Donny's POV
"HAHAHAHA!"
Napakunot ang noo ko sa naging reaksiyon na yun ni Turs.
Sinabi ko lang naman sa kanya na gusto ko si Shar kaya hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang reaksiyon nya.
"What's the matter with you?" tanong ko na medyo pinipigilan ang inis.
"Nothing bro. It's just... Hahaha I knew it!" sabi ni Turs.
Lalo akong nagtaka sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"I knew that you like Shar." sagot naman nya habang natawa pa rin.
"What do you mean? Pano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko.
"Nako bro. Nung una pa lang akong dumating dito, nung tumakbo ka pababa nang sumigaw si Shar, I knew that she is special to you. Kilala kita, mula nung mga bata pa tayo, wala ka namang pakealam sa ibang tao. Ako at si Tita lang naman ang pinapakealaam mo. And when I saw how you treat Shar, alam ko na." pagpapaliwanag ni Turs.
Ganun ba ako ka- obvious? Nauna nya pang nalaman yun kaysa sakin?
"Don't worry bro, your secret is safe with me." sabi nya pa.
"Pero teka, kung alam mo naman pala, bakit sinabi mo pa rin sakin na gusto mo sya? Bakit nilalapitan mo pa rin sya?" tanong ko.
Siguro naman, kung alam nyang gusto ko si Shar, hindi nya sasabihin sakin ang mga ganung bagay.
"Haha. Because I want to help you. I know you since we were kids. You haven't liked anyone yet. Kaya siguro wala kang idea kung pano yun. And lucky for you, nandito ako at tinulungan kitang marealize na gusto mo nga sya. And I did that by making you jealous." natatawang sabi ni Turs.
Tsaka lang nag- sink in sakin ang lahat. Kaya pala.
"So hindi mo talag sya gusto?" nagdududang tanong ko.
"Of course i like her. But not the way na iniisip mo. What's not to like? Maganda sya, mabait and she have this vibe na parang alam mong okay ang lahat basta nandyan sya..." sabi ni Turs pero napahinto nang makita nyang seryoso akong nakatingin sa kanya.
Hindi nya daw gusto si Shar pero kung idescribe nya...
"Easy bro. All im saying is, gusto ko sya para sayo. I think, you will be a very happy couple." sabi ni Turs.
Hindi ko alam kung bakit parang kinilig ako sa sinabi ni Turs. 'Couple'. Kinikilig akong isipin na someday, magiging 'couple' kami ni Shar.
"Iw bro. Nakakadiri kang kiligin." sabi ni Turs na bahagya pang lumayo sakin.
"Thanks for the help bro!" sabi ko sa kanya.
"No problem. Kung ako sayo, pumasok kana sa loob. Im sure, Shar is wondering why we are here." pagkasabi ni Turs nun ay agad akong pumasok sa loob.
Naabutan ko pa rin si Shar na nakatayo kung san ko sya nakita kanina.
"Are you okay?" tanong ko.
"Oo. Ano lang. Wala. Yung kanina Donny, wala yun." sabi ni Shar.
"I know. Don't worry, nothing like that will happen again." sabi ko na lang.
Ngumiti si Shar at tinitigan ko lang sya.
This is the girl I like, in front of me. Sana pwede ko syang yakapin.
Sana pwede kong hawakan ang mga kamay nya.
Sana pwede kong sabihin sa kanya na ang gusto ko sya.
"Bakit kayo nagtititigan dyan?"
Tsaka lang ako natauhan at umiwas na ng tingin kay Shar.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?