Chapter 1. "Sir".

809 30 1
                                    

Shar's POV

Huminga ako ng malalim bago ako pindutin ang doorbell ng bahay na nasa harapan ko ngayon. 

Ding. Dong.

Kinabahan ako lalo nang bumukas yun at nakita ko ang isang matangkad na babae sa palagay ko ay nasa late 40s na. 

"Hello po! Good morning, ako po pala si..." pagbati na hindi ko natapos nang magsalita sya. 

"Sharlene? Ikaw ba yung tumawag para mag- apply?" tanong nya. 

"Yes mam. Ako po yun." sabi ko na lang.

"Okay. Just in time, please come in." sabi nya.

Palagay ko ay mabait sya na tao. 

Pinapasok nya na ako sa bahay nila at pinaupo. Binigyan nya pa ako ng meryenda na ipinahanda nya sa katulong nila.

"So Sharlene, im Maricel Pangilinan. Aware ka naman na personal maid ang papasukan mong trabaho, right?" tanong nya.

"Yes mam. Im Sharlene San Pedro po, 19 years old." pagpapakilala ko. 

Iaabot ko na sana ang resume ko nang tumanggi sya.

"No need for that. I just have a few questions for you. Meron ka bang experience sa pag- aalaga sa bata?" tanong nya.

"Yes mam, meron po akong batang kapatid sa probinsya at ako po ang nag- alaga sa kanya." sabi ko.

"Okay. And another thing, willing ka bang mag stay in? Don't worry, meron kang sariling room dito." nakangiting sabi nya.

Wow! Stay in? Sakto! So hindi ko na pala kailangan na mangupahan?

"Yes mam." sagot ko.

"Well then! Okay. You can start today. I wish I can talk to you more but I really have to go. Mamaya na lang tayo ulit mag- usap pagdating ko." sabi nya abay abot sakin ng isang makapal na notebook.

"Andyan lahat ng instructions ng trabaho mo. If you have any question, kay Manang Nena ka na magtanong okay?" tanong nya.

"Yes mam." sabi ko na lang.

Paalis na sana sya nang parang may naalala sya.

"And one last thing, Sharlene, whatever happens, make sure na my son will take his medicine on time, okay?" pagbibilin ni Mam.

Tumango na lang ako at umalis na sya. 

Tinuro sakin ni Manang Nena ang magiging kwarto ko at pagkaayos ko ng mga gamit ko, binuksan ko ang notebook na binigay ni Mam. 

Dun ko nakita ang parang schedule ng gamot, pagkain at kung ano- ano pa. 

Base sa hawak ko, palagay ko ay may sakit ang alaga ko. Hmmm. Hindi ko pala natanong kung ilang taon na yun. 

Nagpasya ako na puntahan si Mamang Nena na ngayon ay nagluluto sa kusina. 

Dahil wala pa akong magawa ay tinanong ko na lang sya tungkol sa ilang bagay.

"Dalaga pa ako nang magsimula akong magtrabaho dito, wala pang anak si Mam Maricel, ay kasama na nila akong mag-asawa. Nasubaybayan ko ang  buong buhay nya hanggang sa magkaroon sya ng pamilya. Dito sa bahay, laging walang tao. Si sir lang, na alaga mo, at ako. Madalang din kasi na umuwi sina Mam." pagkukwento ni Manang Nena.

Nang mabanggit nya si sir ay nacurious ako.

"Matanong ko lang Manang, masyadon bang late nagigising si sir? Kasi 11 am na pero hindi ko pa sya nakikita." sabi ko.

Napangiti si Manang.

"Nako Sharlene, hindi lumalabas si sir sa kwarto nya. Hindi ko na nga maalala ko kung kailan ko sya huling nakita. Lagi lang syang nandun." sabi ni Manang na kinagulat ko.

Finding My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon