4th Chapter: Killer Shoes

3.4K 149 3
                                    

"MELOU, I'd really love to be with you, but I can't. I've got a date later," nakangiting sabi ni Primo. Kasalukuyan silang nasa isang ice cream parlor habang hinihintay si Pearl. Kanina, habang nasa trabaho siya ay bigla na lang siyang tinawagan ni Melou at inutusang pumunta sa mall na iyon. Kinabahan siya nang sabihin ng babae na mag-isa lang ito kaya dali-dali siyang nagpunta roon.

Eksaheradong sumimangot si Melou habang tinutusok-tusok ng kutsara ang chocolate sundae. "Mas mahalaga ba ang mga babae mo kaysa sa 'kin?"

Natawa nang marahan si Primo habang pinagmamasdan si Melou. Kapag may topak, para itong baby na kailangang utuin. Inakbayan niya ang babae. "Melou, what would you like to eat?"

"I want some wasabi sushi."

He smiled apologetically at her. "You know I can't stand spicy food. Ah, let's go to Violet Cloud. Papupuntahin ko na rin sina Sley doon pa—" Natigilan siya nang mariin itong umiling. Bumuntong-hininga siya. "Melou, kung may problema ka, you can always talk to us. Hindi 'yong ganitong umaalis ka nang mag-isa. Pinag-aalala mo kami."

"Bakit?" Nagtatakang tiningnan siya ng babae. "Bakit nga ba hindi ako puwedeng umalis ng Luna Ville nang walang kasama, Lord Primo?"

Natigilan siya. She had caught him off guard. Pero wala siya sa posisyon para buksan kay Melou ang nakaraan nito na gusto na nilang kalimutang lahat. "Melou—"

"Lord Primo, Lady Melou."

Sabay silang napatingin kay Pearl—teka, si Pearl nga ba ito?

Tiningnan ni Primo si Pearl mula ulo hanggang paa. Masyadong mataas ang pagkakapusod ng buhok ng babae na nakatagilid pa. Masyadong hapit sa katawan ang suot na sleeveless shirt. Masyado ring maiksi ang maong shorts, sa kanyang opinyon. Masyado ring mataas ang takong ng sapatos. And her lips were blood red! Tumayo siya at hinawakan si Pearl sa magkabilang balikat at marahang niyugyog. "Who are you? Ilabas mo ang Pearl ko!"

"My lord, you're overreacting again."

"Hindi ako nag-o-overreact! Nakikita mo ba 'yang suot mo?! Gusto kitang ibalot sa kumot! And your lipstick doesn't suit you!"

Kumunot ang noo ni Pearl, halatang hindi nagustuhan ang kanyang sinabi at inalis ang mga kamay niya sa magkabilang balikat nito. "With all due respect, wala kang pakialam sa ayos ko, my lord. Lalo na't tinanggihan mong maging beauty coach ko."

Tumaas ang isang kilay ni Primo. "You're still doing this for that good-for-nothing bastard Crey? Bahala ka sa buhay mo!" Tiningnan niya si Melou. "Let's go."

Tumayo si Melou at tiningnan si Pearl. "Hello, Pearl! It's nice to see you again!" anito, saka kumapit sa braso niya. "Lord Primo, hindi mo dapat pinagsasalitaan ng masama si Boss Crey sa harap ni Pearl. You know she likes him," bulong ng babae.

"You also know that I hate Crey." Bahagyang nilingon ni Primo si Pearl na sampung hakbang na ang layo sa kanya. Nakasanayan nang dumistansiya sa kanya ni Pearl dahil kasama raw iyon sa tungkulin nito bilang bodyguard niya. Kaya kahit ilang beses nilang piliting maglakad sa tabi nila si Pearl ay matigas na iling lang ang isinasagot.

Melou giggled. "Hmm? Hindi kaya nagseselos ka lang kay Boss Crey?"

He glared at her. "Melou, I love you, but if you dare to say that again, magagalit na ako. Wala akong dapat ikaselos sa gunggong na Crey na 'yon."

She pouted. "Inaaway mo ba ako?"

His face softened. "Of course not. I'm sorry."

Ngumiti lang si Melou.

Ah, Melou was really a sweet girl, at isa sa mga matalik niyang kaibigan. He loved her, but not romantically, kaya pinagbibigyan niya sa pagiging isip-bata.

Nadaanan ng tingin ni Primo ang display window ng isang boutique. Muntik na siyang matawa nang malakas nang makita sa repleksiyon sa salamin kung ano ang ginagawa ng kanyang bodyguard—Pearl was trying so damned hard to mimic the way Melou walked! Kunot na kunot din ang noo habang titig na titig sa kanyang kaibigan.

Melou walked like a model, at normal iyon kay Melou, but Pearl... he hated to say it, but she looked hilarous! Masyadong eksaherado ang paggalaw ng balakang ni Pearl. Her legs were long and creamy and nice, but she kept tripping over her feet because she wasn't used to the way Melou walked.

Bumuntong-hininga na lang si Primo nang tuluyan na ngang magkabuhol ang mga binti ni Pearl dahil sa pilit na panggagaya sa paglalakad ni Melou. Mabuti na lang at naitukod ni Pearl ang kamay sa pader. Huminto siya sa paglalakad at pumihit paharap. "Are you okay, Pearl?"

"Masakit ba ang mga paa mo?" nag-aalala namang tanong ni Melou.

"I'm fine, Lady Melou, Lord Primo," kaswal na sagot ni Pearl habang dumederetso ng tayo.

Dumako ang tingin ni Primo sa mukha ni Pearl. Mahigit isang dekada na niyang kilala at kasama si Pearl kaya hindi na nakakaligtas sa kanya ang mumunting pagbabago sa mukha ng babae. Her eyebrows twitched. Kapag ganoon, alam niyang may iniinda itong sakit. Bumaba ang tingin niya sa mga paa ni Pearl.

Those damned shoes.

Marahang inalis ni Primo ang kamay ni Melou sa kanyang braso. Nilapitan niya si Pearl at hinawakan sa braso. "Sumama ka sa 'kin."

Inakay niya si Pearl papunta sa isa sa mga bench na nakakalat sa "Hanging Paradise" ng Red Lux Mall. Parte iyon ng mall na parang isang parke. May maliit ding carousel doon para sa mga bata, malaking water fountain na napapaligiran ng iba't ibang makukulay at nagsasayaw na mga ilaw, at nagkalat din ang mga stall ng street food.

Sapilitan niyang pinaupo si Pearl sa bench, saka siya nag-squat paupo sa harap ng babae. "Take off your shoes."

"Lord Pri—"

"That's an order," giit niya na nakapagpatahimik kay Pearl. Bihira lang niya itong utusan pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang balak na makipagmatigasan ng ulo. Walang-sere-seremonyang hinubad niya ang mga sapatos ng babae. Napangiwi na lang siya nang makitang nagpaltos na nga ang mga daliri ni Pearl sa paa gaya ng hinala niya.

"Those blisters look painful," nakasimangot na komento ni Melou.

Tumayo si Primo bitbit ang "killer shoes" ni Pearl. "Come on. Ibibili kita ng bagong sapatos."

"Pero, my lord, kailangan ko 'yan para masanay akong magsuot ng mataas na sapatos."

"Hindi nga bagay sa 'yo 'to," giit ni Primo. Tinangkang agawin ni Pearl ang mga sapatos pero itinaas niya ang kanyang mga kamay.

Tinalikuran na ni Primo si Pearl pero hindi niya inaasahang may mga bata palang daraan sa harap niya. Nabunggo siya ng mga bata at dahil hindi siya handa, hindi niya nabalanse ang sarili. Nagkandabuhol ang mga binti niya at hahalik na sana siya sa sahig kung hindi lang siya napakapit sa sandalan ng bench sa harap niya.

Nakahinga siya nang maluwag, pero napasinghap din nang marinig ang paglagasgas ng tubig sa water fountain. At iyon ay dahil sa mga sapatos ni Pearl.

"Lord Primo!"

Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon