"I'M BACK, Pearl!"
Nag-angat ng tingin si Pearl, saka sinimangutan si Primo. Halos dalawampung minuto siyang naghintay. "Bakit ang tagal mo?"
"May hinanap pa kasi ako. Ibinili na kita ng slippers na tiyak na magugustuhan mo." Inilabas ni Primo mula sa shopping bag ang isang pares ng puting slippers—na may tainga ng kuneho!
Napalunok siya, pinigilan ang sarili na tumili. Mahilig siya sa mga bagay na may disenyo ng puting kuneho. These slippers were really cute!
Ngumisi si Primo habang parang may nakikitang kaaliw-aliw. Pagkatapos ay walang sabi-sabing nag-squat paharap sa kanya. "Let me put these slippers on you, Cinderella." Hinubad nito ang mga sapatos niya at isinuot sa kanya ang white bunny slippers. "At bawal magreklamo. I cancelled my date for you."
Hindi pinansin ni Pearl ang huli nitong sinabi. Pakiramdam niya, nakahinga na ang mga paa niya. Komportable sa pakiramdam ang slippers na binili ng lalaki. And she really wanted to squeal because they were so cute.
"Ang hirap hanapin ng disenyong 'yan dito," kuwento ni Primo na ngayon ay nakaupo na sa tabi niya habang isinusuot ang sariling mga sapatos, pagkatapos ay tiningnan siya. "At may binili pa ako para sa 'yo."
"My lord, sinabi ko nang hindi ako tatang—"
Itinaas ng lalaki ang isang kamay upang pigilan siya sa pagsasalita. "You want me to be your beauty coach, right? Dapat, makikinig ka sa 'kin."
"Pumapayag ka nang maging beauty coach ko, my lord?" hindi makapaniwalang tanong ni Pearl.
Nagkibit-balikat si Primo. "I've never seen you this serious before. I see that you're trying your very best, so I'd like to help." Umupo pa paharap sa kanya. "First, blood red lipstick doesn't suit you." Inilabas nito mula sa maliit na shopping bag ang isang bagay na sa tingin niya ay lipstick. "I think pink would suit you better. Burahin natin 'yang lipstick mo ngayon at tingnan natin kung bagay nga sa 'yo ang kulay na 'to. Binilhan na rin kita ng makeup."
Tumango si Pearl. Naghahanap na siya ng tissue sa bag nang mapansing pababa nang pababa ang mukha ni Primo sa kanya. Nataranta siya at agad lumayo. "L-Lord Primo! Ano'ng ginagawa mo?!"
Ngumisi si Primo. "Women put on lipstick. Men take them off with a kiss—" Hindi na naituloy ni Primo ang sinasabi nang kutusan niya sa noo ang lalaki na ikinatawa lang nito. "Joke lang!"
"Hindi nakakatawa 'yon!"
Grabe! Ang lakas at ang bilis pa rin ng tibok ng kanyang puso mula sa pag-aakalang hahalikan nga siya ni Primo. Hindi niya akalaing maaapektuhan siya nang ganoon dahil lang sa kalokohan nito.
"'Wag ka nang magalit, Pearl," paglalambing ni Primo, saka iniangat ang hawak na tissue. "Seryoso na 'ko ngayon."
Inagaw niya ang tissue. "Ako na!" Padaskol niyang ipinahid ang tissue sa kanyang mga labi na tumagal rin nang ilang minuto. And she couldn't help but notice how Primo's smile seemed to become brighter as he watched her. Ayaw sana niyang magpaapekto dahil sigurado naman siyang lahat ng babae ay tinititigan ni Primo nang ganoon. Pero hindi niya maiwasang mapansin na parang malamlam ang mga mata nito nang mga sandaling 'yon. He looked relaxed, and comfortable. Katulad niya.
Noon, parati niyang iniisip na sakit lang sa ulo ang dulot ng pagbabantay niya kay Primo. Pero ngayon lang niya na-realize na pinakakalmado siya kapag kasama niya ang lalaki.
Natigilan lang siya nang nakangiting hawakan ni Primo ang kamay niya.
"Enough, Pearl. Nabura na ang lipstick mo. Let me try this one on you now. Close your eyes."
Naningkit ang mga mata niya. "Wala ka nang gagawing kalokohan, Lord Primo?"
Itinaas ng lalaki ang kanang kamay. "Promise. Hindi man matuloy ang kasal ng kapatid ko," nakangising panunumpa nito.
With one last glare at him, Pearl closed her eyes. May tiwala naman siya kay Primo. Naramdaman niya ang marahang paglapat ng parang malagkit na bagay sa ibabang labi niya. Mayamaya ay naramdaman na rin niyang buong mukha na niya ang nilalagyan ng kolorete. Pakiramdam niya, para siyang papel na kinukulayan dahil sa pag-stroke ni Primo. He asked her to smack her lips together, and then he asked her to open her eyes.
Nang magmulat siya, kakaibang satisfaction ang nakita niya sa mga mata ni Primo. At ang satisfaction na iyon ang nagpalakas sa kanyang loob na maganda ang kinalabasan niyon.
"Pink lipstick suits you, Pearl," ani Primo na may pagmamalaki sa boses. "And now for the hair..." Walang babalang tinanggal nito ang ponytail ng buhok niya kaya bumagsak iyon sa kanyang likod. "'Wag mo na uling itatali ng gano'n ang buhok mo dahil isinusumpa ko sa pangalan ng Luna Ville, ipapa-hunting ko kung sinuman ang mag-aayos uli sa 'yo ng gano'n."
Tumango lang siya at isinuklay ang mga daliri sa kanyang mahabang buhok. Hindi siya sanay na nakalugay lang iyon dahil parati siyang nakapusod. "Mas okay na ba akong tingnan ngayon?"
"Oo naman. Halika." Tumayo si Primo at sinenyasan siyang sumunod.
Tumalima si Pearl. Dinala siya ni Primo sa haligi ng department store kung saan may nakadikit na full-length mirror. At nang makita niya ang sarili sa salamin, nagulat pa siya dahil totoo ngang bumagay sa kanya ang makeup. "Wow..." mahinang usal niya at nakangiting nilingon ang lalaki. "Thank you, my lord."
Bahagya itong natigilan. At nang makabawi ay ngumisi. "May mapa ka ba, Pearl?"
"Wala. Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"I've become lost in your eyes, eh," ani Primo, sabay kindat.
Noon niya napagtantong nagbato na naman ng pick-up line ang lalaki. Inirapan niya ito upang itago ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. "Tse!"
![](https://img.wattpad.com/cover/144183169-288-k901076.jpg)
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...