"ARE YOU my daddy?" tanong ni Pressman habang nakatayo sa harap ni Primo.
Prenteng nakade-kuwatro si Primo, nakapangalumbaba sa armrest habang idinidiin ang ice pack sa noong nagkabukol nang himatayin ito sa labis na pagkagulat kanina. The child was looking at him with big, puppy dog eyes.
Cute!
Pinigilan ni Pearl ang mangiti. Ang cute-cute talaga ni Pressman. Bata pa lang pero guwapo na. Matataba ang pisngi na mamula-mula. Meztiso rin gaya ni Primo.
"No," walang kaemo-emosyong sagot ni Primo.
Humikbi agad si Pressman at ilang sandali lang ay umiyak na nang malakas.
Pati si Primo ay napasigaw sa gulat. "Patahanin n'yo ang batang 'to!" Walang pumansin sa pagsigaw. Bumuga ito ng hangin. "Boy, what do you want?" he snapped at the child.
"Ikaw ang daddy ko!" paiyak na giit ng bata. "'Pinakita ni Mommy sa 'kin picture mo! She says you're my daddy!"
Natigilan si Pearl. Kung si Primo nga ang itinuturo ng ina ng bata na ama ni Pressman, ngunit sa loob ng limang taon ay hindi nanggulo ang babae, hindi pera ang habol nito. Maaaring totoong anak ni Primo ang bata.
"Fine! Fine! I'm your daddy! Will you please stop crying now?" natatarantang wika ni Primo.
Biglang huminto sa pag-iyak si Pressman. Umakyat sa couch, kumandong kay Primo, at ipinulupot ang mga braso sa leeg ng binata. "Daddy!"
Primo groaned. "I'm too young to be a father." Saka bumaling kay Pearl. "Saan mo napulot ang batang 'to?"
"Nang dumating ako rito sa Luna Ville, muntik ko nang masagasaan ang bata nang bigla na lang siyang tumawid para harangin ang kotse ko. Nang babain ko siya, tinanong agad niya ako kung papasok ako sa Luna Ville. And when I asked him why, he said he was looking for his father... Primo Mikaelo Velaroso."
Sa totoo lang, nang marinig kanina ni Pearl ang sinabi ng bata na si Primo ang ama nito, talagang nagulat siya at inisip na baka may naghahabol lang sa pera ni Primo. Pero nakapagtatakang hindi humarap ang ina ng bata na nagsasabing naanakan ni Primo.
Alam niyang hindi iyon ordinaryong kaso sa paghahabol sa kayamanan ni Primo kaya kanina pa lang ay itinawag na niya kay Sword ang paghahanap sa nanay ng bata.
Mariing napapikit si Primo. "That can't be..."
"Isinama ko na siya rito dahil kung dinala ko siya sa police station, tiyak na tatanungin lang siya ng mga pulis kung sino'ng mga magulang niya. At kapag itinuro ka niya, Lord Primo, hindi malayong makarating agad ito sa media at masangkot ka sa eskandalo," mahabang paliwanag ni Pearl.
Nanatiling nakapikit si Primo na parang kinakalma ang sarili.
"Good job, Ate Pearl," wika ni Umi, saka siya binigyan ng matipid na ngiti. "Hindi puwedeng masangkot sa eskandalo si Kuya. Salamat."
Tumango si Pearl. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Lady Umi. Hindi ko rin naman kayang iwan si Pressman nang nag-iisa sa labas ng village."
"Pressman? Is that the child's name?" walang-emosyong tanong ni Charly.
"Yes, Lady Charly. The child is five years old now. Ang buong pangalan niya ay Pressman Michael... Velaroso."
Dumilat si Primo at gulat na napatingin kay Pearl. "What? That boy is using my surname?!"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...