Donny's POV
"Oo nga maid mo lang ako pero concerned lang naman ako. At hindi sayo! Concerned ako kay Mam Maricel at kay Manang! Hindi mo ba naiisip ang ginagawa nila para sayo?!"
Nainis ako lalo nang maisip ko ang sinabi ng Sharlene na yun.
Hay! Bakit ba hindi ko maalis sa isip ko yun, nakaka badtrip e.
Ako nga pala si Donny Pangilinan. 20 years old. It was 2 years ago nung madiagnose ang sakit ko.
Ang mga gamot na iniinom ko ay para maiwasan ang patuloy na paglaki ng puso ko, pinapabagal lang.
Sooner or later, matatapos na ako, sasabog na ang puso ko kaya wala na akong pakealam.
Pinatigil na ako ni mama sa pag- aaral at pinag stay na lang sa bahay which is great because I can chill as long as I want. I cut contact with all of my friends and family.
Actually, I'm doing them a favor. Ayaw kong malungkot pa sila pag nawala na ako.
Madami na akong naging maid bago ang perv na to pero lahat ay sinukuan ako. I even heard one say na hindi nya na kaya ang pagiging masungit ko.
At ngayon nga ay dumating ang Sharlene na to. Kakaiba sya sa lahat, unang- una dahil sya lang ang nakalapit sakin.
Ang lakas ng loob nya na pagsalitaan ako ng ganun. Hindi sya kagaya nung ibang mga maid na kinuha ni mama. Masyado syang pakeelamera.
Nakakinis!
Pag ganito ay kailangan ko muna magpahangin sa labas.
Pumunta muna ako sa balcony ng kwarto ko, hanggang dito lang ako nakakalabas.
Napatingin ako sa pool na parang tinatawag ako para tumalon dun.
I missed the feeling pag lumalangoy.
I was actually an athlete before this happened. I was a champion and the best swimmer. Pero nawala na ang motivation ko para sa bagay na yun.
Napadilat ako nang marinig ko na may naglalakad sa baba.
Nakita ko ang Sharlene na yun na naupo sa gilid ng pool at nilublob ang paa.
Hays. Tingnan mo nga, imbis na maglinis sya ng bahay, ganyan ang ginagawa nya? Pa chill chill lang.
Pinagmasdan ko lang sya habang nakaupo sya dun.
She doesn't look so bad. Palagay ko ay galing sya sa maykaya na pamilya dahil maputi at makinis ang balat nya. Parang hindi sanay sa hirap.
Wait! Ano ba tong iniisip ko?
No! Naiisip ko lang to kasi matagal na din akong hindi nakakita ng ibang babae maliban kina mama at manang.
Papasok na sana ako nang marinig kong sumigaw ang Sharlene na yun.
At paglingon ko ay nakita kong nahulog sya sa pool.
Medyo natawa pa ako dahil para syang ewan na nagkaway- kaway at sumisigaw pa.
Nararapat lang yan sayo.
Pero nagtaka ako kung bakit nasigaw sya ng help. Teka?! Nalulunod sya!
Siguro ay instinct at pumasok na ako sa kwarto ko para lumabas pero napahinto ako sa may pinto.
Halos 2 taon na ang nakakalipas mula nung huli akong lumabas sa kwarto ko.
Narinig kong tumigil na sa pagsigaw si Sharlene at pagtingin ko sa kanya sa balcony ay nakalubog na sya sa pool.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?