"HINDI ka na dapat sumama rito, Lord Primo," iritadong sabi ni Pearl.
"Bakit hindi?" parang nagtatampong tanong naman ng lalaki.
"Humahakot ka ng atensiyon, eh."
"Akala mo lang 'yon. Nagpaka-low profile na kaya ako."
Tiningnan ni Pearl si Primo. Totoo ngang "low profile" ang porma ng lalaki sa simpleng puting T-shirt, kupas na pantalon, at maruming sneakers. He didn't even have his Rolex watch on. Pero ang kaguwapuhan, tangkad, amoy, at magandang pangangatawan ni Primo ay hindi pang-"low profile." He was handsome and sexy as hell and there was an air of elegance about him that revealed that he was as rich as hell as well.
Ang nangyari tuloy, halos lahat ng tao sa supermarket ay napapatingin sa kanila—kay Primo. Lalo na ang kababaihan. Hindi lang dalawang beses napapalingon ang mga babae kay Primo. Ang iba nga, natitigilan pa.
Napailing na lang si Pearl. There was no way Primo could ever pretend to be an ordinary man. Everything about him screamed luxury and elegance.
"Pearl, I admire commoners more now," mayamaya ay sabi ni Primo habang paakyat sila sa hagdan papunta sa appliance center ng supermarket.
May bibilhin kasi siya roon. "Why, my lord?"
"Ang init kasi sa lugar na 'to, pagkatapos ay nagagawa pa nilang magtagal dito habang namimili," anito habang pinupunasan ng panyo ang pawisang noo. "Bakit walang aircon ang supermarket na 'to?"
"Meron, my lord. Hindi mo lang nararamdaman dahil mahina." Rich people.
"Dito ka ba madalas namimili?"
"Kapag may ganitong kalaking sale lang. Bakit?"
"Magdo-donate sana ako ng air-conditioning dito para hindi ka mainitan kapag nandito ka."
Hinampas ni Pearl si Primo sa balikat na ikinatawa lang ng lalaki. "With all due respect, my lord, 'wag ka ngang magtatapon ng pera para sa walang-katuturang bagay."
"Hindi 'yon 'walang-katuturang bagay.' It's for your health."
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Binabalaan kita, Lord Primo."
Tatawa-tawang itinaas lang ng lalaki ang mga kamay. "I get it now, Pearl." Lumagpas ang tingin nito sa kanya. "Uy, ang daming electric fan!" Nilagpasan siya.
Napilitan siyang sundan si Primo. Kunsabagay, stand fan naman ang bibilhin niya. Nasira na kasi ang nasa kuwarto niya. Kapag malamig kasi ang panahon ay hindi na siya nag-e-aircon pero kailangan ay may stand fan siya.
Nang makalapit siya kay Primo ay napansin niyang nakangiti ito habang nakatitig sa batang lalaki na sumisigaw sa tapat ng electric fan. Dahil sa ginagawa ng paslit ay parang nagba-vibrate ang mukha at ang boses ng bata.
"Look at that boy, Pearl," nakangiting sabi ni Primo. "Mukhang nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya."
Naramdaman niya ang pagguhit ng munting ngiti sa kanyang mga labi. "Naaalala kong ginagawa namin 'yan nina Sword noon. Masaya nga 'yan."
Gulat na tiningnan siya ni Primo. "Ginawa mo 'yan noon?"
"Oo. Hindi mo ba ginawa 'yan?"
"Hindi namin ginawa ni Umi 'yan. I need to experience that!" deklara ng lalaki, saka nagmartsa patungo sa pinakamalaking electric fan na nakabukas.
"Lord Primo, ano'ng gagawin mo?" kunot-noong tanong ni Pearl.
Ngumisi lang si Primo bago hinarap ang electric fan. At sa kanyang pagkagulat, sumigaw ang lalaki sa harap niyon katulad ng ginagawa ng bata. Napatingin tuloy ang lahat ng nakarinig sa direksiyon nito. God, he was acting like a child!
Nakakahiya!
Pero habang pinapanood ni Pearl ang ginagawa ni Primo, unti-unting nawala ang kahihiyang nararamdaman niya at napalitan ng kapanatagan. Nakatiklop ang mga tuhod ni Primo upang maitapat ang mukha sa elisi, at nakapatong naman sa mga tuhod ang mga kamay. Natatawa ang lalaki habang sumisigaw at parang hindi alintana kung nililipad na ng hangin ang may-kahabaan nitong buhok. His laughter was very lively, his eyes were sparkling with delight and he looked so laid back. And he still looked so handsome!
Handsome in a stupid way.
Nilingon siya ni Primo. Natuwa yata itong mahuli siyang nakatingin dito kaya ngumisi, sabay kindat.
May bumunggo nang malakas sa dibdib ni Pearl dahil sa ginawa ng lalaki. Hindi niya iyon inaasahan kaya tumalikod siya, saka mabilis na naglakad.
Pearl, ano ba'ng nangyayari sa 'yo?!
"That was fun!" masayang bulalas ni Primo nang umagapay na sa kanyang paglalakad. "Dapat sinabayan mo 'ko."
Tiningnan ni Pearl si Primo at pagsasabihan sanang huwag na uli iyong gagawin pero nang makita niya ang maganda nitong ngiti, mabilis siyang nawala sa sarili. At parang ba gusto na rin niyang mangiti na lang. Marahas niyang ipinilig ang kanyang ulo. "M-my lord..." Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay may narinig siyang anunsiyo. May nagaganap palang contest doon.
"Mga mahal naming mamimili, inaanyayahan namin kayong lumahok sa patimpalak ng aming produkto. Kung sino man ang pinakamaraming makakain ng sili ay siyang magwawagi ng dalawang stand fan at isang rice cooker!" masaya at malakas na anunsiyo ng lalaking may hawak na mikropono.
That announcement suddenly ignited something in Pearl's heart. Lalo na nang makita niya ang kumakapal na tao na maaaring sasali rin sa contest.
Ah, her competitive spirit had been awakened. Inirolyo niya hanggang sa mga siko ang kanyang long-sleeved shirt. "My lord, dito ka lang."
Kunot-noong tiningnan siya ni Primo. "Bakit?"
"Sasali ako sa contest na 'yon. I want the prize," matatag niyang sabi. Pero bago pa siya makalapit sa stall ay hinila na siya sa kuwelyo ni Primo pabalik. Marahas siyang bumaling dito. "Bakit?"
"Let me join the contest for you. Kung may gusto kang makuha, ako ang kukuha n'on para sa 'yo," matatag ding sabi ng lalaki.
"Pero—"
"Let me join that contest in your place. That's an order," nakangising sabi ni Primo dahil alam nitong hindi siya makakatanggi sa utos.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...