Partee-Partee Club
"GIVE me another shot, Alaude!"
"Lord Primo, marami ka nang nainom."
Tinapunan ni Primo ng masamang tingin si Alaude na nasa tabi niya. "I don't care! Just give me another shot, dammit!"
Kumunot ang noo ni Alaude. "Lord Primo, kung gusto mong magkalat, lumipat ka ng bar. 'Wag dito sa Partee-Partee."
Ngumisi siya nang mapait. "Ah. My position as the lord is being ignored again, huh? Mula no'ng mga bata tayo, 'Lord Primo' na ang tawag n'yo sa 'kin. Pero madalas naman, binabastos at binabale-wala n'yo lang ako. Samantalang kapag ang gunggong na si Crey naman, halos sambahin n'yo na. Bakit? Is it because he's a better man than I am?"
"How dare you say that, Kuya?" galit na tanong ni Umi na sumulpot mula sa likuran ni Alaude. "Kailan pa nagkaroon ng posisyon sa 'ting magkakaibigan? And have you forgotten why you are our lord?"
Hindi na nakaimik si Primo. Bukod sa ayaw niyang makaaway ang kapatid, magulo rin ang isip niya. Isama pa ang matinding kirot sa kanyang puso. He didn't care about the world anymore. He just wanted to get drunk because that was the only way he could escape the pain of losing Pressman and Pearl. Forever.
Humikbi si Umi. "Talaga palang nakalimutan mo na?"
Niyakap ni Alaude si Umi. "Hush, baby."
"I will make Luna Ville a happy place to live in," malungkot na sabi ni Melou.
"I will make every Luna baby happy," naiiling na sabi ni Melvin.
"LV is our home," ani Stein.
"So I will protect it," dugtong ni Genna.
"Because I want all of us to smile," pagtatapos ni Sley.
Natigilan si Primo. Pamilyar sa kanya ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya, lalong may kumurot sa kanyang puso.
"Sa 'yo galing ang mga salitang 'yon, Lord Primo, noong mga bata pa tayo. And after hearing you say those words, tinawag ka na naming 'Lord Primo,' dahil gano'n kataas ang respeto namin sa 'yo. How dare you doubt the love and respect we have for you?"
Nalingunan ni Primo si Charly, kasama si Crey. Napayuko siya sa baso ng alak. He suddenly felt ashamed of himself. "Alam ko."
"Ipinangako mo sa 'min 'yon, ugok ka," pabalang na sabi naman ni Crey. "You're the reason why we love Luna Ville. How dare you act like you want to throw away everything now, you asshole!"
Marahas na nilingon ni Primo si Crey. Pakiramdam niya, para siyang bulkang sumabog. "Ano'ng alam mo sa sakit na nararamdaman ko ngayon? First, I lost Pressman. Minahal ko ang batang 'yon pero binawi rin siya sa 'kin. And now, Pearl. Nang dahil sa 'kin, muntik na siyang mamatay! I'd rather see her build a happy family with another man than see her lying in a fucking coffin because of me!"
"Kaya hahayaan mo kaming nagmamahal sa 'yo—" Umiling si Crey. "Ang ibig kong sabihin, hahayaan mong sila na nagmamahal sa 'yo na masaktan dahil nakikita ka nilang miserable? Look, you're making the girls cry."
Natigilan si Primo at tumingin sa mga kaibigan. Totoo ngang umiiyak sina Umi, Melou, Genna, at maging si Charly na madalas ay walang emosyon. Sinuntok siya ng konsiyensiya. Pakiramdam niya, binuhusan siya ng malamig na tubig. Everyone was unhappy because of his misery. Inihilamos niya ang mga kamay sa mukha. "I'm sorry if I made you worry. I really am. Tahan na." Tumayo siya at niyakap ang kanyang kapatid at hinalikan sa noo. Ganoon din ang ginawa niya kina Genna, Melou, at Charly. Nakipag-untog-kamao naman siya kina Alaude, Sley, Stein, at Melvin. He gave Crey a friendly middle finger.
"Screw you, dumbass," sagot ni Crey.
Noon na natawa ang mga kaibigan niya.
Primo somehow felt light after hearing his friends' laughter. Napagaan ng mga kaibigan ang loob niya at luminaw na rin ang kanyang isip. "Babawiin ko si Pearl sa angkan niya," deklara niya. "Hindi ang simpleng sumpa ang makakapaghiwalay sa amin."
"'Glad we finally come to our senses," sabi ni Crey, saka ipinaikot ang mga mata. "May plano ka na ba?"
Nag-isip si Primo, pagkatapos ay inilabas mula sa bulsa ng pantalon ang kopya ng sulat ng Amable na ibinigay sa kanya ng ama ni Pearl. Pinakatitigan niya ang sulat, saka kumunot ang noo. "These dots are bothering me." Inilapag niya sa bar ang sulat, pagkatapos ay pinagkumpulan nilang magkakaibigan. "May pakiramdam ako na nangangahulugan 'yan na hindi pa tapos ang sinasabi sa sulat."
"Pero wala namang second page ang sulat at sobrang iksi ng mensahe para magkaroon pa ng part two," kunot-noong sabi ni Charly.
"Exactly," sagot ni Primo. "Masyadong maiksi ang mensahe na 'to. At tandaan nating nang mga panahong isinulat ito, galit na galit ang pamilya Amable sa pamilya Velaroso. Hindi nila hahayaang mapadali ng angkan namin ang pagputol sa sumpa."
"We have to find the other part of the letter," sabay-sabay na sabi ng mga kaibigan niya.
Napangiti si Primo. They were all on the same wavelength. "Tama. Hindi ako naniniwalang dito nagtatapos ang sulat na 'to." Isa-isa niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang mga kaibigan. "Sumama kayo sa 'kin. May lugar tayong pupuntahan. I have a strange feeling about that place."
Sumaludo sa kanya ang mga kasama. "Aye, aye, Lord Primo!"
Wait for me, Pearl. Patutunayan kong walang sumpang makapaghihiwalay sa atin.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Roman d'amour"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...