Donny's POV
"Wow! Ang gwapo mo talaga Donny!"
Nahihiya ako sa sinasabi ni Miles. Kanina pa kasi sya ganyan.
Nakasakay na kami sa kotse nya at papunta na sa party nina Shar.
Hindi na ako makapag hintay na makita sya.
Pagkababa namin ay nagulat ako nang makitang sobrang daming tao.
"Okay ka lang?" tanong ni Miles sakin.
Tumango lang ako at pumasok na kami.
As expected, wala akong kilala dito na kahit sino.
"Donny! You're here!"
Napalingon ako nang marinig ko ang boses na yun.
"Marco! Hey." sabi ko na lang.
"Hi Miles." baling nya kay Miles.
Ngumiti lang si Miles. Kahit wala akong alam, pakiramdamn ko ay may tensiyon sa kanilang dalawa.
"Pupuntahan ka namin dapat ni Shar kahapon pero masyadong napasarap ang kwentuhan namin." sabi ni Marco kay Miles.
Napakunot ang noo ko. Magkasama sila ni Shar kahapon?
Napalingon kami nang makarinig nang palakpakan ng mga tao. At dahil dun ay nakita ko na si Shar, sobrang ganda nya.
"Oh, I have to be there. See you later." sabi ni Marco at naglakad na palapit kina Shar.
She is wearing a long black gown. She's like a princess, my princess.
Gusto ko na syang lapitan at hindi ko na mapigilan ang mga paa ko.
Naglalakad na ako palapit nang maramdaman ang kamay na humawak sa braso ko. Paglingon ko ay nakita ko si Miles.
"Wag kang kikilos ng basta- basta. You never know what might happen." sabi nya.
Napabuntong- hininga na lang at tinignan si Shar mula sa malayo.
Magkausap sila ni Marco ngayon at nasasaktan ako dahil dun. Sana pwede ko na din syang kausapin.
Nabaling ang atensiyon ng lahat sa stage nang may magsalita.
Umakyat ang isang lalaking nasa around 45 siguro.
"Sya ang papa ni Shar Donny." sabi ni Miles.
Napatingin lang ako sa kanya. Mukha syang istrikto at sya din ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng lumapit kay Shar.
Nang paakyatin sa stage sina Shar at Marco ay hindi ko na napigilan ang medyo lumapit, kahit naririnig ko na pinipigilan ako ni Miles ay lumalapit pa rin ako.
"We both decided that my daughter, Sharlene will be married to Marco to continue the partnership." sabi ng papa ni Shar.
Napakunot ang noo ko at ramdam ko ang pagsikip ng dibdib ko. Nahihirapan na akong huminga pero hindi ko pa rin magawang gumalaw.
Hanggang sa nakita ko na napadako ang tingin sakin ni Shar at nagtama ang mga mata namin. Naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha ko.
"Im sorry papa pero I can't let that happen." nagulat ako sa sinabi ni Shar.
At sinabi nya yun habang naka mic kaya napasinghap din ang mga tao sa paligid at nagsimulang magbulungan.
"Sorry Marco, I know we are friends, and I want to keep it that way. At isa pa, meron na akong ibang mahal papa." desididong sabi ni Shar.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Shar. Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?