Final Chapter: Because Pearl Chooses Primo

3.8K 208 13
                                    

Luna Ville Haunted Mansion

NAKANGITI si Pearl habang pinapanood si Primo na wala pa ring humpay sa paghikbi. Nakaupo siya sa mahabang sofa habang nakaunan naman ang lalaki sa kanyang mga hita. Kaaalis lang nina Pressman at ng ina na si Leandra.

Nakapatong ang braso ni Primo sa mga mata pero base sa pagtaas-baba ng dibdib ay alam niyang umiiyak ang lalaki. Naroon sila sa Haunted Mansion para hindi tuksuhin ng mga kaibigan ang kanyang boyfriend dahil sa pag-iyak.

Pero para kay Pearl, hindi nakabawas sa pagkalalaki ni Primo ang pag-iyak. Masaya pa nga siya at ipinapakita sa kanya ng lalaki ang kahinaan nito nang mga sandaling iyon. "Primo, tahan na," alo niya habang isinusuklay ang mga daliri sa buhok ng kanyang boyfriend.

Inalis ni Primo ang braso sa mga mata. "I will miss him."

Napangiti si Pearl. Namumula ang mga mata ng lalaki. She gently touched his face. "Alam mo, Primo, kahit ikaw 'tong takot na takot magkapamilya noon, ikaw naman ang nakikita kong magiging mabuting ama sa inyong magkakaibigan."

Nanatiling nakatitig sa kanya si Primo, pagkatapos ay nangislap ang mga mata at biglang bumangon. "Ah! Muntik ko nang makalimutan!" Binigyan siya ng isa pang mabilis pero malalim na halik sa mga labi bago tumayo, saka siya inalalayang tumayo. "All right. Pero bago 'yon, may itatanong muna ako sa 'yo."

"Ano 'yon?" tanong ni Pearl habang inaayos ang nalukot na kuwelyo ng blouse niya. Sa kanyang pagkagulat ay bigla na lang lumuhod sa harap niya si Primo, may hawak na kahita na naglalaman ng isang singsing. A diamond ring. An obviously expensive one. Napaamaang na lang siya dahil alam na niya kung ano ang nangyayari. "P-Primo..."

Ngumisi si Primo. "Pearl, to be honest, hindi man naging masaya ang buhay-pamilya ng mga naunang henerasyon sa 'kin, masaya pa rin ako dahil ang sumpang iginawad ng pamilya Amable sa pamilya Velaroso ang dahilan kung bakit nagkaroon ng bigkis ang mga angkan natin. At dahil do'n ay nakilala kita. I couldn't help but think you were really born not just to end the curse of my family, but to love me. And, I was born to make you mine, to protect you and to spend my life loving you. Let's end the curse together. Hindi ako natatakot magaya sa mga naunang henerasyon sa 'kin dahil malaki ang tiwala ko sa pagmamahalan natin. Alam kong magkakasama tayo habambuhay, at magkakaroon tayo ng buo at masayang pamilya. Pearl Joy Hermosa, will you marry me?"

Napahikbi si Pearl, saka sunod-sunod na tumango. "Yes, I will marry you, Primo Mikaelo Velaroso. Ituloy na natin ang sumpaan na magbibigkis sa mga pamilya natin sa altar."

Natawa ang lalaki. He stood up and slid the ring on her finger. Then he grabbed her waist, pulled her close and looked into her eyes. Biting his lip, he looked down at her mouth, then looked into her eyes again, gently touching her face, he closed his eyes and slowly leaned in to kiss her.

"Oops. Sorry!"

"Damn!" Marahas na nilingon ni Primo ang dumating na istorbo. "Melvin?!"

Nagkibit-balikat si Melvin. "Gusto ko lang sanang personal na humingi ng tawad sa 'yo, Lord Primo. I thought I should do it without our friends present dahil ayokong mag-react sila nang bayolente." Dumako ang tingin ni Melvin sa kanya. "Okay lang siguro na nandito si Pearl."

Bumuga ng hangin si Primo pero hindi tuluyang lumayo sa kanya dahil ipinulupot nito ang braso sa baywang niya pagkaharap nila kay Melvin. "Ano ba'ng sasabihin mo sa 'kin?"

Sa kanilang pagkagulat ay lumuhod si Melvin sa harap nila. Nakapatong ang mga kamay sa mga tuhod at nakayuko pa. "Lord Primo, humihingi ako ng tawad sa ginawa ni Seigo sa 'yo. Alam kong sa pagkakataong ito ay napakalaki na ng kasalanan niya dahil pinaglaruan niya ang damdamin mo. I saw how hurt you were when Pressman left. And I feel guilty."

Primo sighed again. "Melvin, hindi ka dapat humihingi ng tawad sa 'kin dahil wala ka namang kasalanan sa 'kin. It wasn't your fault."

Nag-angat ng tingin si Melvin kay Primo. "Alam ko. Pero kuya ko pa rin si Seigo."

Naramdaman ni Pearl ang paghigpit ng pagkakayakap ni Primo sa kanya. She hugged him back. Alam niyang masakit para kay Primo at sa mga kaibigan nito ang katotohanan na sina Melvin at Seigo—na mortal na kaaway ng magkakaibigan—ay magkapatid.

And if there was a curse on Luna Ville, it was probably Seigo—the scheming beast.

Ah. Compared to that jerk, the Velaroso curse was more beautiful, for it brought Primo and me together for the rest of our lives.

•••WAKAS•••

***

[NEXT BOOK WILL BE POSTED SOON. PLEASE WATCH OUT FOR LUNA VILLE SERIES 5: LUCKY GOLDEN ARTEMIS. THANK YOU FOR READING BEAUTIFUL VELAROSO CURSE. ^_^]

PS: If you liked the story, please don't forget to vote and share this to your friends. Hehe. Mahaba-habang biyahe pa ito dahil 7 books in total ang Luna Ville Series. Please make sure na naka-follow kayo sa'kin at kung okay lang, puwede rin niyong i-add ang Luna Ville sa library niyo para lagi kayong updated. Thank you. :)

Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon