Shar's POV
Nakakainis talaga si Donny! Para syang bata. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin e, ayaw nyang tanggapin.
Nung umamin sya kanina, nagulat talaga ako. Wala akong idea na may nararamdaman sya para sakin. Ilang buwan pa lang kaming magkasama at hindi pa nga namin masyadong kilala ang isa't isa.
Nasa kwarto lang ako at nagpapalipas ng oras. Gusto ko sana na makalimutan na muna ang sinabi ni Donny pero di ko magawa.
Hindi ko alam kung bakit ako naging masaya nang sabihin sakin ni Donny yun. Pero totoo na hindi ko pa alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya.
Importante sya sakin. Masaya ako pag napapasaya ko sya. Masaya din ako pag magkasama kami.
Pero hindi sapat yun para masabi ko na gusto ko nga sya.
Napalingon ako sa pinto nang marinig na may kumatok.
Hays. Bumalik na naman kaya ang lalaking yun?
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako nang makita si Turs.
"O Turs. Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Shar! Si Donny kasi, na- allergy! Kumain kasi sya ng patatas e bawal sa kanya yun!" sabi ni Turs.
Agad akong nakaramdam ng pag- aalala at pupunta na sana sa kwarto ni Donny anng pigilan ako ni Turs.
"No, you can't see him. Kailangan nya nang makainom ng gamot. Please Shar, bumili ka." sabi ni Turs na parang nag- aalala na.
"Sige! Anong gamot? Pero teka, ichecheck ko muna sya!" sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa pag- aalala sa kanya.
"Wala nang oras! He needs to drink this medicine ASAP!" sabi ni Turs.
Hindi na ako nakapag- isip. Tumango na lang ako at agad na kinuha ang papel at pera na binigay ni Turs.
Lumabas na ako ng bahay at tumawag ng taxi.
Habang nasa biyahe ako papuntang pharmacy ay sobrang kinakabahan ako.
Anong mangyayari kay Donny?
Nang makabili na ako ay nagmadali akong bumalik.
Pabalik na ako nang makareceive ako ng text.
Shar, iniwan ko si Donny, umuwi kana agad. May kailangan lang akong gawin. -Turs
Ha? Bakit nya naman iniwan si Donny na mag- isa sa bahay?!
Pagdating ko ay nagmamadali akong pumunta sa kwarto ni Donny.
Kumatok muna ako tsaka pumasok.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahiga sa sahig si Donny habang hawak ang dibdib.
Nakita ko na to dati. Nung inatake sya. Nung dinala namin sya sa ospital.
"Donny!" sigaw ko at agad na lumapit sa kanya.
"Shaar. I can't breath." sabi ni Donny.
"Sandali lang, dadalhin kita sa ospital. Tatawag lang ako ng ambulansya." sabi ko at tatayo na sana nang hawakan ni Donny ang kamay ko.
"Please don't leave me." naluluhang sabi ni Donny.
Dahil dun ay kinuha ko na lang ang cellphone ko at tumawag sa 911.
Nang binalingan ko si Donny ay nakita kong nahihirapan na syang huminga.
Napaluha na ako. Ayaw ko syang nakikitang ganito. Kailangan ko na syang dalhin sa ospital.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?