"I WANT to die of shame!"
Hindi alam ni Pearl kung matatawa o maaawa kay Primo na nakasubsob ang ulo sa loob ng shopping cart na tulak-tulak nito. At dahil hindi naman nakatingin si Primo sa kanya, napangiti na lang siya. "Everyone knows you can't stand spicy food, my lord."
Lakas-loob na sumali si Primo sa contest sa appliance center kanina kahit alam nitong paramihan iyon ng makakaing sili. Nakaubos naman si Primo ng isang platito pero pagkatapos niyon ay nagsuka na. And being the drama king that he was, he cried exaggeratedly. Nakailang bottled water din ang lalaki bago tuluyang kumalma. "Hindi ko matanggap na hindi ko nakuha para sa 'yo ang stand fan na 'yon. At lalong hindi ko matanggap na nasaksihan mo pa ang kahinaan ko," patuloy na pagrereklamo nito na sinamahan pa ng paghikbi.
Kinagat ni Pearl ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na matawa. "My lord, nakita na rin kitang nagkaganyan nang lagyan ni Boss Crey ng hot sauce 'yong burger mo noon."
"Dammit, Pearl! Don't remind me of that ugly memory with that bastard Crey!" madamdaming pahayag ng lalaki.
Napangiti na lang siya habang pinanonood si Primo na mukhang hindi matanggap na napahiya. Pero para sa kanya, walang nakakahiya sa ginawa nito. Kahit alam ni Primo sa sarili na hindi ito makakatagal sa maaanghang na pagkain ay sumali pa rin sa contest. Kumain pa ng isang platitong sili. That was so brave of him. Lalong tumaas ang respeto niya para kay Primo.
And he did it for me.
May mainit na bagay na bumalot sa puso ni Pearl. Pakiramdam niya, may kailangan siyang gawin upang masuklian ang ginawa ni Primo para sa kanya, at para pagaangin ang kalooban ng lalaki.
Dumeretso siya sa frozen goods ng grocery. He had a sweet tooth. Kumuha siya ng naka-cup na ice cream, binayaran iyon sa counter at ipinaalam na bubuksan na niya, saka siya sumunod kay Primo. "My lord!" tawag niya.
Sa wakas ay nag-angat na ng tingin si Primo nang lingunin siya. He looked so miserable. "Yes?"
Tumayo si Pearl sa harap nito. Pagkatapos alisin ang lid ng cup ay nag-scoop siya ng ice cream gamit ang plastic spoon, pagkatapos ay itinapat niya ang kutsara sa bibig ng lalaki.
Bumakas ang labis na pagtataka sa mukha ni Primo. "Pearl?"
"Say 'ah,' my lord." Pilit niyang pinasigla ang boses kahit na ang totoo ay gusto na niyang lumubog sa kahihiyan.
Mahilig gumawa si Primo ng mga bagay na nakakahiya dahil sa sobrang ka-"cheesy-han" at alam niyang matutuwa ang lalaki kapag siya ang gumawa niyon para dito. More than anyone else in his group, he was the person who wanted to be pampered the most.
Bumalik na ang nakakahawang magandang ngiti ni Primo. "Say it again, Pearl."
Pinigilan niyang magtitili dala ng kahihiyang naramdaman. Lumunok muna siya bago nagsalita. "Say 'ah,' my lord."
Tumalima si Primo. Hindi nakaligtas sa paningin ni Pearl ang kakaiba nitong ngiti habang sinusubuan niya ng ice cream. He was acting like a spoiled brat and he was enjoying it!
"Ikaw na ang magpakain sa sarili mo," aniya nang hindi na niya kinaya ang kahihiyan. Itinulak niya ang ice cream cup at ang plastic spoon sa dibdib ni Primo na tatawa-tawa nitong kinuha mula sa kanya. Siya na ang nagtulak ng shopping cart. "My lord, bakit ba kasi pinilit mo pang sumali sa contest na 'yon?"
Nagkibit-balikat ito. "I wanted to do you a favor, no matter how small. Pasensiya ka na kung palpak nga lang."
Pearl was deeply touched by his words again. At hayun na naman ang kakaibang reaksiyon ng kanyang puso. "M-maayos na ba ang pakiramdam mo, milord?" pag-iiba niya ng usapan.
Ngumiti si Primo. "Alam mo, kapag ikaw ang kasama ko, inaantok ako."
May tumarak yata sa puso niya. "Dahil boring ako?"
Nakangiting umiling ang lalaki. "Kasi, masarap magpahinga sa tabi mo, eh." Pagkatapos sabihin iyon ay nagpatiuna na ito sa paglalakad.
Naiwan naman si Pearl na pinagmamasdan na lang ang likod ni Primo. Ramdam na ramdam niya ang matinding pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Bigla ring nanikip ang dibdib niya dala ng malakas at mabilis na tibok ng kanyang puso. Bakit naaapektuhan siya nang ganoon katindi dahil lang sa mga sinabi ni Primo?
Dahil ba 'yon ang mga salitang gusto kong marinig?
"Lord Primo," she absentmindedly called him.
Dahan-dahang lumingon si Primo. Nakangiti ang lalaki noong una pero unti-unting nawala at napalitan ng labis na pag-aalala. He then called her name, flung away the ice cream cup in his hands, and ran towards her at full speed. May kung ano rin itong itinuturo sa kanya.
Noon lang naintindihan ni Pearl ang nangyayari. Nang tumingin siya sa kanan, nakita niyang mababagsakan na siya ng mga de-latang magkakapatong. Wala sa estante ang mga de-lata kaya kapag nabunggo ang salansan ay mabilis matutumba. Iniharang na lang niya ang mga braso upang protektahan ang sarili kasabay ng sigawan ng mga tao sa paligid. Pero bago pa siya tamaan ng kahit isang lata ay naramdaman na niya ang pagyakap sa kanya ni Primo, pinoprotektahan siya, lalo na ang kanyang ulo. Ang sumunod ay ang ingay na likha ng pagtama ng mga lata sa sahig.
Napapikit si Pearl at dumilat lang nang tumahimik na. Ang una niyang nakita ay ang babaeng nakatayo sa likuran ni Primo. The woman was clad in black, and she was glaring at them. May itim na belo na nakatakip sa mukha kaya hindi niya namukhaan. Mabilis din itong tumalikod at tumakbo palayo.
"Pearl, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Primo.
Dumako ang kanyang tingin sa lalaki. "Yes, milord. Ikaw? Nasaktan ka ba?"
Ngumiti lang ito. "No." Blood was dripping down the side of his face.
"Lord Primo!"
BINABASA MO ANG
Luna Ville Series 4: Beautiful Velaroso Curse (COMPLETE)
Romance"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly-ang ex-girlfriend ng crush niyang si Crey. Sinabihan siya ni Charly na hindi siya magugustuhan ni C...