang ganda ng panahon." sabi ko. 

Napadako ang tingin ni Donny sa mga halaman. 

Agad naman akong tumabi sa kanya.

"Namulaklak sila." sabi ni Donny. 

"Oo. Nako, nung naabutan ko nga yang mga yan, parang ang lungkot- lungkot. Tingnan mo naman, after 3 weeks lang, namulaklkak na sila." sabi ko.

"I never get to take care of them." malungkot na sabi ni Donny.

"Ano ka ba. Okay lang yan. Ayan, so ngayon, pwede mo na silang alagaan ulit" nakangiting sabi ko sa kanya. 

Medyo matagal na nakatingin sakin si Donny pero wala syang sinabi kaya umiwas na lang ako ng tingin. 

"Yung pool din o, ang ganda- ganda. Kung marunong lang akong lumangoy, siguradong, aaraw- arawin ko to." sabi ko at nilublob ang paa sa pool.

"Nakalublob na naman ang paa mo dyan, mamaya, malunod ka na naman. Hindi na kita sasagipin." seryosong sabi ni Donny.

Speaking of...

"Nung araw na yun Donny, pano mo nalaman na nalulunod ako?" tanong ko sa kanya.

"Pano pa sa palagay mo? Edi narinig kita. Ang lakas kaya ng sigaw mo." sabi nya nang hindi natingin sakin.

Napangiti ako. 

"Salamat talaga. Akala ko katapusan ko na nung mga oras na yun." sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya kahit hindi sya nakatingin sakin. 

"Dapat mag- aral ka nang lumangoy, hindi palaging may magliligtas sayo." sabi ni Donny. 

"Sinubukan ko naman pero hindi ko kaya. Ewan ko ba, pag nasa tubig na ako, pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko." sabi ko habang napatingin sa tubig sa pool. 

Napalingon ako nang mag squat si Donny at ulublob ang kamay sa tubig. 

"Pag nasa tubig ako, pakiramdam ko, malaya ako. Pakiramdam ko, walang makakapanakit sakin. Parang kapareho ng ibon, pakiramdam ko, makakalipad ako. Alam kong weird, pero ayun ang nararamdaman ko sa tubig." sabi ni Donny na parang inaalala ang mga panahon na nakakapag swimming pa sya. 

"Bakit ayaw mong bumalik sa pagsu swimming?" tanong ko.

Imbis na sumagot ay tumayo na sya.

"Papasok na ako." sabi nya at naglalakad na nang may maisip ako.

"Haaay." sabi ko at humiga ako sa damuhan. 

"Anong ginagawa mo dyan?" nagtatakang tanong ni Donny.

"Wala. Ang sarap kayang tingnan ang langit kapag ganitong panahon. Nakaka relax. Tara, itry mo." sabi ko kay Donny.

Akala ko ay tatanggi sya pero natuwa ako nang nahiga na din sya sa damuhan at tumingin sa langit. 

Mga 2 feet lang ang layo namin sa isa't isa. 

Matagal na hindi nagsalita si Donny kaya nilingon ko sya.

Nakita kong nakapikit sya pero hindi yung tipo na natutulog. Nakikita kong nagrerelax lang sya. 

Grabe, ang tangos talaga ng ilong nya. Walang- wala ang ilong ko. Haha

Yung jawline nya, grabe. Ang lakas talaga maka gwapo ng mga physical traits ni Donny e. 

Iniwas ko na ang tingin ko nang makitang dumilat na sya. 

Ilang minuto pa kami nag stay dun at wala pa sana kaming balak umalis kung hindi lang tumunog ang alarm ko.

"Donny, oras na para uminom ng gamot." sabi ko. 

Nakahiga pa rin sya nang tingnan ko sya. 

"5 more minutes." sabi nya at pumikit. 

"May bukas pa naman e. Labas na lang ulit tayo bukas kung gusto mo." sabi ko at hinawakan na ang kamay nya para tulungang tumayo. 

Patayo na si Donny pero masyado syang mabigat kaya imbis sya ang mahila ko patayo ay ako ang nahila na at wala na akong nagawa nang bumagsak kay Donny. 

Tumama ang mukha ko sa dibdib nya. 

Pag angat ko ng mukha ko ay nakita kong sobrang lapit ng mukha ni Donny sa mukha ko. Halos ilang inches na lang ang pagitan.

Napatitig ako sa makakapal na labi ni Donny at naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko.

"Aw. Sino ba kasing may sabi na itayo mo ako?" sabi ni Donny kaya napatayo agad ako. 

"Sorry na. Bigat mo kasi." sabi ko na lang nauna na sa loob. 

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil damang- dama ko ang mabilis na pagtibok nun.

Waaa! Kung ano- ano ang pumapasok sa isip ko. 

Maghunus- dili ka Shar! Alaga mo yan. Tsk tsk. Mabilis lang ang tibok mo dahil muntik ka na naman sumubsob sa damuhan.

Dumeretso na lang ako sa kusina para kunin ang gamot ni Donny, nakasunod naman sya sakin. 

Binigay ko na sa kanya ang 8 capsules at isang baso ng tubig. 

"Hindi ka ba nahihirapan uminom nyan. Kung icocompute ko. mga 40 capsules per day ang naiinom aah." sabi ko.

"No. 2 taon ko nang ganyan ang iniinom ko kaya sanay na ako." sagot nya.

Oooh. Okay.

"Sige na, magpahinga ka na Donny." sabi ko at inaayos na ang mga gamot nya.

"Hey." napalingon ako nang marinig ko na tinawag ako ni Donny.

"Bakit?" tanong ko at tumingin sa kanya.

Hindi ko inaasahan na nakatingin sya sakin kaya medyo nagulat ako.

"Thank you for today." sabi nya at nginitian nya ako tapos ay umakyat na sya. 

Did he just smiled at me?

Ang pinaka unang ngiti ni Donny sa akin!

Wuuu! Bakit ang saya- saya ko? 

~~~~~

04/15/18

Ayan. Nagkaka- ayos na sila. Thank you sa lahat ng nagbabasa at magbabasa pa lang nito! :)

Finding My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon