Chapter 8. Important.

424 23 1
                                    

Donny's POV

Napadilat ako at parang umiikot ang buong paligid ko. 

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil sobrang sakit nun. 

"Mom!" buong lakas na sigaw ko pero hindi ko alam kung may makakarinig nun.

Hindi ako makahinga! Ang sikip ng dibdib ko.

"Sharlene!" sigaw ko. 

Hindi ko na alam kung may boses pang lumalabas sa bibig ko dahil na wala akong marinig. 

Bago ako mawala ng malay ay nakita ko pa si Sharlene na tumakbo papasok sa kwarto ko. 

Napadilat ako at tumingin sa paligid. 

Nasan ako? Ngayon ko lang nakita ang lugar na to.

Ang nakikita ko ay isang malawak na damuhan na napapalibutan ng mga magagandang bulaklak at mga puno. Malakas ang hangin at makakapal ang mga ulap.

"Donny!" 

Napalingon ako nang marinig ang pamilyar na boses na yun.

"Nasan tayo Shar?" tanong ko sa kanya. 

"Ito yung lugar na sinasabi ko sayo, ang ganda no?" sabi ni Shar habang tumitingin sa paligid.

"Ang ganda nga pero bakit ba tayo nandito?" tanong ko. 

Parang natatawa nya akong tiningnan.

"Ano bang sinasabi mo? E ngayon na ang kasal natin." sabi nya.

KASAL??! Kaming dalawa? Ikakasal?

"Ha? Anong ibig mong sabihin? Pano nangyari to?" tanong ko.

"Nako! Gumising ka na nga Donny!" sabi ni Shar. 

Bigla na naman akong napadilat. 

Pagdilat ko ay nasa ibang lugar na naman ako. Pero parang iba na. 

Alam kong nasa ospital ako dahil sa soot kong hospital gown at sa oxygen mask na nakakakabit sakin. 

Kung ganun, panaginip lang yun kanina? Na ikakasal kami ni Shar? Pero bakit ko naman napanaginipan yun? 

Napalingon ako sa tabi ko at nagulat ako nang makita ko si Shar na natutulog sa tabi ko, nakaupo sya at nakapatong ang mga kamay sa braso nya. 

Hawak- hawak nya din ang kamay ko. 

Panaginip pa rin ba to?

Tiningnan ko lang sya at napansin kong naiyak sya.

"Donny, gumising kana. Manonood pa tayo ng movies. Tuturuan mo pa akong lumagoy." mahinang sabi nya habang natutulog.

Parang kakaiba ang naramdaman ko. Kung ganun, umiiyak sya dahil sakin? Nag- aalala sya sakin? 

"Son! Im glad you're already awake." napatingin ako nang pumasok si mama sa pinto.

"How long was I unconscious?" tanong ko.

"It's been 2 days. Mukhang napagod nga si Sharlene, she's been here for 2 days already." sabi ni mama.

2 days akong walang malay? 

"Magpahinga ka muna. You need it." sabi ni mama at lumabas na ulit para kausapin ang doktor. 

"Donny? Gising ka na?" nakita kong nakatingin na sakin si Shar.

Makikita mo sa mga mata nya na namamaga at parang umiyak sya ng matagal.

"Have you been crying this past 2 days?" tanong ko. 

Pinahid nya ang luha na namumuo sa mga mata nya.

"Hindi no. Bagong gising lang ako. Ano? Okay ka na ba? Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong nya na parang nag- aalala talaga.

Totoo ba to? Concerned ba talaga sya sakin or ginagawa nya lang ang trabaho nya? 

The second thought made me feel hurt at hindi ko alam kung bakit. 

"Okay na ako, hindi mo na ako kailangang iyakan." sabi ko.

"Hindi nga ako umiyak! Ano gutom ka na ba? Gusto mo nang kumain?" tanong nya na may halo pa ring pag- aalala. 

"Hindi na muna. Gusto ko lang malaman kung anong nangyari? Ikaw ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay." tanong ko. 

Napayuko si Shar.

"Nung gabing yun, hindi talaga ako mapakali. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makatulog. Kaya naisipan ko na puntahan ka. Bago ako makapasok sa kwarto mo ay narinig kong tinawag mo ang pangalan ko." sabi ni Shar na napahinto dahil pinahid nya ang luha sa mga mata nya.

It makes me sad to see her like this at hindi ko alam kung bakit.

"Takot na takot ako dahil hindi ka na sumasagot sakin. At nakita kong hindi kana makahinga. Kaya binuhat agad kita at tinawag si Mam. Dinala ka namin sa ospital at dito ka na na confine dahil hindi ka pa rin nagkakamalay, akala ko..."  napaluha na naman sya, "Tinakot mo ako Donny." 

"Sorry. I don't mean it." sagot ko na lang.

"Hindi, alam ko naman na wala kang kasalanan. Nag- alala lang talaga ako sayo." sabi ko na lang. 

"Salamat sa pag- alala sakin Shar." sabi ko habang nakatingin lang sa kanya.

Nakatingin lang sakin si Shar nang mapabaling ang tingin ko sa magkahawak naming kamay.

Biglang namang binitiwan ni Shar ang kamay ko at tumayo.

"Aah, kailangan mo nang kumain. Ano bang gusto mo? Apple or orange?" tanong nya. 

"Kahit ano, okay lang sakin." sagot ko na lang.

Bumalik sya sa tabi ko nang may hawak na sliced fruits. 

"Kain kana." sabi ni Shar at nilapit sakin ang lalagyan.

Habang kumakain at nakatitig lang sakin si Shar.

"Why are you staring at me?" tanong ko.

"Wala. Masaya lang talaga ako na gising ka na." sabi nya.

Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko dahil lang nakatitig sakin si Shar ng ganito.

Pagkatapos kong kumain at nagpahinga na ulit ako. 

Nang magising ako ay wala na sa tabi ko si Shar sa halip ay nakita ko syang nakahiga sa sofa sa kabilang sulok ng kwarto habang natutulog.

Alam kong pagod si Shar at mukhang nilalamig sya.

Dahil medyo na ang pakiramdam ko ay tumayo ako at binitbit ang dextrose tsaka lumapit kay Shar. 

Hinawi ko ang buhok ni Shar na humarang sa mukha nya.

How can she be this pretty? 

Napaatras ako nang marealize kung ano ang naisip ko. Bakit ako nagkakaganito? May nararamdaman na ba ako para kay Shar? 

Kinuha ko ang kumot sa kama ko at kinumutan si Shar. 

"Donny." 

Gulat na napalingon ako at nakita si Mama na nasa may pinto.

"Bakit tumayo kana? Are you feeling okay now?" tanong ni mama.

"Yes mom." sagot ko na lang.

"O sige, if that's the case, pwede ka nang ma discharge. Gusto mo na bang maghanda ngyon?" tanong nya.

Napalingon ako kay Shar na natutulog. Ayaw ko naman na maistorbo ang pagpapahinga nga.

"Two more hours mom. Let's leave after then." sabi ko na lang. 

I can't deny it anymore, importante nga sakin si Shar. 

~~~~~

04/16/18

Importante lang ba Donny? Baka iba na yan aah. 

Thanks readers! Feel free to comment your thoughts. :) 


Finding My Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon