SHAR's POV
"Donny! Wala ka ba talagang balak na gumaling?! Kung ganun, hindi mo iniinom ang mga gamot mo?" galit na sabi ni Mam Maricel.
Nasa labas lang ako ng kwarto ni Donny at naririnig ko ang pagsesermon sa kanya.
Nakita kasi ni Mam na tinatapon lang ni Donny ang mga gamot na binibigay sa kanya.
Kaya siguro ayaw nyang magpapasok sa kwarto nya.
"What's the use of that medicines?! Akala ko ba, wala na akong pag- asa na gumaling! Bakit ba pinagpipilitan mo pa?" galit na sagot ni Donny.
Nagulat ako nang lumabas na si Mam at nadaanan nya ako.
"Sharlene, please, pakigamot ang kamay nya." sabi ni Mam at nakita kong pinipigilan nya ang mapaluha.
Pumasok na ako sa kwarto at nakita kong nakaupo dun si Donny na parang inis na inis.
Kinuha ko ang first aid kit na nasa kwarto nya at nilapitan sya.
"Look what have you done with my hand. Tsk." napasimangot nang marinig ko ang pagrereklamo na yun ni Donny.
Pero hindi ko na lang sya pinatulan at sinimulan nang gamutin ang sugat nya.
Kung hindi lang talaga ako nahihiya sa kabaitan ni Mam Maricel, aalis na talaga ako dito e. Malakas kasi talaga ang pakiramdam ko na masama ang ugali ng Donny na to e.
Pagkatapos kong gamutin ang kamay nya ay tumayo na ako at lalabas na sana nang magsalita sya.
"Hindi ka man lang ba magso -sorry?" tanong nya.
"Sorry." masama sa loob na sabi ko nang hindi sya nililingon at lumabas na.
Didiretso na sana ako sa kama ko nang madaanan ko si Mam Maricel sa sala. Halata kong naiyak sya kaya kahit nagdadalawang isip ay nilapitan ko sya.
"Mam, okay ka lang po ba?" tanong ko sa kanya.
Pinahid nya ang luha nya bagong humarap sakin.
"Sharlene, ano? Okay na ba ang kamay ni Donny?" tanong nya.
"Opo. Hindi naman po malaki ang sugat. Pasensya na po talaga sa nangyari." sabi ko na lang.
"No. Wala kang kasalanan. It's my fault." sabi nya nang nakangiti.
Napahikbi ulit sya kaya nacurious na talaga ako.
"Mam, kung hindi naman po nakakahiya, gusto ko lang pong malaman kung ano ang sakit ni Donny? At totoo po ba na wala nang gamot yun?" tanong ko.
Nagsimula na namang tumulo ang mga luha nya.
"My son has an enlarged heart and hindi natigil ang paglaki ng puso nya." sabi ni Mam.
Nagulat ako. Narinig ko na ang sakit na yun pero wala akong idea kung malala ba yun.
Madami pa akong gustong itanong sa kanya pero nahihiya na din ako at ayaw ko nang malungkot pa sya.
"Sige Sharlene. I think, kailangan mo nang magpahinga. Maaga pa ang gising mo bukas." sabi ni Mam kaya tumayo na ako at nagpaalam.
Pumunta na ako sa kwarto ko at nahiga.
Hays. 1st day ko pa lang dito pero pakiramdam ko, ang dami nang nangyari.
Ano pa kaya ang mararanasan ko dito?
Dahil napagod din ako ay nakatulog ako.
Maaga akong nagising dahil 4 am ay kailangang uminom ng gamot ni Donny. Buti na lang talaga at naset ko na ang alarm sa cellphone ko para sa bawat oras ng pag- inom ng gamot ni Donny.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?