10th Chapter: Shame and Honor

3.2K 144 4
                                    

NAKAYUKYOK lang si Pearl sa worktable sa kanyang kuwarto. She was disappointed in herself because of what happened the other day. Nagkaroon ng malaking hiwa sa ulo ni Primo na kinailangang tahiin. Okay naman na daw ang lalaki pero hindi pa niya ito pinupuntahan sa ospital.

Nahihiya siyang magpakita kay Primo. He had been hurt while he was with her. At ang pinakamasaklap pa, nasaktan ang lalaki dahil sa pagprotekta sa kanya. Naglahong parang bula ang dignidad niya bilang isang bodyguard. Nag-iisip na rin siyang mag-resign sa trabaho.

Sa apat na henerasyong lumipas, ngayon lang may nasaktang Velaroso sa pangangalaga ng isang Hermosa. Tiyak na ikinahihiya na rin siya ng kanyang angkan.

I want to die!

At noon bumalik sa isip ni Pearl ang galit na galit na mga mata ng babaeng nakaitim. What she saw in that woman's eyes wasn't just anger, but pure hatred.

If I can't have you, nobody will, Primo.

Nag-angat siya ng ulo nang maalala ang mga salitang iyon mula sa sulat na binansagan na niyang "death threat." "Posible kayang siya ang babaeng nagpapadala ng sulat kay Lord Primo?" Natigilan lang siya sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto. "Pasok."

Sumilip ang nakangiting mukha ng pinsan niyang si Knife. Naroon ito sa bahay niya para daw "aliwin" siya dahil buhat kahapon ay depressed siya. Wala naman itong ibang ginawa kundi manood ng anime na hindi naman niya maintindihan.

"Hello, Ate PJ!" Pagpasok ni Knife ay saka lang niya napansing may dala pala itong malaking kahon.

"Ano 'yan?" kunot-noong tanong niya.

Inilapag nito ang kahon sa kama. "Delivery, galing kay Lord Primo."

Napasinghap siya. "K-kay Lord Primo?"

Tumango lang si Knife.

Tumayo si Pearl at umupo sa gilid ng kama. Binuksan niya ang kahon at tumambad sa kanya ang pamilyar na damit—itim na blazer, puting blouse, pulang necktie, gray na skirt. "Armstrong Academy's girls' uniform?"

***

"PARA saan 'to, Lord Primo?" nagtatakang tanong ni Pearl nang abutan siya ni Primo ng isang puting bond paper.

Ngumiti lang si Primo at hinawakan siya sa magkabilang balikat, saka pinihit paharap sa mga kaibigan nito. Nasa track oval na sila ng Armstrong Academy. May improvised stage na naroon. At present din ang lahat ng matatalik na kaibigan ni Primo na tulad nila ay nakasuot din ng uniporme.

Umi, Alaude, Genna, Melvin, Melou, Stein, and Sley were all smiling at her. Charly was missing.

Marahan siyang itinulak ni Primo papunta sa mga kaibigan nito. "This is all for you."

Nagtaka si Pearl nang lumapit sa kanya ang magkasintahang Umi at Alaude na magkahawak-kamay pa at parehong nakangiti, na bihirang mangyari dahil parehong masungit ang dalawa. "Yes, Lady Umi, Master Alaude?"

"Pearl, gusto kong magpasalamat sa 'yo dahil ikaw ang naghanap at nagdala sa amin kay Zagg pagkatapos niyang tangkaing dukutin si Umi," nakangiting sabi ni Alaude, saka marahang tinapik ang kanyang ulo. "Thank you for helping us."

"At dahil diyan, bibigyan ka namin ng one hundred points. Ipakita mo sa 'kin ang papel na 'yan," nakangiting sabi naman ni Umi.

Nagtataka man ay sumunod pa rin si Pearl. Inilahad niya sa harap ng magkasintahan ang hawak niyang puti at blangkong papel. Nagulat siya nang tatakan iyon ni Umi ng stamp. Hugis-tainga ng mga kuneho ang pulang stamp at sa mukha niyon ay may nakasulat na "100." "Para saan 'to?" naguguluhang tanong niya.

Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon