Chapter 18. One thing.

393 25 0
                                    

Shar's POV

Nasa bahay ako ngayon at inaayos ang mga damit ni Donny na dadalhin ko sa ospital.

Napaluha na naman ako nang maalala ko ang itsura ni Donny nung inatake na naman sya.

Kasalanan ko to! Sana hindi na lang kami sumama kay Turs. Kung nasa bahay lang kami, baka hindi sya inatake ng sakit nya.

5 days na syang walang malay at hindi alam ng mga doktor kung kailan sya magigising.

Pinahid ko ang mga luha ko nang may kumatok sa pinto.

Nakita ko si Turs na sumilip, "Let's go?" sabi nya.

Hindi natuloy ang pagbalik ni Turs sa US dahil gusto nya munang hintayin na magising si Donny.

Pagdating namin sa ospital ay naabutan namin dun si Mam Maricel na binabantayan si Donny.

Alam kong sobra syang nag- aalala pero kahit ganun, hindi nya ako sinisi sa nangyari.

"Pwede bang bantayan nyo muna sya, kakausapin ko lang ang doktor." sabi ni Mam.

Sasagot na sana ako nang magsalita si Turs.

"Samahan na kita Tita, Shar, dito na lang muna." sabi ni Turs.

Nginitian nya lang ako at lumabas na sila.

Nilapitan ko si Donny at hinawakan ang kamay.

"Donny naman e, bakit ba ayaw mo pang gumising dyan? Namimiss ko na ang kakulitan mo e." sabi ko habang pinipigilan ang mga luha.

Biglang tumunog ang cellphone ko at nang tingnan ko yun ay nagulat ako nng makita kong tumatawag si mama.

Actually, hindi ko na nakausap si mama mula nung umalis ako sa bahay. Alam kong nagtampo sila sakin dahil sa ginawa ko.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sagutin yun.

Ako: Ma?

Matagal bago nagsalita si mama at nagulat ako.

Mama: Sharlene, umuwi kana. May sakit ang papa mo at nasa ospital sya ngayon.

Nabigla ako sa sinabi ni mama.

May sakit si papa?! Kailangan ko nang umuwi!

Patayo na sana ako nang mapalingon ako sa walang malay na si Donny.

Im sorry Donny.

Donny's POV

"Donny, pasensya kana. Hindi na kita mahihintay. I really have to go. Just always remember na nandito ka lang sa puso ko. Hinding- hindi kita malilimutan. Sana, magkita tayo ulit."

Napadilat ako bigla nang marinig ko ang boses ni Shar.

Nagulat ako dahil wala sa tabi ko si Shar. Pero bakit narinig ko ang boses nya?

Nilibot ko ang panigin ko at nakitang nasa ospital na naman ako, pero mag- isa.

Nasan si Mama? Nasan si Shar? Anong nangyari?

Maya- maya ay nakita kong bumukas ang pinto at nakita ko si mama na pumasok.

"Son! Buti naman, nagising kana." sabi nya na halatang nag- aalala.

Lumapit sakin si mama at niyakap ako.

"I was so worried about you." sabi ni mama.

Lumingon ulit ako sa paligid.

"Where's Shar?" tanong ko.

"She resigned son." sabi ni mama na sobrang kinagulat ko.

Napakunot ang noo ko. Resign?! Pero bakit?

Finding My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon