Chapter 6. Adobo.

474 23 2
                                    

Donny's POV

HAHAHA!

Hirap na hirap na akong pilitin ang tawa ko sa pinapanood namin ng Shar na to.

Hindi ko alam kung bakit pumayag ako na manood kami ng movie dito sa kwarto ko. Hindi ko din alam kung bakit hinahayaan ko sya na makalapit sakin ng ganito. 

Ang alam ko lang sa ngayon ay natutuwa ako sa ginagawa namin.

Ngayon ko na lang naramdaman kung pano magkaroon ng isang kaibigan. 

Pang limang movie na namin na pinapanood at hindi ko alam kung paano nya nalaman ang mga palabas na to.

Nang matatawa na naman ako ay nilingon ko si Shar at nagulat ako nang makitang nakapikit sya.

Wait? Natutulog ata sya? 

Hahaha! Gaano katagal na kaya syang natutulog? Kung ganun, pwede na akong tumawa nang hindi nya naririnig?

Nilingon ko ulit sya at nakitang hindi kumportable ang pwesto nya dahil nakasandal lang ang ulo nya sa sofa. 

Kinuha ko ang unan na nasa gilid ko at nilagay yun sa ulunan nya. 

Sobrang dahan- dahan ang ginagawa ko para wag syang magising. 

Pinause ko na muna ang movie at pinabayaan na lang si Shar na matulog. 

Napatingin ako sa oras at nakitang kailangan ko nang uminom ng gamot. 

Kung tutuusin, pwedeng hindi ako uminom, gaya ng ginagawa ko dati. 

Pero parang naiimagine ko na kasi ang mukha ni Shar pag nalaman nyang hindi ako uminom ng gamot. 

Hindi ko inaasahan ang sunod kong ginawa. 

Bumaba ako para kunin ang gamot ko at ako na mismo ang uminom nun. 

Babalik na sana ako sa taas nang may marinig ako boses.

"Sir Donny?" 

Paglingon ko ay nakita ko si manang nena na nakatayo sa may likuran ko. Mukhang gulat na gulat sya. 

"Manang!" excited na sabi ko at niyakap sya.

Sobrang close kami ni Manang dahil sya na halos ang nag- alaga sakin nung bata pa ako.

"Lumabas ka na sir! Masaya ako na lumabas ka na din sa wakas." sabi ni Manang. 

Yep. Matagal- tagal ko din syang hindi nakita kahit nasa bahay lang ako.

"Anong gusto mo? Gusto mo bang magluto ako ng paborito mo?" tanong ni Manang. 

"Adobong manok!" excited na sabi ko. 

"O sige sir, maupo na lang dyan at sandali lang naman ito." sabi ni manang at nagsimula nang magluto.

Pagkaluto ni manang nun ay masaya akong kumain.

"Wow manang. Hindi pa rin nagbabago ang luto mo, masarap pa rin." sabi ko habang nakain.

"Nako Sir. Ikaw naman kasi, hindi ka lumalabas kaya hindi mo natitikman." sabi nya.

Nginitian ko na lang sya at pinagpatuloy ang pagkain. 

"O sige sir, dun muna ako at may gagawin pa ako." sabi ni manang at tumango lang ako.

Napalingon ako nang marinig na may tumatakbo pababa ng hagdan. Nakita ko si Shar na madaling- madali na papalapit sakin. 

"Bakit hindi mo ako ginising?" tanong nya. 

Napakunot ang noo ko. 

"Ang sarap kaya ng ng tulog mo." sagot ko nang hindi sya tinitingnan.

"Kasi naman e! Pano na yung gamot mo! Lagot ako e." sabi nya na parang nagtatampong bata.

Napakunot ang noo ko at napalingon sa kanya.

Parang yung itsura nya ay iiyak na any moment. Napakunot ang noo ko dahil sa itsura nya.

"Pano na yung gamot mo! Hindi ka na naman nakainom! Ayun na nga lang ang trabaho ko tapos ..." sabi na habang may namumuo na ang luha sa mga mata kaya nagsalita na ako.

