Chapter 20. Sneak.

372 25 1
                                    

Donny's POV

"Wow. Hindi ako makapaniwala na nagka boyfriend nga si Shar at ang gwapo pa."

Napayuko ako dahil sa sinabing yun ni Miles.

Nandito kami ngayon sa bahay nya at kanina pa sya nakatitig sakin at dahil dun ay naiilang na ako.

Mukha namang napansin nya yun.

"Ay sorry ha? Hindi lang ako makapaniwala na nagka boyfriend talaga si Shar." sabi nya na lumayo na sa wakas.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Hay nako. Matagal ko na kasing kaibigan yang si Shar at akala ko, tibo sya. Hahahah" natatawang sabi nya.

Ha? Sa ganda ni Shar na yun?

"At isa pa, kakaiba kasi sya, medyo istrikta at makulit din. Kaya hindi ko talaga inexpect na magkakaroon sya ng boyfriend." sabi naman ni Miles.

Hmm. swerte pa rin ako, dahil ako ang unexpected boyfriend ni Shar.

"So kailan ko sya pwedeng makita?" tanong ko.

"Mahirap sa ngayon e. Pwede ko naman syang puntahan at sabihin na nandito kana, pero hindi ka pa talaga makakalapit sa kanya ngayon e." sabi ni Miles.

Parang nag- iisip sya ng malalim.

"Alam ko na!! Wow! Ang talino ko talaga. Bwahahaha." sabi nya at natawa na parang kontrabida sa palabas.

Napakunot naman ang noo ko habang hinihintay ang sasabihin nya.

"Magkakaroon ng party kila Shar sa isang araw at pwede kang makapunta dun!" sabi ni Miles.

I like the thought of seeing Shar pero ayaw ko ng party. Pero willing naman akong gawin lahat para kay Shar.

"Sa ngayon, dito ka na muna mag stay. Pwede ka naman mag- ikot- ikot pero wag na wag mo lang sasabihin kahit kanino ang relasyon ni Shar okay? Iiwan na muna kita!" sabi ni Miles.

Tumango na lang ako.

Walang ibang tao dito sa bahay nila maliban na lang sa ilang maids. Mabilis akong na- bore kaya naisipan ko na lumabas na lang.

Namangha ako as lugar na to. Nasa mataas na lugar kasi ang bahay nila kaya tanaw na tanaw ang asul na dagat. Madami ding mga puno sa paligid.

Naisipan kong maupo sa ilalim ng puno ng manga at pumikit ako.

Sana talaga makita ko na si Shar, gusto ko na syang mayakap at gusto ko nang mahawakan ang mga kamay nya.

"Hi! Gusto mo ng manga?"

Gulat na napadilat ako nang marinig ang boses na yun.

Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa may sanga ng puno at may hawak na mangga.

Binato nya yun sakin at nasalo ko naman agad yun.

"You know, mangoes here are so sweet. Isa sa pinaka nami- miss ko." sabi nya habang nakatingin sa mga bunga.

Nakatingin lang ako sa kanya, sino ba sya?

Napadako ang tingin nya sakin at biglang bumaba ng puno.

"Im Marco Gumabao." sabi nya sabay lahad na kamay.

Kinamayan ko naman sya.

"Donny Pangilinan." sabi ko na lang.

"I haven't seen you here. Dayo ka lang ba? San ka galing?" tanong nya.

"Im from Manila. Im just here to visit my girl. ... i mean, to visit a friend." sabi ko.

Finding My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon