25th Chapter: Blessing

2.9K 137 1
                                    

HINDI alam ni Pearl kung paano tatakas kina Sword, Arrow, Knife, at Gun. Ang apat niyang pinsan ang maghahatid sa kanya ngayon papunta sa parking lot ng ospital. Oras na makasakay sila sa van na maghahatid sa kanya sa airport ay hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataong tumakas. This was her last chance.

Hindi siya papayag na basta-basta silang magkakahiwalay ni Primo dahil lang sa sumpa na wala namang basehan kung totoo o hindi. Marahil ay nag-aalala lang talaga ang kanyang ama dahil ngayon lang nalagay sa alanganin ang buhay niya sa trabaho kaya naisip nitong may kinalaman ang sumpa sa nangyari. At sisiguruhin kong makakatikim sa 'kin ang walanghiyang Primo na 'yon! Bakit ang dali niya 'kong isinuko?!

Sa labis na pagkainis ay nasipa ni Pearl ang van nang akmang bubuksan ni Knife ang pinto ng backseat. Sa gulat ay napaatras ang kanyang mga pinsan at ginamit niya ang pagkakataong iyon upang makatakas. Sinipa niya sa mga tuhod ang pinakamabagal kumilos na si Gun, at sinunod ang pinakamahinang si Knife. Pagkatapos atakihin ang dalawa ay tumakbo siya palayo. Pero nakasunod agad sa kanya ang maliliksi at malalakas na sina Sword at Arrow.

"Ate PJ! 'Wag mo nang ipilit ang gusto mo!" sigaw ni Arrow.

"Ayaw ka lang naming masaktan!" habol naman ni Sword.

Hinarap ni Pearl ang dalawa. She had to knock them down, kung hindi ay mapapagod lang siya sa katatakbo dahil tiyak na maaabutan din siya. "Mas masasaktan ako 'pag pinaglayo n'yo kami ni Primo!"

"At hindi nagwawagi ang mga kontrabida sa mga nobela ko."

Napasinghap si Pearl nang marinig ang pamilyar na boses. Nalingunan niya sina Charly at Crey. "Lady Charly, Boss Crey!"

"Yo," sabay na bati ng dalawa.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?"

"We're here to abduct our lord's lover," seryosong sabi ni Crey. Pagkatapos ay tumayo ito at si Charly sa harap niya na parang ba pinoprotektahan siya. "We've got your back, Pearl."

"Primo may act stupid, but we still love him and we're willing to do anything to protect his happiness." Binalingan siya ni Charly. "Ikaw 'yon, Pearl. Patawarin mo ako sa lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sa 'yo noon. I was just mad because I was jealous. Pasensiya na rin kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na humingi ng tawad." Ngumiti ang babae. "I'm sorry."

Ngumiti rin si Pearl. "Kalimutan na natin 'yon. At maraming salamat sa pagtulong sa 'kin."

"Charly, get ready," pukaw ni Crey.

Napansin ni Pearl na handa nang lumaban sina Sword at Arrow. Tumakbo na siya. Kampante siyang kayang tapatan nina Charly at Crey sina Sword at Arrow dahil parehong martial arts expert ang dalawa. Pero dahil magaling din ang mga pinsan niya, hindi napigilan nina Charly at Crey sina Knife at Gun sa paghabol sa kanya.

"Hi, Pearl!"

Natigilan si Pearl nang may dumaang parang hangin sa magkabilang gilid niya. Nang tingnan niya ang mga dumaan, nakita niyang sina Alaude, Melvin, at Stein pala ang mga iyon. Kinawayan lang siya ng tatlo bilang pagbati. They blocked Gun and Knife. "Thank you," pabulong na usal niya.

"Pearl."

Napatingin si Pearl sa itim na sasakyang huminto sa gilid niya. Bumaba mula sa passenger's side si Primo, at sa nakabukas na pinto ay nakita niyang si Sley ang nagmamaneho. "Primo!"

He smiled and spread out his arms. "Come here, baby."

Sapak ang ibinati ni Pearl kay Primo na napasinghap pero hindi natinag sa pagkakatayo dahil hindi naman malakas ang suntok niya. She loved him too much to hurt him. Napahikbi na lang siya. "How dare you! Paano mo ako nagawang isuko dahil lang sa sumpa? I hate you!"

Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon