MABILIS ang lakad ni Pearl pabalik sa loob ng Red Lux Mall kahit wala siyang suot na mga sapatos. Gigil na gigil siya kay Primo nang mga oras na iyon at baka masakal pa niya kung hindi siya aalis doon. Napakapakialamerong lalaki! Pati ang sapatos na hiniram lang niya ay nadisgrasya pa!
"Pearl, wait!" Hinawakan siya ni Primo sa braso at marahang pinihit paharap. "I'm sorry. I really am. Hindi ko sinasadyang itapon sa water fountain ang mga sapatos mo."
"Hindi sa 'kin ang mga sapatos na 'yon," pagtatama niya. "Hiniram ko lang, Lord Primo! Pero dahil sa pangingialam mo, nadisgrasya ang mga 'yon!"
His face softened and his eyes showed nothing but apology. "I'm sorry. Papalitan ko na lang ang sapatos na 'yon, with the exact design and brand." Nilingon ni Primo si Melou na nakasunod lang. "Melou, alam mo ba kung anong brand ang sapatos na 'yon?"
Ngumiti si Melou. "Yes, my lord. Ako na rin ang bahalang kumuha n'on. Asikasuhin mo na lang muna si Pearl."
"Are you sure?"
"Yes. Parating naman na ang kakambal ko."
And as if on cue, dumating na nga ang humahangos na si Stein, mukhang handa nang sermunan ang kapatid pero tinakpan lang ni Melou ang bibig ni Stein at saka kinaladkad palayo. Leaving Pearl alone with Primo.
"Bitawan mo ako, Lord Primo," nanggigigil pa ring sabi ni Pearl.
Tumalima si Primo. "All right." Hinubad ng lalaki ang sariling sapatos, saka nag-squat sa harap niya. "Put my shoes on for the meantime, hanggang sa makapunta tayo sa shoe store." He looked up at her with puppy dog eyes. "Please?"
Natahimik ang kalooban ni Pearl. Sapat na ang nakikita niyang pagsisisi sa mga mata ni Primo upang humupa ang kanyang galit. Sinimangutan niya si Primo pero isinuot pa rin niya ang mga sapatos nito. Ah, his shoes were warm and comfortable. Kanina pa kasi nanlalamig ang mga paa niya dahil sa malamig na sahig ng mall. "Paano ka, my lord?"
Nakangiting tumayo ang lalaki. "Nah, don't worry about me, I'm fine." Bumaba ang tingin nito sa sariling mga paa na nakabalot naman ng itim na medyas. Iginalaw-galaw pa ang mga daliri sa paa. "I kinda feel comfortable."
She didn't know why but seeing him smile like that made her feel calm. Tuluyan na ngang nawala ang init ng ulo niya. "Tara na, Lord Primo. Ibibili mo pa 'ko ng bagong sapatos."
Ngumisi ito. "Good girl."
Umirap lang siya, saka siya nagpatiuna sa paglalakad.
"Pearl, there's a shoe store over there," sabi ni Primo nang umagapay sa paglalakad niya.
"Masyadong mahal ang mga sapatos do'n. Sa department store mo na lang ako ibili."
"You're asking me, the owner of the biggest land development and real estate company in this country, to buy you a pair of shoes from a department store?" hindi makapaniwalang tanong ng lalaki.
"'Yon lang ang tatanggapin ko mula sa 'yo, my lord."
"You're bad for my ego, Pearl."
Hindi na siya umimik pa. Sanay na siya sa kayabangan ni Primo pero kahit ganoon ang ugali nito, alam naman niyang mabuti pa rin itong tao. Pasimple siyang tumingin pababa sa mga sapatos ni Primo na suot niya, pagkatapos ay sa nakamedyas nitong mga paa.
Sinong mag-iisip na ang presidente ng isang malaking kompanya ay maglalakad nang nakamedyas lang sa loob ng isang malaking mall?
Pasimple naman siyang tumingin sa paligid. Humahakot na sila ng atensiyon. People were giving them strange looks.
"Pearl, pinapatawad mo na ba ako?" malambing na tanong ni Primo na animo isang bata.
Tiningnan niya ang lalaki. Pinaawa naman nito nang husto ang mukha. Siyempre, kahit alam niyang pinepeke lang nito iyon, natunaw pa rin ang kanyang puso. "Sa susunod na ulitin mo pa 'yong ginawa mo, hindi na talaga kita patatawarin."
Nakangiting sumaludo si Primo. "Yes, Ma'am!"
Kung hindi lang napigilan ni Pearl ang sarili, baka napangiti na siya. And she hated smiling at him. Nilalandi kasi siya ni Primo kapag ngumingiti siya. At ayaw niyang ginaganoon siya nito.
Pagdating nila sa department store ay agad silang dumeretso sa shoe area.
"Ako na ang maghahanap ng sapatos para sa 'yo. Maupo ka muna," nakangiting sabi ni Primo.
"May gagawin kang kalokohan, 'no?" nagdududang tanong ni Pearl.
"Wala, 'no," pagkakaila ng lalaki, hinawakan siya sa magkabilang balikat at saka marahang itinulak papunta sa nagkalat na plastic bench na may pahabang salamin sa harap. "Wait for me."
Umupo na lang siya. Nagulat na lang siya nang ipatong ni Primo sa mga balikat niya ang jacket na suot nito kanina. Bago pa siya makapagreklamo ay ngingisi-ngisi nang umalis ang lalaki. Mahirap makipagtalo sa isang tulad ni Primo.
Habang naghihintay ay hindi maiwasang mapatitig ni Pearl sa mga sapatos ni Primo. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang ang isang bigating taong tulad ni Primo ay palakad-lakad ngayon sa mall na nakamedyas lang. And it was all for her sake, kahit pa sabihing kasalanan naman nito kung bakit siya nawalan ng sapatos.
Ayaw man niyang aminin sa sarili, may mainit na bagay na bumalot sa kanyang puso. Primo may act like a fool, but he was still a gentleman.
"Look at that woman. How embarrassing to be seen with her."
Natigilan si Pearl sa pagmumuni-muni nang marinig ang sinabing iyon ng isang babaeng malapit sa kanya. Ang babae at ang mga kasama nito ay sa kanya nakatingin kaya malang sa malang ay siya ang pinariringgan.
"She looks like a prostitute."
Natigilan si Pearl. Ganoon ba ang hitsura niya? At kung totoo ngang nakakahiya siyang makasama dahil sa kanyang hitsura, bakit hindi pa rin siya iniwan ni Primo? Bakit mukha pa ring komportable ang lalaki kasama siya?
Pasimple siyang humawak sa dibdib. Her heart was suddenly beating rapidly. Bigla niyang nakalimutan ang pang-iinsulto ng mga babaeng iyon, kahit ang totoo ay bahagyang nasaktan ang kanyang damdamin.
Eh, kasi naman, wala na siyang ibang naiisip kundi ang ginawa ni Primo para sa kanya. It somehow melted her heart.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...