"A-ANO ba'ng pag-uusapan natin, my lord?" tanong ni Pearl habang pilit kinakalma ang tibok ng kanyang puso.
"May gusto lang akong ibigay sa 'yo," ani Primo, saka ipinakita ang hawak na shopping bag na noon lang niya napansing dala pala ng lalaki.
"Ano 'yan?"
Ngumiti si Primo at inilabas mula sa shopping bag ang isang pares ng glass slippers. "Mas bagay ito sa suot mo, mahal na prinsesa."
Gusto sanang tumanggi ni Pearl dahil ramdam na ramdam niya kung gaano kamahal ang pares ng sapatos sa hitsura pa lamang, pero may kung ano sa boses ni Primo na nakapagpatahimik sa kanya. Was he... sad?
He got down on one knee and slowly took off her shoes. Pagkatapos ay ang glass slippers naman ang isinuot sa kanya. Habang ginagawa iyon ay nakayuko ang lalaki at natatakpan ng buhok ang mukha kaya hindi niya alam kung anong klaseng ekspresyon ang makikita sa mga mata nito nang mga sandaling iyon.
And she wanted to find out. "Okay ka lang, Lord Primo?" nag-aalalang tanong niya.
He chuckled lightly. "I'm happy for you because finally, magkakaroon ka na ng pagkakataong mapahanga ang gunggong na si Crey. But to be honest, I'm not okay with the idea. Alam mo kung ano'ng nararamdaman ko para sa 'yo."
Napalunok si Pearl at nakaramdam ng kirot sa puso. Hindi lang kalungkutan ang mahihimigan sa boses ni Primo. There was also pain. "You're hurting, my lord," halos pabulong na sambit niya, hindi makapaniwalang ang isang tulad niya ay may kakayahang saktan ang isang tulad ni Primo.
Dahan-dahang tumayo si Primo habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nakangiti ang lalaki, pero mas mabigat ang kalungkutang makikita sa mga mata. "Alam mo bang ang puso ay parang salamin? Dahil kahit basag-basagin mo, kapag tumingin ka sa salamin, nando'n ka pa rin." Itinuro nito ang dibdib, sa bandang puso. "At kahit masaktan 'to, hindi ka mawawala rito. As long as you're happy, even if it's with another man, the pain I feel will always be worth it."
Nangilid ang mga luha ni Pearl. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin. Sabihin nang makasarili siya, pero sa kabila ng nadaramang sakit ni Primo ay nakaramdam siya ng kasiyahan sa mga salitang sinabi nito. She never knew she had power over him.
Tuluyan nang nagtiwala ang kanyang puso na mahal nga siya ni Primo, at tuluyan na ring nawala ang takot niya na baka saktan lang siya ng lalaki. If he was willing to love her knowing that she might not feel the same way about him, she could also love him, even if he might break her heart, intentionally or not.
"Primo..." sambit ni Pearl.
Ngumiti ang lalaki, halatang nagustuhan na tinawag lang niya ito sa pangalan. "Yes?"
"Pearl."
Sabay silang napatingin sa pinto ng shop. And there stood a devilishly handsome Crey, clad in a crisp three-piece suit, his hands in his pockets.
"Nandito na pala ang sundo mo," nakangiting sabi ni Primo, pero malungkot ang ngiti. "I'm leaving now. Enjoy your evening with him." Tinalikuran na siya ni Primo bago pa siya makasagot, at nang dumaan sa gilid ni Crey ay narinig niya itong nagsalita. "I fucking hate you, Crey, you lucky bastard."
"I fucking hate you, too, Primo," walang-emosyong sagot ni Crey. Paglabas ni Primo ay dumako ang tingin ni Crey sa kanya at saka lumapit. His eyes grew gentle as he gazed down at her. "Ngayon lang kita nakitang nakaayos nang ganyan. You look beautiful, Pearl."
Natuwa si Pearl pero hindi lubusan. Nilukob ng matinding lungkot ang kanyang puso nang mawala si Primo. "Thank you, Boss Crey."
Bahagyang tumaas ang sulok ng mga labi ni Crey. "'Boss,' huh? Lahat kayo, 'yan pa rin ang tawag sa 'kin. Napagkakamalan na tuloy tayong mafia family," biro ng lalaki na nginitian lang niya. Inilahad nito ang kamay. "Let's go."
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...