MINAMASAHE ni Pearl ang magkabilang balikat habang bumababa ng hagdan. Nangalay siya sa pagkarga kay Pressman dahil kinailangan pa niyang ihele ang bata bago makatulog. Ipinagamit ni Primo ang isa sa mga guest rooms sa mansiyon bilang pansamantalang kuwarto ni Pressman.
"Is the child asleep?"
Napatingin si Pearl sa pinanggalingan ng boses. Nakita niyang nakabukas ang sliding doors na palabas sa bahagi ng malawak na hardin kung saan may koi pond.
Nakaupo si Primo sa unang baitang ng hagdan ng front porch habang nakasandal sa hamba ng pinto. He saluted her with a cigarette between his fingers and looked so damn sexy in the dark as he gently blew the smoke out of his mouth.
Tumikhim si Pearl. "Yes, my lord. Maayos na ang pagtulog ni Pressman."
"That child could really be my son, huh?"
Natigilan siya. Primo looked sad, mukhang ngayon lang naa-absorb ang lahat ng nangyari. Hindi naman talaga madaling tanggapin ang anak na bigla na lang magpapakilala pagkatapos ng limang taon. Pagkatapos ay hindi pa nito maalala ang ina ng bata.
"Maupo ka sa tabi ko, Pearl. Nangangalay akong tingalain ka," utos ni Primo.
Tumalima siya. Nasinghot agad niya ang usok ng sigarilyo pag-upo niya. Bumaling siya sa lalaki. "Lord Primo, alam kong bihira ka lang manigarilyo. Pero pilitin mo sanang huwag gawin 'yan kapag kasama mo si Pressman. Makakasama sa kalusugan ng bata ang makasinghot ng usok ng sigarilyo."
"Geez! You sound like grandma."
Sa sulok ng mata ni Pearl, nakita niyang binitiwan nito ang sigarilyo at tinapakan.
"I get it. I won't smoke when the kid is around."
"My lord, naalala mo na ba si Leandra Sanchez?" pag-iiba niya ng usapan.
Bumuga ng hangin ang lalaki. "This may sound rude, pero hindi ko talaga siya matandaan. I mean, I can remember most of the women I've been... intimate with. But I don't really recall her."
Nahimigan ni Pearl ang matinding kalungkutan sa boses ni Primo. "My lord, ano'ng nararamdaman mo sa pagsulpot ni Pressman?"
Ngumiti ito nang malungkot. "Kahit sino naman sigurong lalaki, mabibigla kung isang araw, malalaman nilang ama na sila. Pero mas malala ako sa kanila. I've never wanted to be a father, because I know I am not fit to be one."
"My lord..."
"You know what kind of man I am, right? I will never become a good father, Pearl. Alam mo ang istorya ng pamilya namin. Noong nabubuhay pa sina Mommy at Daddy, hindi naging maganda ang pagsasama nila. I hated it so much. I hated seeing Umi cry, yet I couldn't do anything. Dahil do'n, nangako ako sa sarili na hindi ako gagawa ng isa pang 'Primo at Umi' sa pamilya Velaroso. Ayokong makakita ng mga batang umiiyak dahil sa mga magulang nilang hindi nagmamahalan. Ayokong may makaranas pa sa mga naranasan namin ng kapatid ko noon."
Nasasaktan si Pearl habang nakikita ang kalungkutan sa mga mata ni Primo. Pero hindi niya alam kung paano pagagaanin ang loob nito. Nasaksihan niya ang kabataan ng magkapatid kaya alam niya kung gaano kalalim ang sugat sa puso ni Primo. "Lord Primo, paano ka naman nakakasigurong mangyayari din sa magiging pamilya mo ang nangyari sa mga magulang n'yo ni Lady Umi?" nag-aalangang tanong niya.
Halatang nagulat ang lalaki pero sumagot din naman. "Alaude once asked me what love meant to me. And I said 'love is something so sacred that if I touch it, I'll get burned.' Do you know why?"
Umiling siya. "No, milord."
Lumuwang ang ngiti nito. "Because love is for people with pure hearts. And I'm not one of those people. Puwede akong mag-asawa para lang magkaroon ng tagapagmana. But I will only make the same mistake my father made. Nagpakasal lang naman si Daddy kay Mommy noon para magkaroon siya ng tagapagmana. And you know what's funny? Nakikita ko ang sarili ko sa daddy ko. Kaya nga natatakot ako sa sarili ko. Natatakot akong bumuo ng pamilya at sirain din 'yon gamit ang sarili kong mga kamay. My children would only suffer. To tell you honestly... I'm scared of that. I'm scared of destroying my future children's lives because I can't be a good father."
Tawagin na siyang makasarili pero masaya siyang ibinahagi ni Primo sa kanya ang mga bagay na iyon. Naramdaman niyang galing sa puso ang bawat salitang binitiwan nito. Naiintindihan naman niya ang takot na nararamdaman ni Primo, kaya kahit paano ay gusto niyang pagaanin ang loob ng lalaki.
"My lord, walang kasiguruhan ang hinaharap. Pero ang kasalukuyan, nasa mga kamay natin. Work hard to make the best of it, para makalingon ka sa nakaraan mo nang nakangiti." Pearl turned to him and smiled. "My lord, you're a good person. Kaya kung gugustuhin mo, alam kong magiging mabuting ama ka rin. Hindi ba mula nang maulila kayo, ikaw na ang tumayong ama ni Lady Umi? Naging mabuti ka sa kanya, kaya sigurado akong magiging mabuti ka rin kay Pressman."
Bumakas ang pagkabigla sa mukha ni Primo at nag-iwas ng tingin nang mapangiti. "You know, Pearl, I always doubt that I can protect the people I love. Hindi ako santo at marami akong kagaguhan sa katawan. Pero dahil sa mga sinabi mo ngayon, tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili." Habang nakangiti ay masuyo nitong hinaplos ang kanyang pisngi gamit ang likod ng kamay. "Thank you, Pearl. Really."
The honesty in Primo's eyes and the sincerity in his voice seemed to cast a spell on her. A spell that made her cheeks burn and her heart beat fast. Nagiging malinaw na sa kanya ang nararamdaman niyang iyon kaya bago pa siya matangay ay umiwas na siya at tumayo na. "Lord Primo, uuwi na ko. Magpahinga ka na. Magandang gabi," magalang na sabi niya, saka naglakad palayo.
"Goodnight, Pearl. Dream of me!" pahabol na sigaw ng lalaki.
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...