"Wag ka nang OA, nakainom na ako." sabi ko na lang at bumaling na ulit sa pagkain ko.

Matagal na wala syang kibo kaya tiningnan ko sya at napabuntong- hininga na lang nang makitang nakatitig lang sya sakin habang malaking- malaki ang ngiti. 

"Wag mo nga akong tingnan ng ganyan." sabi ko. 

"Hahaha. Wow! Ang bango naman ng kinakain mo, mukhang masarap yan aah." sabi nya habang nakatingin sa ulam ko.

"Oo." sabi ko habang nakain.

"Alam mo, mas masarap ang adobo pag shineshare." sabi nya.

Hay nako talaga tong Sharlene na to.

Sinenyasan ko sya na kumuha ng plato nya.

Sumandok na din sya ng kanin at sinaluhan nya na ako sa Adobo. 

"Wow! Diba? Sabi ko sayo e, mas masarap ang pagkain pag may kashare ka. Ang galing talagang magluto ni Manang no?" sabi nya habang nakain.

Ngayon ko na lang ulit naranasan na may makasabay sa pagkain. At isa pang kagaya ni Sharlene na makwento. 

"Alam mo ba sa amin, hindi mo na kailangan na pumunta sa supermarket para sa mga gulay or karne, kasi makikita mo na lahat dun. May taniman kami ng halos lahat ng gulay na nasa bahay kubo. Tapos..." pagkukwento ni Sharlene.

Actually, hindi ko na nga naiintindihan masyado kasi tuloy- tuloy syang magsalita. Natutuwa na lang ako na parang hindi sya napapagod sa pagsasalita. Parang ang dami nya laging energy. 

"Pag nakapunta ka dun, matitikman mo ang pinaka fresh na buko juice. Kaya ko din na umakyat ng puno kaya kung pupunta ka dun, ako mismo ang kukuha ng buko para sayo. Meron din kaming mga prutas tapos ..." tuloy- tuloy pa rin sya kahit hindi ako nasagot. 

Natango na lang ako minsan para hindi nya na ako tanungin. 

"Tapos..." napahinto sya sa pagsasalita nang sa palagay ko ay nasamid sya. 

Inabot ko sa kanya ang isang baso ng tubig at ubo lang sya ng ubo.

"Hindi kasi dapat pinagsasabay ang pagkain at pagkukwento." sabi ko na lang. 

Nang maging okay na sya ay ngumiti na naman sya at pinag patuloy nya na naman ang kwento nya.

Nang matapos na kaming kumain ay tumayo na ako para bumalik sa kwarto pero hindi pa rin tapos ang pakukwento nya.

Nakasunod pa rin sya sakin at kung ano- ano ang pinagsasabi.

Nang sa wakas ay makarating na kami sa kwarto ko ay tsaka lang sya tumigil sa pagsasalita.

"Ano Donny? Natapos mo ba yung movie? Maganda no?" tanong nya.

"Maganda? Pero tinulugan mo?" nang- aasar na sabi ko.

"E inantok lang naman ako e, sorry na. Hahaha Sige na Donny, magpahinga kana. Bukas na lang ulit." sabi nya at lumabas na ng kwarto ko.

Nahiga na ako sa kama at nag- isip. 

Ngayong lumabas na si Shar ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito. 

Sinubukan kong maglaro ng video game pero parang nabo- bore lang ako. 

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at nagising nang marinig ko ang boses ni Shar. 

"Donny, inom ka na muna ng gamot bago ka matulog." sabi nya nang nakangiti. 

Ininom ko na yun at lumabas na sya. 

Alam kong hindi na sya nangulit dahil late na din at dapat na akong matulog. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. 

The face of Sharlene keeps on popping inside of my head.

Nababaliw na nga siguro ako. Hindi kaya kasalanan to ng adobo na kinain ko kanina? 

O yung Shar na yun? Hays. 

~~~~~

04/13/18

Nagkakasundo na sila. Hahaha Sino kaya ang mauunang ma- fall? 

Finding My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon