Shar's POV
Nagpalit ako ng pwesto at sinubukang matulog.
Naiinis na bumangon ako.
Hays. Bakit ba hindi ko makatulog?
"Can we be more than friends?"
Paulit- ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Donny.
Nagpanggap na nga lang ako na hindi ko yun narinig dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko nung oras na yun.
Bakit sinabi ni Donny yun? Anong ibig nyang sabihin? Best friends ba?
Dahil hindi ako makatulog ay nagpasya ako na tumayo na muna at uminom ng tubig.
Pagdating ko sa kusina ay may napansin akong lalaki na nakatayo sa may ref at parang hinahanap.
"Donny?" tanong ko at nilapitan sya.
Tumayos sya at naglakad palapit sakin.
Madilim kaya hindi ko maaninag masyado ang taong yung pero nagulat ako nang marealize na hindi si Donny yun.
"Hi pretty!" sabi nung matangkad na lalaking yun at dahil dun ay nakaramdam ako ng takot.
"Aaaaaaaaaaaah!" buong lakas na sigaw ko tapos ay tumakbo ako paakyat sana nang makasalubong ko si Donny na nagmamadali.
"Shar! What happened?" halatang nag- aalala na tanong ni Donny.
"Merong nakapasok na lalaki Donny. Magtago kana sa kwarto mo. Tatawag ako ng tulong." sabi ko.
"No need for that." narinig kong sabi ng hindi ko pa rin kilalang lalaki.
Palapit na samin yung lalaking yun kaya nagpunta ako sa harap ni Donny.
"Wag kang lumapit! Dadaan ka muna sakin bago mo sya magalaw!" sabi ko.
Hindi ko alam kung san nanggagaling ang tapang ko, matangkad ang lalaki na to at wala akong laban sa kanya. Pero ang nasa isip ko lang ngayon ay hindi nya pwedeng masaktan si Donny.
Naramdaman ko na hinawakan nya ang kamay ko.
"Wow! That's very sweet of your pretty." sagot nung lalaking yun.
"Wait. Turs?" napatingin ako kay Donny.
Kilala nya ang matangkad na lalaking yun?
"Hi bro!" sagot naman nung matangkad na yun.
Lumapit si Donny sa kanya at nagyakap sila.
"Long time no see bro." sabi ni Donny.
"Yep. I just came back at ikaw ang una kong pinuntahan." sagot naman nun.
Napatingin sakin yung lalaking yun.
"By the way, who is she? Your girlfriend?" tanong nya.
"No!" magkasabay namin na sagot ni Donny.
"Turs, this is Sharlene. Mom hired her to keep an eye on me. Shar, this is Turs, my best friend." sabi ni Donny.
Bestfriend?
"Hi pretty. Im Turs, sorry kung natakot kita." sabi ni Turs sabay abot ng kamay.
Nahihiya naman na inabot ko ang kamay ko.
"Sorry din. Napagkamalan pa kitang akyat- bahay. Sorry Donny, nagising ka." sabi ko na lang.
"Okay lang yun. Akala ko kung ano na ang nangyari sayo." sabi ni Donny, "I didn't know na willing kang mag- sacrifice just to protect me." dagdag ni Donny at ginulo ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Finding My Happy Ending
FanfictionKaya bang baguhin ng isang pusong nag-mamahal ang pusong bato na sarado na kahit kanino?