PAKIRAMDAM ni Primo ay dinudurog ang kanyang puso nang mga sandaling iyon. It was already time to say good-bye to Pressman. Kung noon siguro ito nangyari, baka nagtatatalon na siya sa tuwa. Pero labis siyang napamahal sa bata na nahihirapan siyang pakawalan. But he wasn't his, and he needed to be with his mother more.
Humikbi si Pressman. "Daddy, will I see you again?"
Pinigilan ni Primo ang maiyak. Lumuhod siya at hinawakan ang bata sa magkabilang balikat. "Of course. We're going to see each other again. Hindi naman kita matitiis, eh."
"Malayo ba ang Palawan, Daddy?"
Nakangiting umiling si Primo. "Hindi. Mayaman ang daddy mo kaya makasisiguro kang magkikita at magkikita pa uli tayo."
Biglang nalungkot ang mukha ng bata. "Pero hindi ikaw ang totoo kong daddy. Is it still okay if I call you 'Daddy'?"
Matalino si Pressman kaya kahit sa murang edad ay naipagtapat nila sa bata ang katotohanan. Iyon kasi ang tanging paraan upang maliwanagan si Pressman kung bakit kailangan nitong umalis sa poder niya. Umiyak ang bata, pero sa huli ay natanggap din ang katotohanan.
Primo gently cupped the child's face. "Pressman, kahit hindi tayo magkadugo, anak pa rin ang turing ko sa 'yo. I will always be your daddy, and you will always be my baby."
Humikbi ang bata, kahit pa nakikita naman niya sa mukha na pinipigilan na lang nitong maiyak nang tuluyan. "Salamat po, Daddy. Mami-miss kita."
Sumakit ang lalamunan ni Primo sa pagpipigil umiyak. "I will miss you, too, my boy."
Tumikhim si Leandra na mangilid-ngilid na rin ang mga luha. "Pressman, baby, it's time for us to go. Baka ma-late tayo sa flight natin."
Tumango si Pressman. "Opo, Mommy."
Tumayo na si Primo. "Good-bye, Pressman." Tiningnan niya si Leandra. "Ingatan mo siya. Minahal ko na rin ang batang 'yan."
"Oo naman, Lord Primo," nakangiting sagot ni Leandra, pagkatapos ay kinarga na si Pressman. "Salamat sa lahat ng naitulong mo sa 'min. Paalam na."
Tumango si Primo. "Good-bye."
Pressman waved his hand. "Bye-bye, Daddy."
Nakangiting tumango na lang si Primo. Sumakay na ang mag-ina sa kotse na maghahatid sa airport. Siya naman ay tumalikod na dahil hindi niya kayang makitang umalis si Pressman. Naroon sa tapat ng kanyang bahay ang lahat ng mga kaibigan niya, at si Pearl. They were all sad, like he was.
"Daddy!"
Mabilis na nilingon ni Primo si Pressman. Nang makita niyang tumatakbo ang bata papunta sa kanya ay hindi na niya napigilan ang sarili na salubungin ito, pagkatapos ay kinarga niya at niyakap nang mahigpit. "I love you, baby."
Tuluyan nang umiyak si Pressman. "I love you, Daddy!"
Ilang sandali pa silang nanatili sa ganoong posisyon. Hindi na napigilan ni Primo ang pagpatak ng mga luha. Minahal niya si Pressman, at kahit nalaman niyang hindi niya tunay na anak ang bata ay mamahalin pa rin niya ito. The child had taught him so many things. Like Pearl, he had taught him how to become a better person. He now had a happy family because of him.
And I've realized that any fool can be a father, but only real men can be cool daddies.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...