"PRIMO..."
Umungol si Primo nang marinig ang pagtawag sa kanyang pangalan. He felt so tired that even opening his eyes seemed difficult.
"Primo Mikaelo Velaroso..."
Tinakpan niya ang mga tainga nang marinig nang malinaw ang boses. "Dammit! I don't want to be woken up by a man!"
"Aba, lintik na bata ito! Mamamatay na lang, babaero pa rin!"
Agad siyang dumilat dahil sa sinabi ng nagsalita. "Mamamatay? Sino'ng mamamatay?!"
Natigilan si Primo nang mapagtanto kung nasaan siya—nasa Haunted Mansion, sa harap ng painting ng kanyang ninuno. Pero wala roon ang matandang lalaki. Only Pearla's portrait was left. Doon pa lang ay batid na niyang kung hindi man siya nananaginip, nasa ibang dimensiyon siya. Wala siyang naramdamang takot o pagkataranta. He somehow felt safe.
"Nandito ako, apo."
Pumihit si Primo paharap sa pinanggalingan ng boses. Nagulat siya nang tumambad sa kanya ang kanyang ninunong si Lolo Primitivo. "Lolo...?"
His ancestor looked old yet dignified. Deretso ang pagkakatayo habang nakapatong ang mga kamay sa hawak na tungkod. "Ako nga. Ang dugo ko ang nananalaytay sa katawan mo kaya ganyan ka kakisig."
Natawa siya. "I know, right? May lahi tayong meztiso kaya ganito tayo kaguwapo, Lolo."
"Kung gano'n, bakit hanggang ngayon ay wala ka pa ring kasintahan?"
"Next question, please." Iniamba sa kanya ng matanda ang hawak na tungkod. Itinaas niya ang mga kamay tanda ng pagsuko. "Joke lang, Lolo." Napakamot siya sa ulo. "Lolo naman, masaya ako sa buhay-lalaki."
Bumuntong-hininga ang matanda. "Natatakot ka ba sa sumpa ng pamilya natin? Every firstborn son in our family is cursed to lead an unfortunate family life—all thanks to those Amables."
Natawa nang marahan si Primo. "Lolo, hindi ako naniniwala sa sumpa. I've chosen to become a bachelor for the rest of my life. Hindi sasapat ang kaguwapuhan at kadakilaan ko sa iisang babae lang."
"Ipokrito! I know you know that you're lying. Kaysa kung ano-anong walang-katuturang bagay ang pinagsasasabi mo sa harap ko, hanapin mo na lang ang bagay na puputol sa sumpa sa angkan natin. I don't want my future grandchildren to suffer like the past three generations of our clan has suffered. At gusto kong magsimula ang pagkakaroon ng masayang pamilya sa henerasyon mo, Primo. Ikaw ang tatapos sa pagdurusa ng angkan natin."
"I can't do that, Lolo!" reklamo niya. "I don't have the will or the courage to end the curse!"
"Then go and find yourself a reason to end the curse and have a happy family! As the head of the new Velaroso clan, gusto kong sa mga kamay mo matapos ang sumpa. Lead our family to a brighter future, my beloved grandson." His ancestor's face softened and his eyes grew gentle.
Alam na ni Primo na wala na siyang laban kay Lolo Primitivo. He didn't have the heart to disappoint this good, old man. Ngumiti siya kahit bahagyang kumunot ang kanyang noo. "May mahanap kaya akong dahilan?"
"Gumising ka at makikita mo ang hinahanap mo," makahulugang sabi ng matanda bago tuluyang naglaho sa matinding liwanag na halos bumulag sa kanya.
Biglang nagdilim ang paligid. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon pero wala siyang makitang daan. Parang nahihirapan na rin siyang huminga at pakiramdam niya ay unti-unting sumasara ang mga dingding upang ipitin siya.
"Lord Primo!"
When he heard that familiar voice, his heart almost jumped out of his chest. "Pearl!"
***
"I'M CURSED, Charly. That old man has definitely cursed me!" eksaheradong reklamo ni Primo.
"My lord, ano ba'ng sinabi ni Lolo Primitivo sa 'yo nang dalawin ka niya sa panaginip?" nababagot na tanong ni Charly habang patuloy sa pagtipa sa laptop.
Napaisip siya. "I can't remember. Pero alam kong hindi maganda! I get chills whenever I remember the way he looked!"
Nang gabing gawin nila ang Courage Test ay lumindol nang malakas. Magnitude seven daw ang lakas ng lindol ayon sa nabalitaan nila sa telebisyon. Gumuho ang ilang bahagi ng Haunted Mansion dala na rin ng kalumaan. Sa kasagsagan ng paglindol ay pinrotektahan niya si Pearl. Nabagsakan siya sa ulo ng may-kalakihang bahagi ng gumuhong kisame at nawalan siya ng malay.
Nang magising, nasa ospital na siya. Thank God, he didn't sustain any serious injuries. Pero hindi maalis sa kanyang isip ang nakangising mukha ng kalolo-lolohan niya. Hindi rin niya alam kung bakit pero hindi rin maalis sa kanyang isip ang salitang "sumpa." Alam niyang konektado ang dalawa kaya isa lang ang nabuo niyang konklusyon—isinumpa siya ni Lolo Primitivo! "Pero bakit naman niya 'ko isusumpa?" galit na tanong niya.
"Baka dahil sa pagiging babaero mo," seryosong sagot ni Sley.
"Ui, hindi kasalanan 'yon, ah!" kontra naman ni Melvin. "Talent 'yon, talent!"
"I love you, Melvin!" natatawang sigaw ni Primo. Si Melvin lang naman talaga kasi ang parati niyang kakampi.
"I love you, too, my lord!"
"Isinumpa ka ni Lolo Primitivo dahil ayaw mong aminin sa sarili mo na nagmamahal ka na," mariin namang sabi ni Charly.
Natahimik ang lahat ng mga kaibigan niya at sabay-sabay na napatingin sa kanya na parang nagtatanong kung totoo ba ang sinabi ni Charly o hindi.
Alam ni Primo ang tinutukoy ni Charly pero nagmaang-maangan siya. Nakangising niyakap na lang niya ang babae. "Alam kong mahal kita, Charly. Inaamin ko naman 'yon."
Bumuntong-hininga lang si Charly. "You're gross, milord."
Nasa ganoong posisyon sila nang bumukas ang pinto. Pumasok si Pearl.
Biglang kumalas si Primo sa pagkakayakap kay Charly at napatayo nang makita kung ano ang kasama ni Pearl—isang batang lalaki! "Pearl, don't tell me... anak mo 'yan?!" hindi makapaniwalang bulalas niya.
Umiling si Pearl na nakapagpahinahon sa kanya. Until she said the following words: "Hindi ko anak ang batang ito. But my lord... this child, Pressman, might be your son."
Anak niya ang batang iyon?! Paano?! Nakaramdam siya ng pagkahilo na parang umikot ang kanyang paningin hanggang sa naramdaman na lang niya ang paglagapak ng kanyang katawan sa sahig.
"Lord Primo!"
He was definitely cursed!
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Storie d'amore"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...