Chapter 11. More than friends.

432 31 5
                                    

Donny's POV

Grabe! 3 am pa lang pero imbis na matulog ako ay eto ako. Kasama si Shar sa kusina at nagbe bake ng cake.

Nahulog kasi ang binake nya na cake para sakin sa sahig.

Masaya ako at sobrang na- touch dahil sa effort na ginagawa nya para sakin pero siguro blessing in disguise na din ang pagkahulog ng mocha roll na ginawa ni Shar.

Bakit?

Kasi nung tinikman ko yun, para akong masusuka! Hindi ko akalain na kayang maging ganun kapangit ang lasa ng cake!

Hay. Pero dahil ayaw kong masaktan ang feelings ni Shar kaya sinabi ko na lang na masarap yun.

Kaya eto ako, imbis na matulog ay sinasamahan si Shar na gumawa ng cake. Actually, ayaw ko na nga syang pahawakin pero baka kasi mahalata nya na hindi masarap ang gawa nya. Pano na lang kung sya mismo ang makatikim nun?

Hindi naman sa pagyayabang, magaling akong magbake. Nung buhay pa si papa, ito ang isa sa palagi naming bonding.

Habang naggagawa ako ng icing ay nilingon ko si Shar at nakitang nakatulog na sya habang nakasandal sa ref. Natawa pa ako dahil marami syang harina sa mukha.

Tinanggal ko ang mga harina sa pingi nya at naging dahilan yun para mahawakan ko ang makinis nyang mukha.

Nang gumalaw si Shar ay bumalik na agad ako sa ginagawa ko.

Ginising ko lang si Shar nang matapos ko na ang mocha roll. Nang matikman ko yun ay natuwa ako. Ganito dapat ang lasa nito. Haha

Kumanta ulit sya ng Happy birthday.

Actually, hindi ko birthday ngayon. Tapos na ang birthday ko nung February pa. Nakikita ko lang na nag- eenjoy si Shar sa ginagawa nya kaya hindi na lang ako nagsalita. 

Wala din namang mawawala sakin. Haha 

"Mag- wish ka na muna." sabi ni Shar.

Tiningnan ko si Shar habang nakangiti syang katitig sakin.

Hindi ko alam kung bakit isa lang ang pumasok sa isip ko na gusto kong hilingin.

Sana ikaw na Shar.

Tapos ay hinipan ko na ang kandila. Pumalakpak naman si Shar tapos ay tinikman na ang cake.

"Wow! Ang sarap! Sayang talaga yung gawa ko. Ganito din ba ang lasa nun?" tanong ni Shar.

Tumango na lang ako.

Pagkatapos namin kumain ay nagliligpit na si Shar.

"Sige na Donny. Matulog ka na. Baka hindi maganda sayo ang ganito." sabi ni Shar.

"Sige. Magpahinga ka na din pagkatapos mo dyan." sabi ko naman at umakyat na sa kwarto ko.

Nagpahinga na din agad ako at nagising lang nang makaramdam ng mahinang tapik sa braso ko.

Pagdilat ko ay napangiti ako.

Kung ganito ba naman kaganda ang bubungad sakin araw- araw, siguro lagi akong gaganahan na bumangon.

"Donny, inom ka muna ng gamot." sabi ni Shar.

Ininom ko naman agad yun.

"Matutulog ka pa ba? O babangon ka na?" tanong ni Shar.

Nag- unat ako.

"Ano ba ang gagawin natin ngayon?" tanong ko.

"Hmmm. Ikaw ang bahala. Ano bang gusto mong gawin?" tanong nya ulit.

Finding My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon