22nd Chapter: Seigo Alicantre's Evil Plan

2.9K 125 2
                                    

Enix Hotel

IKINUYOM ni Primo ang mga kamay upang kalmahin ang sarili. Kaharap na niya sa suite si Leandra Sanchez, ang ina ni Pressman. Natagpuan ni Sword si Leandra sa Palawan at inutusan naman ni Pearl ang mga pinsan na dalhin sa kanya ang babae.

Nagpakilala na si Leandra sa kanya. Ang sabi ni Leandra ay nagkakilala sila sa bar ni Alaude noong panahong problemado ito dahil ipinagbubuntis si Pressman. They hadn't had sexual relationship, but he had comforted her that night. That was it. Isang gabi lang sila naging magkaibigan pero siya na ang pinili nitong lokohin.

"What? Pagkatapos mo akong paniwalain na anak ko si Pressman, ngayon ay gusto mo na siyang bawiin sa 'kin?" he asked through gritted teeth. Hindi siya galit. He was hurting. All this time, he thought Pressman was his child. Minahal niya nang husto ang bata, kaya mahirap para sa kanya na bigla na lang itong bawiin ng ina.

I don't want to give him to anyone! He's my child!

Humikbi si Leandra. "I'm sorry, Lord Primo. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko. Ayaw kilalanin si Pressman ng sariling ama. All these years, ako ang mag-isang nagtaguyod sa kanya. But recently, natanggal ako sa trabaho. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang ipambubuhay sa 'ming mag-ina dahil wala na rin akong ibang pamilya. Ang gulo-gulo ng isip ko. Napagod na 'ko, kaya n-naisip kong iwan siya sa 'yo."

"Do you think, hindi ko malalaman ang totoo?!" Naningkit ang mga mata ni Primo. Masama ang kutob niya sa nangyayari. "Sino ang nag-utos sa 'yo na sa 'kin mo ibigay si Pressman?"

"S-si Seigo Alicantre. S-siya ang boss ko na nagtanggal sa 'kin sa trabaho. Habang umiiyak ako noon, nakita ko ang litrato mo at narinig niya nang sabihin kong sana ikaw na lang ang naging a-ama ng anak ko. Tinanong niya 'ko kung kilala kita, and when I said yes, he offered to help me. Ang s-sabi niya, kapag sa 'yo ko iniwan ang anak ko, bibigyan niya 'ko ng malaking halaga at ng magandang trabaho. S-siya rin ang tumulong sa 'kin na pekein ang birth certificate ni Pressman."

Primo closed his eyes to try to calm himself. "That bastard... I'm going to kill that bastard!" Tumayo siya at dere-deretsong lumabas ng suite. Wala roon si Pearl dahil inutusan niyang bantayan si Pressman at huwag ibibigay kahit kanino.

Kinuha niya ang cell phone sa kanyang bulsa, saka tinawagan si Seigo. "Seigo! Pumunta ka rito ngayon sa Enix Hotel!"

He heard Seigo chuckle. "Relax, Lord Primo. I'll be there."

He hung up. Wala siyang panahong makipagbiruan kay Seigo.

Naghihintay siya sa tapat ng elevator nang may kung sinong tumawag sa kanya. Pero bago pa siya makalingon ay may kung anong malakas na bagay na tumama sa kanyang leeg.

And everything went black.

***

NASA'N ka, Primo?

Natataranta na si Pearl kahahanap kay Primo sa Enix Hotel. Hindi rin sinasagot ni Primo ang phone. Hindi kasi siya nakatiis sa bahay kaya sinundan niya ang lalaki roon.

Siniguro naman nina Umi at ng iba pa na babantayan si Pressman. Nakita niya si Leandra na katatapos lang daw kausapin ni Primo, pero ang sabi ni Leandra ay kakatagpuin daw ni Primo si Seigo. Nag-aalala siya na baka may gawing hindi maganda si Primo dahil sa estado nito ngayon. Heck, he could even kill Seigo!

Nasa lobby na ng hotel si Pearl nang may kung sinong tumawag sa kanya. Nalingunan niya si Seigo, nakangisi habang nakahalukipkip pa. Gusto niya itong sampalin pero pinigilan niya ang sarili. "Nasaan si Primo?" nanggigigil na tanong niya.

"Primo?" Tumawa si Seigo. "Kailan pa kayo naging close para hayaan ka niyang tawagin siya sa pangalan lang?" Inilapit ng lalaki ang mukha sa kanyang tainga at bago pa siya makaiwas ay nanigas na siya dahil sa mga salitang binitiwan nito. "Have you slept with him?"

Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon