Shar's POV
"Thank you beshie! Malaki ang utang na loob ko sayo." sabi ko sa kanya at niyakap sya.
"Wala yun beshie. Masaya akong napapasaya kita. Wag kang mag- alala beshie, ako na muna ang bahala sa kanya." sabi nya naman.
Napalingon kami pareho nang may kumatok.
Pinahid ko ang luha ko bago ko binuksan ang pinto. At nakita ko si mama.
"Ma, uuwi na po si Miles." sabi ko lang.
"Ayaw mo bang magdinner dito Miles?" tanong ni mama.
"Hindi na po tita. I have to go. Sige po, mauna na po ako." sagot ni beshie.
Lumabas na si Miles.
"Anak, I want to talk to you." sabi ni mama.
Naupo kami sa kama ko.
"I know this is hard for you, pero please anak, sundin mo na lang ang papa mo. Please just stay here with us." sabi ni mama.
Napabuntong- hininga ako. Ayaw ko namang masaktan si mama. At isa pa, paraan din to para matuloy ang plano namin ni Miles.
"Okay mom." sabi ko.
Parang nagulat si mama sa sinabi ko.
"Okay? You mean, hindi ka na aalis?" sabi ni mama.
Tumango na lang ako.
"Great! That's great anak. Im sure, matutuwa ang papa mo." sabi ni mama.
Masaya syang lumabas ng kwarto ko kaya agad akong bumalik sa balcony. Mukhang nakaalis na sina Miles at Donny.
"Ate." napalingon ako at nakita si Clark, "bumaba ka daw, meron kang bisita." sabi nya.
Bisita??
Medyo nag- ayos lang ako at bumaba na.
Pagdating ko sa sala ay nagulat ako nang makita kung sino ang kausap ni papa.
"Kuya Marco?" tanong ko.
At nang lumingon sya ay sobrang saya ko.
Tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap sya.
"Wow. Miss na miss mo na ako Shar?" natatawang sabi nya.
Si Kuya Marco, kababata namin ni Miles. Sabay kaming tatlo na lumaki. Sya ang naging tagapag- tanggol ko at sandalan.
"O sige, mamaya na tayo mag- usap Marco." sabi ni papa at umakyat na sya.
Naiwan kaming dalawa sa sala.
"Kamusta kana Shar, grabe! You've matured a lot! Lalo kang gumanda!" sabi nya at ginulo ang buhok ko.
"At lalo ka namang naging bolero! Eto, madami na ang nangyari sakin mula nung umalis ka." sabi ko naman.
"Nabalitaan ko nga ang paglalayas mo. Ikaw talagang bata ka. Samantalang dati, sobrang iyakin mo pa. Lagi ka pang nakayakap sakin." sabi nya na natatawa.
Sinimangutan ko na lang sya.
"So, ano ba tong special party mo at pinauwi pa talaga ako ni papa para lang maka- attend?" tanong nya.
"Ha? Talaga? Pinauwi ka dahil lang dun? Hindi ko nga alam e. I have no idea." sabi ko naman.
"That's weird. Akala ko tungkol sayo yung party e, anyway, tara? Maglibot tayo?" tanong nya.
"Ha? E hindi ako pwedeng lumabas e. Grounded ako." sagot ko.
"Wala ka bang tiwala sakin? Syempre, nagpaalam na ako kay tito." sabi nya naman.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?