7th Chapter: The Threat

3.4K 149 10
                                    

IF I CAN'T have you, nobody will, Primo.

Nilamukos ni Pearl ang papel kung saan nakasulat ang mga salitang iyon. Ginupit mula sa iba't ibang babasahin ang mga letrang idinikit sa papel. Napasama ang sulat na iyon sa mga business proposal na ipinadala sa opisina ni Primo kaya nangangahulugang malapit sa lalaki ang nagpadala niyon. Mabuti na lang at siya ang unang nakakita ng sulat. She didn't want him to worry about that.

"Oh, another threat, huh?"

Nalingunan ni Pearl si Sword, ang pinsan niya at may-ari ng "Black Gloves Café" o BGC na kasalukuyan niyang kinaroroonan. "Yes. Mukhang seryoso ang isang 'to."

"Do you need our help?"

Marahan siyang umiling. "I can handle this alone, Sword. Salamat na lang. I know how to handle my lord's pyschotic women."

"Jealous?" nakangising tanong ng kanyang pinsan.

Tinapunan ito ni Pearl ng masamang tingin. "As a detective, alam mong labag sa batas natin ang magkaroon ng personal na ugnayan sa mga kliyente natin."

Yes, Sword was also a detective. In fact, pati ang mga kapatid nitong sina Knife, Gun, at Arrow ay mga detective din. Black Gloves Cafe was a detective cafe after all. Front lang ang pagiging butler cafe niyon.

Ang Black Gloves Agency ang naging "training ground" niya bago siya naging full-fledged detective. Pag-aari ng angkan nila ang BGC dahil tito niya ang may-ari niyon. Pamilya talaga sila ng mga detective.

Naputol lang ang pagmumuni-muni ni Pearl nang tumunog ang chime ng cafe na nakasabit sa pinto—tanda na may pumasok doon.

Bigla siyang napatayo nang makitang si Primo ang pumasok. He wore big, dark-rimmed eyeglasses and casual attire. May nakasukbit na shopping bag sa balikat.

"Good morning, Pearl! Good morning weapon brothers!" masiglang bati ni Primo. "Weapon brothers" ang bansag nito kina Sword, Gun, Arrow, at Knife dahil sa pangalan ng magkakapatid.

"Good morning, Lord Primo," sabay-sabay at magalang na ganting-bati naman nila.

Dumeretso si Primo kay Pearl, inilagay ang eyeglasses sa ulo. "Oh, nandito ka na pala, Pearl."

Kumunot ang noo ni Pearl. Wala naman silang usapan na magkikita sa araw na iyon dahil ang alam niya, may date si Primo sa yacht na pag-aari ng isang mayamang babae kaya nga day-off niya ngayon.

Ngumisi si Primo nang marahil ay mabasa ang pagkalito sa kanyang mga mata. "Kanina lang kasi, nasa isip kita."

She rolled her eyes. Narinig naman niyang tumikhim si Sword. "My lord, ano ba'ng ginagawa mo rito? You're supposed to be on a date."

"May dinala ako para sa 'yo." Iniabot ni Primo sa kanya ang nakasukbit na shopping bag sa balikat. "As your beauty coach, I thought I needed to give you these."

Nagtatakang sinilip ni Pearl ang nasa loob ng bag. It was a pair of black high-heeled shoes! Chanel. Napasinghap siya. "My lord!"

"You're welcome, Pearl." Bumaling si Primo kay Sword upang marahil makaiwas sa kanya. "Sword, can we use the rooftop of your cafe?"

Magalang na yumukod si Sword. "Of course you may, my lord."

"Thank you." Nakangiting bumaling si Primo sa kanya. "Sumunod ka sa 'kin, Pearl." Nagpatiuna na ang lalaki sa pag-akyat sa hagdan, halatang umiiwas sa kanya at sa isyu ng pagbili ng ganoon kamahal na sapatos.

Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon