Donny's POV
"Shar, I like you." nilakasan ko na ang loob ko at sinabi na sa kanya ang nararamadaman ko.
Ano pa ba ang dahilan para patagalin ko pa to? Mas lalo lang akong kakabahan.
Nakita ko kung pano nagulat si Shar sa sinabi ko. Literal na napanganga sya at halatang hindi makapaniwala.
"Aaah. Nagbibiro ka ba Donny?" tanong nya.
"No. Im serious Shar, i like you." sabi ko at seryosong tiningnan ang mga mata nya.
Mga ilang minuto na ay hindi pa rin nagsasalita si Shar. Nakatingin lang sya sakin.
"Pero wag kang mag- alala, Im not expecting you to say that you feel the same way for me. Masaya na ako sa sinabi ko. Masaya na ako na naamin ko na sayo ang nararamdan ko." dagdag ko pa, "sige, aakyat na muna ako."
Sabi ko at tumayo na.
Bago ako tuluyang umakyat ay tiningnan ko pa kung gumalaw na si Shar mula sa pwesto nya pero nakita kong hindi pa rin.
Napailing na lang ako at umakyat na.
Hay. Tama ba ang ginawa ko? Tama ba na umamin na agad ako sa kanya?
Nakahiga lang ako sa kama habang nag- iisip. Ano kaya ang gagawin ni Shar? Ano kaya ang inisip nya? Nakakabaliw naman to.
Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang biglang bumukas yun.
"Bro." sabi ni Turs na dire- diretsong lumapit sakin.
"Umamin kana kay Shar?" tanong nya.
Pano nya nalaman?
"Nakita ko dun si Shar, tulala sya at hindi makausap. Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit sya ganun. Umamin ka na nga?" tanong nya ulit.
Tumango na lang ako.
"Whaaat?! Akala ko ba naintindihan mo ang sinabi ko?" parang naiinis na sabi ni Turs.
Napabuntong- hininga ako.
"E hindi ko naman sinasadya. Hindi ko na kasi napigilan na sabihin sa kanya." sagot ko na lang.
Napahawak si Turs sa noo nya.
"Bakit ba? Ano naman? Pareho lang naman diba. Sasabihin ko din naman sa kanya sa future." sabi ko na lang.
I just don't understand why he's making a big deal out of this.
"Hay nako. Bakit pa ba ako nagulat? Wala ka nga palang experience sa ganitong bagay." sabi na lang ni Turs at umupo sa tabi ko.
"Kahapon mo lang narealize na gusto mo si Shar diba? At ayan ang pinaka una mong ginawa para sa kanya. So, wala pang idea si Shar sa ginagawa mo kasi unang beses mo yang ginawa para sa kanya. E kung naghintay ka muna ng mga ilang araw habang pinaparamdam mo kay Shar ang feelings mo? E di sana may mga tanong na mabubuo sa isip nya at maiisip nya na baka may gusto ka sa kanya." sabi ni Turs.
Oooooh. Ayun pala. Hindi talaga pumasok sa isip ko yun.
"Kaya ngayon na binigla mo si Shar, ganyan talaga ang magiging reaksyon nya. Malamang ay nagulat sya sa ginawa mong pag- amin kasi wala syang ka idea- idea. Hindi nya naman naramdaman e." pagpapatuloy ni Turs.
Shem! Ano ba yung ginawa ko? Mali nga! Maling- mali!
"Hala! What can I do? Wala na. Sinabi ko na sa kanya e? Should I tell her that it's just a joke?" tanong ko.
"No. You can't tell her that. Masasaktan mo ang feelings nya and who knows, baka umalis sya pag ginawa mo yun." sabi ni Turs na parang malalim na nag-iisip.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?