HINDI alam ni Pearl kung ikukunot ang noo o matatawa siya sa hitsura ni Primo. May suot kasi itong itim na kapa at sa ilalim niyon ay may blood stain pa ang puting pang-itaas. Ang mas nakakatawa pa, nagsuot pa talaga ang lalaki ng pekeng pangil. Malayo pa ang Halloween pero naka-costume na si Primo na animo bampira. A very handsome vampire.
Nasa malawak na hardin na sila ng Haunted Mansion. Sa gitna ng mansion ay may water fountain na halatang luma na at wala nang lang tubig. Nagkalat ang mga tuyong dahon sa paligid at nagtataasan ang mga puno.
Tumingala si Pearl sa madilim na kalangitan at bahagyang kinilabutan dahil walang buwan nang mga sandaling iyon na parang ba iyon ay masamang pangitain.
Siyempre, naroon din ang matatalik na kaibigan ni Primo: Umi, Alaude, Genna, Melvin, Melou, Stein, at Sley. At katulad ng nagdaang gabi, wala rin doon si Charly na mukhang hindi pa rin maka-get over sa away nila. Pero naroon naman sina Moana at Eura.
"Good evening, lovely Pearl!" masiglang bati ni Primo habang pinagagalaw pa ang kapa na animo pakpak ng paniki. Nakangiti pang tumayo sa harap niya. "Masaya ka ba ngayong malapit mo nang mapasok ang Haunted Mansion?"
Napaisip si Pearl. Bata pa lang siya ay gusto na niyang mapasok ang Haunted Mansion. Mahilig din kasi siya sa supernatural kaya sa totoo lang, gusto niyang malaman kung totoong nagmumulto roon ang ninuno ni Primo. She felt so excited. Nakangiting tumango siya. "Oo, masaya ako."
Kinurot ni Primo ang magkabila niyang pisngi. "'Good to know that." Hinarap nito ang mga kaibigan. "Hoy, igalang n'yo naman ako! Anyway, tonight is the night our courage shall be tested. Each pair will stay in the Haunted Mansion for fifteen minutes. At ang bawat pares, kailangang maghanap ng isang teddy bear sa buong mansiyon na ipinalagay ko sa mga tauhan ko kaninang umaga. Ang may pinakamabilis na oras na makakalabas bitbit ang stuffed toy ang mananalo," paliwanag ng lalaki. "Is that understood?"
"Yes, my lord!" sabay-sabay na sagot ng lahat.
"Good! Now let's begin." Bumaling si Primo kay Pearl. "Let's go."
Tumango si Pearl at sumunod kay Primo. Everyone wished them good luck as they entered the house.
Pagtapak pa lang sa loob ng mansiyon ay napansin na ni Pearl ang pagka-"gloomy" niyon. Habang naglalakad sila sa pasilyo na tanging mga kandila sa pader ang nagbibigay-liwanag ay napansin niyang "makaluma" nga ang disenyo ng bahay. It looked ancient yet elegant. Halatang mamahalin ang mga sculpture at vase na nadaraanan nila.
"Isandaang taon na ang bahay na ito at halos tatlumpung taon nang hindi natitirhan. Hindi ka ba nakakaramdam ng takot?" nagtatakang tanong ni Primo.
Pinakiramdaman ni Pearl ang paligid. Malamig pero wala naman siyang nararamdamang kakaiba. Umiling siya. "Hindi."
Natawa nang marahan ang lalaki. "You're strange. Siguro, kung ibang babae ang kasama ko ngayon, kanina pa siya nakayakap sa 'kin. This place feels very romantic, you know. Madilim, nakakatakot, misteryoso. Alam mo, Pearl, puwede mo akong pagsamantalahan. Hindi ako magrereklamo, promise," he said flirtatiously, then winked at her.
Nag-iwas siya ng tingin at ikinuyom ang mga kamay upang kalmahin ang sarili. He was teasing her again and it affecting her, big time!
"Pearl, look! Our great grandparents' portrait!" bulalas ni Primo.
Nilapitan niya si Primo na nakatayo sa harap ng may-kalakihang litrato sa dulo ng nilalakaran nilang pasilyo. Litrato iyon ng great grandfather nitong si Primitivo Miguelito Velaroso kasama ang great grandmother niyang si Pearla Jacinta Amable-Hermosa. The picture was black and white. Sa pagkakaalam niya, iyon ang huling regalong natanggap ng pamilya Velaroso mula sa pamilya Amable na angkan ni Pearla Jacinta, kaya pinahahalagahan iyon nina Primo.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...