HINDI alam ni Pearl kung kukunot ang noo o matatawa sa hitsura nina Primo at Pressman nang maabutan niya ang dalawa sa sala ng mansiyon.
Nakaupo ang mag-ama sa sahig habang nakaharap sa dalawang desk fan na nakapatong sa coffee table. Sumisigaw sina Primo at Pressman sa harap ng electric fan habang may hawak na makukulay na paper windmill sa magkabilang kamay. Mabilis ang ikot ng mga paper windmill dahil sa hangin kaya lumikha iyon ng ilusyon na napakaraming kulay ng mga iyon. Pareho pang naka-Avengers T-shirt ang mag-ama. They looked so adorable!
Tatlong araw na ang lumipas mula nang ma-discharge sa ospital si Pressman. Simpleng "lagnat-laki" lang daw ang nangyari kay Pressman. Mula noon ay mas naging malapit na si Primo sa bata, at mas naging matino na rin. Hindi na nakikipag-date sa kung sino-sinong babae at maaga na ring umuuwi.
Dumako ang tingin ni Primo sa kanya at napangiti. "Nandito ka na pala. Join us." Pagkatapos ay bumaling naman kay Pressman. "Press, Mommy Pearl is here!"
Si Pearl naman ang natigilan. Naramdaman din niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi dahil sa itinawag ni Primo sa kanya. "M-my lord!"
"What?"
Hindi siya nakapagsalita. She was too embarrassed to complain.
Dumako sa kanya ang nag-aalangang tingin ni Pressman. "But Daddy, she's not my Mommy."
"Let it be, Pressman. Ako ang Daddy mo at si Pearl naman ang Mommy mo," paliwanag ni Primo, saka bahagyang itinaas ang ikinuyom na kamay. "Naiintindihan mo ba ako?"
Ginaya ni Pressman ang kamay ni Primo habang parang nag-iisip. "Okay po. Ikaw ang Daddy ko at si Mommy Pearl naman ang mommy ko." Iniumpog ng bata ang kamao sa kamao ni Primo.
"Good boy!"
"My lord! Bakit ako nasama sa family setup n'yo?" Sa wakas ay nakapagsalita na rin nang maayos si Pearl.
"Of course. Kailangan ni Pressman ng ina, at ikaw lang ang naiisip kong babae na nararapat sa titulong 'yon..." His voice suddenly trailed off, as if he was only hearing himself now. Na parang ba hindi inasahang masasabi nito ang mga salitang iyon.
Ramdam na ramdam ni Pearl ang labis na pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Hindi rin siya makatingin nang deretso kay Primo habang ang puso niya, napakalakas at napakabilis ng tibok. Parang gusto na rin niyang kumaripas ng takbo pero nanginginig naman ang kanyang mga tuhod.
A-ano'ng ibig niyang sabihin do'n? Gusto niya 'kong maging ina ng anak niya? Pero bakit ako?
An awkward silence ensued. Ang sumunod na lang na ingay na narinig ay ang pag-vibrate ng boses ni Pressman habang sumisigaw sa harap ng electric fan.
"Hello, Kuya! Hello, Pearl!"
Sabay silang napalingon ni Primo sa pintuan kung saan kapapasok lang ng nakangiting si Umi. May dalang plastic bag.
"Umi, akala ko ba hindi ka uuwi hangga't hindi pa lumalabas ang resulta ng... you know," nakataas ang kilay na sabi ni Primo na ang tinutukoy ay ang DNA test na marahil ay hindi binanggit ng lalaki upang hindi marinig ni Pressman.
Niyakap ni Umi si Primo mula sa likuran. "I'm sorry na, Kuya. Nabigla lang naman ako kaya ko nasabi 'yon. Pamangkin ko si Pressman, at gusto ko ring mapalapit sa kanya." Humalik ang babae sa pisngi ng kapatid. "Bati na tayo, ha?"
Ngumiti si Primo. "Matitiis ba naman kita?" Saka bumaling kay Pressman. "Press, this is your Tita Umi. She's daddy's only sister."
Pressman smiled brightly. "Hello, Tita Umi!"
Kinurot ni Umi sa magkabilang pisngi ang bata. "Aw... How cute! Come with Tita. May dala akong ice cream. Do you like ice cream?"
"Opo!" masiglang sagot ni Pressman.
Tumayo na ang mag-tita at magkahawak-kamay na nagtungo sa kusina.
Namayani na naman ang nakabibinging katahimikan sa pagitan nina Pearl at Primo. Maging si Pearl ay hindi pa nakaka-get over sa sinabi ni Primo kanina.
Tumikhim si Primo. "Maupo ka nga rito, Pearl."
Tumalima siya. Umupo siya sa couch malapit sa lalaki. "My lord..."
Nag-iwas ito ng tingin. "Ang ibig ko lang namang sabihin kanina ay... ay... gusto kong magkaroon ng ituturing na ina si Pressman habang hindi pa natin nakikita ang kanyang ina dahil ayokong mangulila siya sa pag-aalaga ng isang ina. And you seem to be the best choice since you're closest to him and he's comfortable with you. That's all."
Hindi alam ni Pearl kung bakit pero parang nadismaya siya dahil sa mga sinabi ni Primo. Gusto lang pala ni Primo na maging mabuti siya kay Pressman dahil kailangan ng bata ng lahat ng kalingang maibibigay nila para hindi mangulila si Pressman sa ina. Gayunman, itinulak niya sa pinakasulok ng kanyang puso ang negatibong damdamin. "Naiintindihan ko, Lord Primo."
Tumango-tango ang lalaki, na akmang may sasabihin pa pero tumunog ang cordless phone na nasa malapit lang. Sinagot nito ang tawag. "Primo Velaroso speaking." Bumakas ang pagkabigla sa mukha ng lalaki. "Pressman's school?"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...